THIRD PERSON POV NAGISING si Aling Martha sa ingay ng kung anong nabasag. Kinusot-kusot nito ang mga mata saka parehong pinasadahan ng tingin ang dalawang anak na parehong mahimbing na natutulog. Maingat siyang bumangon para hindi magising ang mga anak. Titingnan niya kung ano ang ingay na yon. Baka kasi mamaya may nakapasok na namang pusa. Noong nakaraang araw kasi ganoon ang nangyari. May makulit na pusang nakapasok at nagwala sa loob ng hindi mahanap ang daan palabas dahilan para mabasag ang ilang mamahaling mga gamit sa sala. Napagalitan sila ng wala sa oras dahil doon. Kesyo mga pabaya daw kaya nangyari yon. Pagkalabas ng kuwarto ay agad hinanap ni Aling Martha kung saan nanggaling ang ingay na yon. Una siyang nagpunta sa sala at tiningnan doon pero wala naman siyang nakitang nab

