20

1557 Words

KAAGAD na hinabol ni Penelope ang papalayong si Joaquin. Napuno ng kaba ang kanyang dibdib dahil sa inaasal ng nobyo. Nangyari na yata ang kinatatakutan niya. Sinabi ba ni Jace kay Joaquin ang tungkol sa diary niya? Nagtungo sa bahay nila si Jace kahapon. Siya lang ang tao sa bahay kaya napilitan siyang harapin ito. Iginiit niya na si Joaquin na ang mahal niya at hindi na mahalaga ang mga entry niya sa diary ngunit tila ayaw makinig at maniwala ni Jace. Ngayon lang niya nakita nang ganito si Joaquin. Galit na galit ngunit mababanaag din sa mga mata na nasasaktan. Noon lang tumingin sa kanya ang mga mata nito nang ganoon—walang sigla at hindi niya maaninag ang pagsuyo at pag-ibig na palaging naroon dati. Hindi niya maaaring hayaan si Joaquin na basta na lang lumayo sa kanya. Kailangan ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD