18

1669 Words

NANG mga sumunod na araw ay hindi mahagilap ni Penelope si Phylbert. Hindi nito sinasagot ang tawag niya, maging ang mga text message na ipinapadala niya. Kapag nagtutungo siya sa bahay ng mga Cipriano ay hindi niya naaabutan ang kaibigan. Palagi itong nasa labas, ayon kay Tita Bianca. Patuloy rin siya sa pagkumbinsi kay Joaquin. Madalas pa ring sinasabi ng nobyo na hindi siya nito kayang iwan at may mga pagkakataon na gusto na niyang sabihin na huwag na nga itong umalis ng Pilipinas, ngunit sa tuwina ay pinipigilan niya ang sarili. Itinatak niya sa isip na kailangan niyang magsakripisyo para sa kaligayahan ng kanyang minamahal. Alam niyang ikaliligaya ni Joaquin ang pagtanggap sa job offer sa kabila ng sinasabing hindi ito magiging masaya kung nasa malayo siya. Iniisip na lang niya na ma

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD