Boston, five years later “CALL me as soon as your plane lands,” bilin ni Joaquin kay Phylbert habang tinutulungan ang kapatid sa pag-eempake. Pinaikot ni Phylbert ang mga mata. “Kuya! Paulit-ulit na lang tayo. Malaki na `ko. Hindi ako mawawala sa Pilipinas, hello.” Alam naman ni Joaquin ang bagay na iyon. Hindi lang talaga niya maiwasang mag-alala. Hindi na marahil iyon mawawala sa kanya. Pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan nila, habang-buhay na siyang mag-aalala para sa kapatid. Phylbert survived cancer. Araw-araw niyang ipinagpapasalamat sa Diyos ang biyayang ibinigay nito sa kanila. Naging mahirap para sa kanila ang lahat ngunit kinaya nila dahil pilit na kinaya ni Phylbert. Dapat ay magkasama silang uuwi sa Pilipinas, ngunit may tinanggap siyang trabaho. Sa totoo lang, hindi nam

