KABANATA 11

1432 Words
Third Person's Point of View Hindi mawari ni Zerron kung bakit hindi maalis ang tingin niya sa babaeng tinawag na Mama ng batang hawak-hawak ang kamay niya. Hindi rin maipagkakailang tila ayaw na niyang pakawalan ang kamay ng batang nasa tabi niya. Habang hila-hila nito ang kamay niya papunta sa babaeng nakatalikod mula sa kanya ay tila bumabagal ang buong paligid at wala siyang ibang naririnig kung hindi ang t***k ng puso niya. "Mama" Zian held Zaera's hand and shake it a bit. "This señor helped me earlier. He's the one that I'm talking about, Mama" Dagdag nito na malaki ang ngiti. Tila walang naririnig si Zaera dahil samu't-saring bagay ang pumapasok sa kanyang isipan. Hindi na niya alam ang gagawin. Walang nagawa si Zerron kung hindi ang siya mismo ang lumapit sa harapan nito upang tingnan ang mukha ng babae. Bumakas ang gulat sa mukha nito ng makilala kung sino ang babae sa harapan niya. Unti-unting inangat ni Zaera ang paningin niya at nagsalubong ang kanilang mga tingin. Samu't-saring emosyon ang makikita sa mukha nilang dalawa. "Zaera...." Medyo may kahinaang tawag ni Zerron sa pangalan niya. Samantala pumagitna naman sa kanilang dalawa si Zian habang hawak ang kamay nilang dalawa at nakatingala sa kanila na may ngiti sa labi. They look like a perfect complete family in that moment. "Did you know each other?" Tanong nito sa masiglang tinig. Kaagad namang nagising si Zaera sa reyalidad ng magtanong ang anak nito. Mabilis niyang inalis ang kamay ni Zerron sa kamay ni Zian at mas inilapit sa kanya ang anak. Isang pilit na ngiti ang gumuhit sa labi niya saka tinignan si Zian na may kyuryusong ekspresiyon. "N-Nak, he's an old friend" Pilit nitong inaayos ang pagsasalita kahit nangingibabaw ang kaba sa puso niya. Wala na. Wala ng silbi ang ilang taong pagtatago niya dahil sa isang iglap lang ay nagkita na ang mag-ama. Gustong magsalita ni Zerron pero mas pinili nitong manahimik muna. Nakatitig ito kay Zaera lalong-lalo na sa anak nilang dalawa. Gusto niyang yakapin ito ng mahigpit dahil sa wakas ay nakita niya rin ito sa loob ng ilang taong hindi niya ito nasilayan manlang. Iba sa pakiramdam, ibang-iba. "Really, Mama? Then, that will be great! What is his name po?" Tumikhim naman si Zerron. "I'm Zerron, so---kiddo" Muntik pa itong madulas. Pasimpleng sinamaan ng tingin ni Zaera si Zerron. Nagulat naman si Zaera ng bumitaw sa kanya si Zian at niyakap ang binti ni Zerron. Tumingin naman si Zerron kay Zaera at nangungusap ang mga mata nito. Gustong-gusto nitong yakapin ang anak. Napatitig sa kanya si Zaera. Zaera's Point of View Gustong-gusto kong buhatin si Zian at tumakbo palayo kay Zero. But I can't do that anymore. Tila sinampal ako ng reyalidad na kahit kailan ay hinding-hindi ko matatakasan ang bagay na ito. Pero hindi pa ako handang sabihin kay Zian ang lahat at hinding-hindi ko rin magagawang ibigay sa kaniya ang anak ko kahit kailan. Nakatitig lang ako kay Zian na nakayakap sa binti ni Zero. Malaki ang ngiti nito. Napatingin ako kay Zero na ngayon ay nakatitig sa 'kin. Hindi iyon isang tingin na may balak na kunin ang anak ko at ilayo sa 'kin. Isang tingin iyon na nangungusap. 'Can I hug him?' He mouthed. Hindi ako sumagot o gumawa manlang ng gestures kung pumapayag ba ako o hindi. Nagtatalo kasi ang isipan ko. 'At least I could touch him just the second time. Please?' He mouthed once again with pleading eyes. Nagdadalawang-isip ako ngunit tanging iling ang isinagot ko. "Eve!" Isang tinig ang narinig naming lahat kaya't napatingin kami roon. Kaagad bumitaw si Zian kay Zero at tumakbo papunta kay Hather. "Dada!" He cheerfully said. Hindi ko alam pero kusa akong napabaling kay Zero ng sabihin iyon ni Zian at tumakbo palapit kay Hather saka hinawakan ang kamay nito. Nakita ko ang pagtiim-bagang ni Zero pati na rin ang pagkuyom ng kamao niya. Tumingin ito sa 'kin at nakita ko ang galit, lungkot at sakit sa mga mata niya. May sinasabi ang mga mata niya na hindi ko masyadong maunawaan pero isa lang ang alam ko, mas nangingibabaw ang galit sa mga iyon. "Z-Zerron---" Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng magsalita ito. "I understand now. He already have someone to be his father" Sarkastikong sabi niya. Napalunok ako ng makitang nanunubig ang mga mata niya. "That's good for him at least he won't need me anymore , pero sana manlang nayakap ko siya kahit ilang sandali. Sana hindi mo na iyon ipinagkait sa 'kin, Zaera" Seryosong sabi nito ngunit napansin ko ang pait sa tinig niya. Tumalikod na ito at naglakad paalis. Sinundan ko ito ng tingin na palabas ng mall habang nakakuyom ang mga kamao. "Tito Zerron!" Zian called him but he never looked back. Someone's Point of View Isang katok ang narinig ko. Ikinumpas ko ang kamay ko sa isa sa mga tauhan ko upang buksan ang pinto. Pumasok ang isa sa mga tauhan ko na inutusan ko upang subaybayan si Zeara. "Any news?" "B-Boss, nagkita na po si Zerron at ang anak niya" Hindi ko na napigilang ihagis ang baso ng alak sa harapan ko. "Bullsh*t!" "B-Boss, p-pasensiya na kung hindi ko nagawan ng para---" "Wala kang kuwenta!" Inilabas ko ang baril at itinutok sentro sa noo niya. Kaagad naman itong napaluhod at ipinagdaop ang mga palad niya. Matagal ko ng pinagpapasensiyahan ang mga kapalpakan niya. Pinagsabihan ko na itong gumawa ng paraan o kahit anong gimik upang hindi magkatagpo ang landas nina Zaera at Zerron pero wala paring silbi. "B-Boss, maawa po k-kayo may pamilya po ako" "Really? Dapat inisip mo muna 'yan para hindi ka pumalpak sa trabaho mo! Now, wala ka ng silbi sa 'kin!" I was about to pull the trigger when somebody entered the room. "Hey! What's going on?" Tanong nito na pinapasadahan ang tauhan ko na ngayon ay nanginginig sa takot. "Ow, sorry to interrupt. Hindi ko alam na may idedespatsa ka na naman pala" Sarkastikong turan nito at prenteng naupo sa couch. Nagsalin ito ng alak sa baso. "What are you doing here, Heiress?" "Checking on you and I guess there are no progress in your plans. Lahat nalang palpak" Mapang-uyam nitong sabi sa 'kin dahilan para itutok ko sa kanya ang baril. "Seriously? Sa 'kin mo talaga itututok 'yan? Look oh, your idi*t na tauhan is running" Maarteng bigkas nito at tinuro ang tauhan ko na tumatakas. Nakakairitang pakinggan ang boses nito. Mabilis ko itong pinaputukan at sentro ito mismo sa ulo niya. Mabilis itong bumulagta sa sahig. I signaled one of my ally to clean that mess. "Ilan na bang buhay ang sinayang mo? Three? Five? Ten? You even tried to enter his company to steal the blueprint but unfortunately you never succeed. Nailabas mo na yata lahat ng alas mo, but you still have no assurance that you'll win against him." She's roasting the h*ll out of me. Nakakainis! "Shut the f*ck up, Heiress!" Umirap lang ito. Kung wala lang silbi 'to malamang matagal ko ng pinatay ang babaeng 'to. Padabog kong ibinaba ang baril sa mesa. "Akala mo naman may progreso na ang mga plano mo? How about the Heirloom? Hindi ba't palpak ka paring kunin iyon mula kay Tanda? Hanggang ngayon hindi pa rin kayo naikakasal. Hindi lang ako ang nag-iisang palpak dito" "Pero sa ating dalawa, ikaw ang mas palpak" Kukunin ko sana ulit ang baril sa mesa ng maglabas ito ng baril at itutok mismo deritso sa puso ko. Ngumisi ito. I didn't have choice but to heave a deep sigh. Tss. Tumayo ito saka ibinaba ang baso sa mesa. "Well, malapit na rin naman ang wedding namin. About the heirloom, makukuha pa rin ko parin iyon sa ibang paraan" "Tsk. Do you have any plan?" "Of course I do. Ako na ang bahala sa bagay na iyon. How about you? Kailan mo balak magpakita kay Zaera? I'm sure baka sa tagal mo nang hindi nagpapakita sa kanya makalimutan na niya ng tuluyan ang ex-boyfriend niya?" Pang-aasar nito. Umupo naman ako sa recliner saka inilabas ang wallet ko kung saan nandoon pa ang litrato naming dalawa na magkasama. We're happy before not until that bast*rd ruined everything. "Malapit na kaming magkita" Simpleng sagot ko. "Yeah. Yeah. Whatever. Siguraduhin mo lang and please paki bakuran mo na 'yang babaeng 'yan nakakasagabal na siya sa buhay namin ni Zerron" Paalala niya. "Tss" "I have to go, dumaan lang ako" Inubos nito ang alak sa kanyang baso at tumayo saka nilisan ang silid. Napabuntong hininga ako bago inilabas ang cellphone ko. I'll make my first move today.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD