KABANATA 12

1792 Words
Zaera's Point of View Tatlong araw na ang lumipas simula ng magkita ulit kami ni Zerron sa mall pati na rin si Zian. Hindi ko alam pero hindi mawala sa isipan ko ang sinabi nito pati na rin ang ekspresiyon ng mukha niya noong araw na iyon. Napabuntong hininga ako saka umupo sa kama. Hindi naman ako manhid para hindi maintindihang nasasaktan siya but he deserved it. But he has a point tho. Ipiniling ko ang ulo ko. Huwag kang maawa sa kanya Zaera. Siya nga hindi naawa sa iyo noon. Tumayo nalang ako upang pumunta sa veranda at pagmasdan sina Hather at Lovern sa baba na kalaro si Zian. Malapit na ang fifth birthday nito at bago pa man na dumating iyon ay aalis na kami ng bansa. We will celebrate his birthday in Spain. We have talked already about it. Hindi pa namin ito nasasabi kina Mama at Papa pati na rin kay Zian. "Hi, Mama!" Napangiti ako ng kumaway ito sa akin. Kumaway na lang rin ako pabalik. Nag-ring naman ang cellphone ko kaya kinuha ko ito sa may bedside table. Napakunot noo ako ng makitang unknown number ito. Una kaagad na sumagi sa isipan ko ay si Zerron kaya't dinecline ko ito at pinatay rin ang cellphone ko. Wala akong panahon para makipag-usap sa kanya. Bumaba nalang ako upang kumuha ng tubig. Sakto rin namang nakita ko si Zian na papasok ng bahay kasama si Hather. Hinanap ng mata ko si Lovern pero wala ito. "If your looking for my sister, she's talking with Venice" Wika ni Hather na tila napansin ang paghahanap ko. Napatango naman ako. Venice is one of her friends during college days. "Mama!" Bati ni Zian at lumapit sa akin. Ginulo ko naman ang buhok niya. "Pawis na pawis ah?" Puna ko at pinunasan ang noo niya na may pawis pa. "Wala ngang kapaguran eh. Kami lang ang napagod sa kanya" Nakangiting sabi ni Hather habang kumukuha ng tubig sa fridge. I chuckled. Umupo ito sa isa sa mga stool at ipinatong sa mesa ang baso ng tubig. "Dada, Doraemon" Nakalahad ang kamay ni Zian kay Hather. Natawa naman si Hather at ibinigay ang cellphone niya kung saan may video ni Doraemon. Tumakbo naman si Zian palabas ng kusina bitbit ang cellphone ni Hather. Sinundan namin ito ng tingin hanggang sa makaupo ito sa sofa. "Ikaw? Okay ka lang ba?" Tanong sakin ni Hather matapos ang ilang segundo. Seryoso ang ekspresiyon ng mukha nito. "I'm fine. Mukha ba akong may sakit?" I laugh. I stopped when I noticed that he's serious. "Kilala kita, Eve. Alam kong hindi ka okay" I heave a deep sigh. Hather really know me when I have a problem or something was bothering me. Iyon talaga minsan ang hindi ko naitatago sa kanya. Maybe I am too transparent about myself or he's just so good at reading people's emotions. "Actually, Zerron's bothering me" Umiwas ito ng tingin at uminom siya ng tubig. "Why? Is he still bothering you after you've met each other at the mall last time?" "No. Nabo-bother lang ako sa sinabi niya sakin noong araw na iyon" Malayo ang tinging sagot ko. Hindi naman ito umimik. Bumaling ako ng tingin sa kanya at nakita ko sa mga mata niya na may nais siyang sabihin. Matagal akong nakipagtitigan sa kanya at siya na ang unang umiwas ng tingin. "Can I ask you something, Eve?" Batid ko na seryoso ito sa kung ano man ang itatanong niya. Tango na lang ang isinagot ko sa kanya. "Mahal mo pa ba si Zerron?" Napakurap-kurap ako sa tanong niya. Hindi ko kasi ito inaasahan. Bigla namang sumikdo ang puso ko. Umiwas ako ng tingin at tumawa. Ako lang ba o pakiramdam ko mababaw lang ang tawa ko? "Ano bang klaseng tanong 'yan? Matagal na 'yon limang taon na ang nakalipas, naka-move on na ako" "Yes or No lang naman ang hinihingi kong sagot, Eve" Natigilan naman ako sa sinabi niya. Napalunok ako. Naka-move on na nga talaga ako sa kanya. Hindi na ako apektado kapag nakikita ko siya. Kahit pa maglampungan silang dalawa ni Heiress wala na akong pake. "Naka-move on na talaga ako" Siguradong sagot ko. Siya naman ang umiwas ng tingin. Matagal kaming hindi nag-imikan. Nabigla ako ng hawakan nito ang kamay ko. Hindi kaagad ako nakapag-react. Hindi ko rin magawang alisin ang kamay niya sa kamay ko. "H-Hather, yung kamay k-ko" Naiilang kong saad. Imbis na bitawan niya ito ay hinawakan niya ito ng mahigpit. "Will you stop thinking about him, Zaera?" Hindi kaagad ako nakaimik sa tanong nito. I wanted to tell him that I'm not thinking about Zero pero hindi ako makapagsalita dahil kinakabahan ako sa paraan ng pagtitig nito sa 'kin. "I will always be here for you, Zae" Sinserong sabi niya sa 'kin. "Always remember that" Nakangiting sabi nito. "I've been thinking for this for a long time at ayokong pagsisihan ang isang bagay na wala manlang akong ginawa. Kahit pa ano ang maging sagot mo sa tanong ko tatanggapin ko" Tumikhim ito saka napahugot ng malalim na hininga. Lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil mukhang alam ko na ang susunod niyang sasabihin. "Will you give me a chance, Zae? Give me a chance to show you how much I love you" Zaera's Point of View "Oh my God! Kyaaah! I can't believe it! Umamin na si Kuya sayo! Oh My God! Sa wakas! Hindi na siya torpe!" Halos makalas ang aking mga braso sa pagkakayugyog nito ng sunod-sunod sa akin. Konti na nga lang at lalabas lahat ng tutuli ko sa lakas ng pagkakasigaw nito. And take note, ang lapit-lapit niya sa 'kin ngayon kaya't pakiramdam ko ay pati eardrum ko mababasag na. "So, anong sabi mo? What did you said to Kuya?" She excitedly ask while holding my both hands. May malaking ngiti rin sa labi niya. Dahan-dahan akong umiling. Her smile slowly fades away. Alam kong nagagalak siya sa kung ano man ang naging sagot ko sa kuya niya. Ever since, she keep teasing me about her kuya pero sadyang ang puso ko talaga noon ay kay Zero. Noon lang naman iyon dahil sa ngayon wala ng nagmamay-ari sa puso ko. "I'm sorry, Love. Hindi pa talaga ako ready para pumasok sa isang relasiyon" Bigla niya naman akong sinapok sa braso. Mahina lang naman iyon. "Ano ka ba! Okay lang naman 'yon, hindi naman kasi natuturuan ang puso kung sino ang mamahalin mo" Sinserong sabi niya. Bigla naman siyang natawa. "Saan pala si Kuya?" Tanong niya na natatawa pa rin. "Nasa kusina" After niya kasi akong kausapin kanina tungkol sa bagay na iyon ay humingi na kaagad ako ng tawad sa kanya dahil hindi ko maipapangakong maibabalik ko ang pagmamahal na ibinibigay niya sa akin. Although I dumped him, he's still persistent to pursue me. Hinayaan ko nalang siya. "Wahahaha busted ang kupal. Sandali lang, Zae. Punta lang ako kay Kuya" Paalam nito sa akin. Pipigilan ko pa sana siya upang pagsabihan na huwag ng asarin ang kanyang kuya pero wala na akong nagawa ng patakbo itong lumabas ng kuwarto. "Kuya!" Rinig ko pang tawag nito kay Hather. Sira, talaga. Napabuntong hininga na lang ako saka napatingin sa labas ng bintana kung saan pumapasok ang sinag ng buwan sa loob ng kuwarto. 'Zae, ready naman ako para maging ama kay Zian. I will accept and Love him as my own child' Bumalik sa ala-ala ko ang sinabi ni Hather sa 'kin kanina. Actually, wala naman akong maipipintas kay Hather. He's a good man. He will be a good boyfriend, a good husband and a good father. Alam ko iyon dahil nakita at naranasan ko na ang ganoong side niya. Actually, I admire him because of that. "Mamá, ¿dónde estás?" Translation: Mama, where are you? Napabaling ako sa may pinto ng marinig ang boses ni Zian. Sa tingin ko'y papaakyat ito ng hagdan. "Mamá está aquí, Zi" Translation: Mama is here, Zi Patakbo naman itong pumasok sa loob ng kuwarto at lumapit sa akin. Binuhat ko ito at pinaupo sa kama. Napansin ko na medyo mapupungay na ang mga mata nito, siguro ay pagod at inaantok na siya dahil sa kakalaro kanina. "Why? Do you need anything?" Umiling naman ito. Hinaplos ko naman ang ulo niya. "Are you sleepy?" Tanong kong muli. Tumango ito kaya napangiti ako at inayos siya pahiga sa kama. Tumabi ako sa kanya. Niyakap naman nito ako kaya hinalikan ko ang noo niya. I lightly patted his bumps and started to hum his favorite lullaby. Simula pagkabata 'Sa Ugoy ng Duyan' na talaga ang lagi kong hina-hum sa kanya para madali siyang makatulog. Mahigit isang minuto na ang lumipas at tuloy lang ako sa pag-hum. "Mama, where is Daddy?" Napatigil ako sa pag-hum ng marinig ko ang tanong nito. Tiningnan ko ang mukha niya at nakatitig rin ito sa akin. Akala ko tulog na ito pero hindi pa pala. "You mean Dada? Why? Do you want to sleep with him?" Mahinang tanong ko. "Not Dada Hather. Mi papá, mamá. ¿Dónde está mi verdadero papá?" Translation: My Daddy, Mama. Where is my real Daddy? I'm not prepared. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Tila nawalan ako ng dila at boses sa biglaang tanong niya sa akin. Napayakap ako sa kanya ng mahigpit sapat na upang hindi siya masakal. Anong isasagot ko? Napalunok ako dahil tila may bumarang kung anong bagay sa lalamunan ko. "Mama, I want to meet my Daddy. When will he go home?" At iyong tanong niya ang mas nagpatindi ng kaba sa puso ko. I never talked about his real Dad about anything else. I just told him that his dad is working far away na hindi ito makakauwi but I've never said that he will be able to come back. "A-Anak, y-your Daddy is working far away and he w-will not be able to comeback" "But I miss Daddy, Mama" Pansin ko ang lungkot sa boses nito. Hindi ko naman mapigilang tumulo ang luha ko. Hindi nalang ako gumawa ng ingay. 'I'm sorry, Zi. I'm sorry but it is impossible for your Daddy to come home because he will have his own family soon. Humihingi rin ako ng tawad dahil hindi ako papayag na makuha ka niya sa 'kin' "But he can't really come home, nak" Malungkot kong sagot sa kanya. "He's really busy" Dagdag ko kahit hindi naman totoo. "Why, mama? He didn't miss me?" "H-He misses you so much, Zi" Bulong ko sa kanya upang mapanatag ang kalooban niya. "Then, why isn't he coming back home?" Sa huling tanong nito ay mas lalong kumirot ang puso ko. Ang bigat sa dibdib. Mas lalo akong nahihirapan dahil hindi ko alam kung ano ang maaari kong isagot sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD