ELLIE’S POV NAALIMPUNGATAN ako sa sunod-sunod na pagyugyog sa balikat ko ni Arra. Hindi ko alam kung anong problema nito. "Ellie! Gising!" "Ano ba naman? Inaantok pa ako!" reklamo ko na hindi man lang nagmulat ng mata. Bumangon na ako kanina pero kumain lang ako tapos natulog uli dahil medyo inaantok pa ako. "Bumangon ka na diyan! Dali!" Nang hindi pa rin ako nagmulat ng mata ay hinila na niya ang isang paa ko. Napasigaw ako at agad na nagmulat ng mata. "Bakit ba?" nakangusong kong tanong. Napabangon tuloy ako ng wala sa oras. "They're here! Nasa labas sina Senyorito Hugo," natataranta nitong sabi. Nagpalakad-lakad ito sa loob ng kuwarto na tila hindi alam ang gagawin. Biglang akong nakaramdam ng hindi maipaliwanag na takot sa narinig. Tumayo ako at lumapit sa bintana. Bah

