⚠️ WARNING ⚠️ THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR YOUNG AUDIENCES! SOME CHAPTER AND SCENE HAVE VIOLENCE, s*x AND OTHERS STUFF. READ AT YOUR OWN RISK ⚠️ DON'T BE STUBBORN!
Megan’s POV
NASA loob ako ng banyo sa kuwarto ko ngayon. Naliligo dahil sa ginawa ni Jack sa akin. Heto pa rin ako, umiiyak habang nasa ilalim ng shower sa banyo. Siguro no’ng nagpa-ulan si Lord ng katangahan, sinalo ko lahat. I admitted na tanga ako kasi hanggang ngayon hindi ko pa rin maiwan-iwan si Jack. My love for him is unconditional but behind the perfect facade of suburban love, lies a tangled web of secrets and lies.
Sinubukan ko naman e, pero nananaig pa rin ang pagmamahal ko para sa kaniya. Valid naman siguro ’yon kapag mahal mo ang isang tao? Magiging tanga ka habang sinasaktan ka naman niya. And that's what he did to me. But, I love him. I do love him so much.
Dumaloy sa aking buong katawan ang malamig na tubig na nangmumula sa shower. Medyo nabawasan at nahimasmasan ako dahil sa lamig. Medyo naka-relax ’yong utak ko for what happened.
Inabot ko agad ang shampoo sa gilid ng bathroom. Kinuha ko agad ito nang mahawakan ko. Binuksan at kumuha na ako at dahan-dahang iniligay sa buhok ko. Hanggang sa sunod-sunod na ang paglilinis ko sa aking sarili. Mula sa taas, dahan-dahang bumababa. Naka-ilang banlaw na rin ako at muli na namang sinasabon ang sarili.
When I satisfied myself sa ilalim ng shower. Pinatay ko na agad ang tubig rito at kinuha ang isang tuwalya saka itinapis sa aking sarili. Kinuha ko na rin ang isa pang tuwalya at iniligay ko naman sa buhok ko. Nang matapos ko na, nilisan ko na agad ang banyo at sunod na pinuntahan ang mga gamit ko.
Binuksan ko agad ang closet kung saan nakalagay ang mga damit ko. And I saw my dress, na tila lumuluma na rin. Ngayon ko lang nalaman na simula no’ng namatay ang parents ko. Hindi na ako nakakabili ng mga needs ko para sa sarili. Kinuha lahat ni Jack ang mga cards ko na bigay ng parents. Hindi ko alam kung saan niya iniligay. Magkahiwalay din kami ng kuwarto kahit mag-asawa kami. At never niya akong pinapasok sa kuwarto niya. Pinagbabawalan niya akong pumasok sa loob ng kuwarto niya.
Kinuha ko na lang ang isang simpleng t-shirt sa loob ng closet ko at isang pajama at underwear. Matapos ay sinimulan ko nang suotin ito. Saktong patapos na ako. May pumasok sa kuwarto ko and I saw Jack with his bored look na may dalang paper bag.
“Wear it, tomorrow evening. Be decent. We have a party to attend,” bored nitong sabi at tinapon ang dalang paper bag sa kama.
“T-Thank you,” sagot ko sa kaniya pero tiningnan lang niya ako at walang salita na sinabi bago lumabas.
Tiningnan ko agad ang paper bag na dala ni Jack. Laman nito ay isang casual na damit. Kinuha ko agad ito para tingnan dahil baka sira ito at baka bukas magmumukha na naman akong kawawa sa tingin ng iba.
Simpleng dress lang ito na kulay blue. Maganda ang design dito at nagustuhan ko naman. Pagkatapos ay tinago ko ito sa closet ko.
••••••
KINABUKASAN, wala pa ring pagbabago. Ano ba aasahan ko sa kaniya? He's a monster after all. Kung ano ang gusto niya ’yon ang masusunod at wala akong magagawa kun’di sundin siya. Sundin ang bawat utos niya dahil kung hindi ko susundin. Lahat kaya niyang gawin kahit ikakasakit ko pa.
Bored na bored ako sa kuwarto. Sino ba namang hindi ma bored ang laki ng bahay na ito. This is not only a house, should I say this is a big mansion. Walang guards, no maids. At kami lang dalawa ni Jack ang tao sa napaka-laking mansyon na ito. Sinong hindi ma bored sa mga ganitong oras. Kahit ilang taon na ako rito pero I'm still bored when I'm alone. Alangan naman lubutin ko itong buong mansyon para maglibang pero baka matapos na lang ang isang araw Hindi ko pa siguro nakakalahati ang mansyon na ito.
“What should I do?” bulong ko sa aking sarili habang nakatihaya sa aking kama. Wala akong cellphone para man lang may paglilibangan. Sawang-sawa na rin akong kakapanood sa tv. Paulit-ulit na lang ang palabas sa tv, sawang-sawa na rin akong manood.
Dali-dali akong bumangon sa kama ko nang may naisip akong puntahan. Naalala ko na mahilig pala ako sa mga halaman at may garden pala rito sa mansyon. Siguro, doon muna ako para makalanghap ako ng sariwang hangin.
Inayos ko agad ang aking sarili ko bago lumabas sa aking kuwarto. Sobrang tahimik ng buong hallway pagkalabas ko sa kuwarto ko. Ang una kong tinungo ay ang dining area para kumuha ng pagkaing pwedeng dalhin sa garden. Nang makuha ko na ang pagkaing gusto ko. Binaybay ko na agad ang daan patungo sa garden. My mood was changed when I saw the garden sa ’di kalayuan. Ang ganda tingnan nito, maraming bulaklak na namumulaklak tulad ng orchids, rose, chrysanthemum at iba pang bulaklak.
Binilisan ko na agad ang aking paglalakad para masilayan ko lalo ang ganda ng bulaklak. As I arrive at the garden, nilatag ko na agad ang dala kong tela para maging upuan ko. Inilapag ko na rin ang dala kong pagkain at pagkatapos ay lumapit ako sa isang parte ng garden kung saan maraming iba’t-ibang kulay na bulaklak ng chrysanthemum.
Tila nasa paraiso ako ngayon. Walang masasakit na salita ang naririnig ko. Walang pagmamaliit na tingin ang natatatanggap ko. All I can see and feel is peace and the wind blown in the garden. Sobrang nakaka-relax ang ganitong palagid. Walang negativity ang mararamdaman mo.
Bumalik agad ako kung saan nakalatag ang dinala kong pagkain habang may hawak akong isang chrysanthemum na pinutol ko no’ng pumunta kanina. Pagkatapos ay umupo agad ako at iniligay sa isang tabi ang bulaklak at binuksan ang dala kong pagkain.
More on fruits ang dinala ko dahil wala namang available na pagkaing niluto ang nakita ko. Kumuha agad ako ng saging at binalatan. Kinain ko na agad ito. While enjoying the ambiance sa garden. Naramdaman ko na kahit papano nagkaroon din ako ng panahon na walang sakit na naramdaman.
Humiga agad ako at kitang-kita ko ang ganda ng ulap sa langit.
“Mom, Dad…” napaiyak agad ako. “Miss ko na kayo.”
“Will you please shut up your mouth, Annika!” ’Yong tahimik kong moment habang naka-higa ay napalitan ng kaba at gulat dahil narinig ko. He's here with other girl — Annika. May babae na naman siyang dala sa bahay.
Pinakinggan ko na lang ang kanilang pagtatalo.
“Paano ako tatahimik kung ’yang asawa mo ang dadalhin mo mamaya sa party!” rinig kong sabi no’ng babaeng nagngangalang Annika like what Jack said earlier.
“Alangan ikaw? Asawa ba kita?” Parang sumaya ang puso ko sa narinig mula kay Jack. He's recognizing me bilang asawa niya. I felt like my heart beat faster. Ganito pala ’yong feeling muli.
“Putangina ka pala, e. May pasabi ka pa na ako ang dadalhin mo and then now, asawa mo lang pala!”
“Bullshit! Ano bang hindi mo maintindihan? Kailangan ko si Megan para hindi sila magduda kung bakit wala siya! Ikaw pa rin ang mahal ko!” Sa huling narinig ko mula kay Jack. Parang tinusok ng maraming karayom ang puso ko. Umasa lang pala ako, ang saya ko pa kanina kasi kinilala niya akong asawa pero mali pala ang pagkaintindi ko. Damn! It's hurt so much.
“Jack naman! If you loved me! Then, ako ’yong dalhin mo! Hindi ’yong babaeng ’yon!” halatang may galit ito sa akin dahil sa boses niya pa lang ay mahahalata mo dahil inis na inis niyang sinabi ito sa harap ni Jack.
Tiningnan ko lang sila sa pwesto nila habang nag-aaway hanggang pumasok na silla sa loob ng bahay at tiningnan ko lang sila hanggang mawala sa paningin ko.
Bumalik agad ako kung saan ako nakapuwesto kanina. Sobrang bigat nang nararamdaman ko dahil sa narinig. Tinapos ko na agad ang aking pagkain sa garden at pagkatapos ay niligpit ko na at bumalik sa loob dahil gusto ko magpahinga sa kuwarto.
Binaybay ko muli ang daan kung saan ako dumaan kanina. I don't want that Jack will caught me dahil baka maghihinala naman siya na tumakas ako, kaya siguro narito siya ngayon muli sa bahay.
I was thinking what would I do later kung sasama ba ako kay Jack or mananatili na lang ako sa bahay.
“Uggh! J-Jack… f-faster…” Nagulat ako at nabigla sa aking narinig.
Nakita ko sa pool side si Jack kasama ang babae niya. And they're doing that sa pool mismo.
“J-Jack, you're so big…” Annika moaned.
Tinakpan ko agad ang aking mga tainga para hindi ko maraming ang mga ito at walang pag-alinlangang nilisan ang lugar. Sa kuwarto agad ang diretso ko after ko maibalik ang nadalang gamit ko kanina. At dito ko binuhos ang lahat ng sakit at luha ko sa loob ng kuwarto ko.
••••••
Nasa salamin ako ngayon habang tinitingnan ang repleksyon ko sa salamin. I'm now wearing the dress na binigay sa akin ni Jack. Hindi ko pala namalayan na nakatulog pala ako kanina. Mabuti na lang at maaga akong nakagising at may oras pa ako para mag-ayos sa aking sarili.
I'm just lucky at kahit papano ay marunong ako mag-make up sa aking sarili. Hindi na need ng make-up artist para ayusan ang aking sarili.
Still fresh pa rin ang nakita ko kanina at ’yong sakit no’n ay hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin. I looked again myself in the mirror. Behind these beautiful looks may isang masakit na tinatago nito sa loob. Ngumiti agad ako kahit nagmumukha itong peke.
Hinanda ko na ang aking sarili dahil anytime, pupunta na si Jack dito sa akin. Dapat hindi ako magpahalata na nakita ko sila kanina. I should act na parang walang nangyari. Hintayin ko na lang siya rito.
“Ano ba, Jack. Will you please let go my arm?!” rinig ko mula sa labas ang boses ni Annika.
“Damn! Hindi ka marunong makinig, e!” Jack answered.
“Hindi ako papayag na ’yong babaeng ’yon ang dadalhin mo. It should be me! You promised to me!” Annika shout.
Bumukas agad ang pinto sa kuwarto ko at pumasok si Annika — yong babaeng kasama ni Jack — ang talas at sama ng tingin nito sa akin.
“You b***h!” Sinugod agad niya ako sinabunutan at pinagsasampal.
“How dare you! You ruined everything!” sambit nito at lalo akong pinagsasampal.
Hindi ako lumaban dahil nanood si Jack sa amin at wala man lang siya ginawa para pigilan si Annika. Talagang tiningnan niya lang kami.
“You freaking w***e!” muling sabi nito at siyang pagtunog na parang may napunit.
Huli ko na nang marealize, pinunit ni Annika ang damit ko. Sirang-sira na rin ang ayos ng buhok ko dahil sa pagsabunot nito sa akin.
Nakaramdam ako nang mainit na likido na dumaloy sa pisngi ko. Again, umiiyak na naman ako. I didn't complain nor talk for what happened. Umiyak lang ako habang yakap ko sa sarili. Sira na yong dress na suot ko.
“You deserve that, b***h!” bulyaw nito sa akin. “Kung hindi ako ang maging date ni Jack sa party then it would not be you, either!”
Lumabas agad ito sa kuwarto while Jack is still standing and then afterwards ay lumabas na rin ito para sundan si Annika. At doon na ako napahagulhol lalo. Tiningnan niya lang ako ni Jack at hindi man lang siya tumulong para pigilan ang babae niya.
Iyak lang ako nang iyak habang ’yong damit ko na sira ay suot ko pa rin. Hindi ako nasasaktan dahil sa pagsugod ni Annika sa akin. Nasasaktan ako dahil hindi man lang gumawa siya Jack nang paraan para pigilan si Annika. Tumingin lang ito na parang gustong-gusto niya na saktan ako ni Annika.
Ang sakit sobra. Alam mo ’yong feeling na nag-expect ka dahil asawa mo siya pero at the end. Sasaktan ka pala lalo. Napapatanong na lang ako sa sarili ko kung ano ang naging kasalanan ko kung bakit nangyari ito sa akin. I remember when I was a kid. Hindi naman ako naging sakit sa ulo ng parents ko. When I grew up, still lahat ng gusto ni Mommy and Daddy ay sinunod ko naman lahat. Then, why I've experienced this all kind of pain? Saan ba ako nagkulang? Saan ba ako nagkasala para maranasan ang lahat ng ’to?
Sa totoo lang, sobra-sobrang sakit na talaga ang naranasan ko kay Jack pero pinipilit ko pa ring magstay sa kaniya dahil naniniwala akong magbabago pa siya. Umaasa pa rin ako na darating ang araw na mamahalin niya rin ako tulad nang pagmamahal ko para sa kaniya. Kay tagal kong hinintay ang oras kung kailan niya ako mamahalin. Hinintay ko ang oras na ’yon at nagbabakasakali ako dahil gusto ko maranasan na mahalin ako hindi lang saktan basta-basta.
At sana kung dumating man ang araw na mangyari ito. Pinapanalangin ko na sana sa mga oras na ’yan ay hindi pa ako sumuko. Hindi pa sumuko sa pagmamahal ko sa kaniya. Ito lang naman ang pangarap ko e. Ang mahalin, itrato nang maayos, magkaroon ng masayang pamilya, magka-anak at mamuhay ng masaya habang buhay.
Pero, sa pagkakataong ito. Malabo na sigurong mangyari ang mga gusto ko. Siguro, kaya ko pa kasi mahal ko e. Mahirap mag let go sa isang tao na mahal mo. Napakahirap dahil mas nananaig ang pagmamahal mo sa kaniya at magiging tanga ka sa pagmamahal.
Tuloy lang ako sa pag-iyak habang nasa loob ng kuwarto. Narinig ko na rin ang pag-alis ng kotse sa bahay dahil sa tunog nito. At muli, ako na naman mag-isa sa bahay at walang asawang nagbibigay oras para sa asawa niya.
A/N: This story have lot of flaws, errors and other. Beware na lang kayo. Topics and scene have violence and s*x. Read at your own risk!