Chapter 37

2030 Words

ELLIE 'S POV NASA beranda ako ng mga oras na yon. Halos kagigising ko lang at hindi pa nakakapag-almusal. Tanging kape lang ang nasa harap ko at kasalukuyang iniinom habang nakatingin sa kawalan. Mahigit isang linggo na ako dito sa bahay ni Arra. Hindi ko alam kung anong plano ko ngayon. "Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ni Arra na nagpalingon sa akin. Naupo ito sa silyang katabi ko lang. Umiling ako. "Hindi pa siguro. Dito muna ako." "Sigurado hinahanap ka na ni Senyorito Hugo," anito "Hayaan mo siya. Bakit papauwiin mo na ba ako?" nakalabing sabi ko. "Baliw! Bakit ko naman gagawin 'yon?" "Baka kasi nagsawa ka na sa akin," nakatawang biro ko sa kanya. "Mas gusto ko kayang nandito ka. Alam mo naman mahirap ding mag-isa at walang makausap," nakangusong sabi nito na tila nagdadrama.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD