"Order niyo, Sir. Two native coffee. Salamat!" Saad ng waitress habang nilalapag sa mesang kahoy ang kape namin ni Siniel.
Nakatitig lang ako sa bracelet na kulay black, simply lang ito at walang gaanong desenyo. Pero kakaiba. Kakaiba ang beads na ginamit, at wala pa akong nakikitang ganito sa mga palengke o mall.
Kakaiba talaga siya. Kakaiba si Suralin.
There is something about her na hindi ko alam e-explain. Kahit sa gawa niyang bracelet ay pakiramdam ko may mysteryosong meaning.
Ito 'yong bigay niya sa'kin ng nagpunta sila ni Siniel sa BH ko.
"Pre, lalaki ka rin. . . Alam mo kung ano ang nararamdaman ko ngayon. This is unusual moment. . . But please, ibalik mo na sa'kin si Suralin."
Umangat ang tingin ko sa kanya. . . Malayong malayo na ito sa Siniel na inakala kong kaibigan.
"Usapang lalaki, Siniel. . . Dinala kita dito para kausapin ka ng maayos."
Matapos niya akong makita kanina sa manggahan ay inaya ko na siyang magkape. Hindi ko siya pwedeng dalhin sa bahay.
Ayaw siyang makita ni Suralin.
At higit sa lahat, mau-umbak ako ng Tatay ko kapag nalaman niyang may itinakas akong babae na may asawa.
Tumikhim muna ako bago magsalita, "alam ko na ang lahat, at h'wag kang mag assume na ikinatuwa ko ang ginawa mo sa kanya."
Gumuhit ang hindi ko mapangalanang emosyon sa mukha nito.
"Terman, marami pang babae diyan. Marami ka pang makikilala."
"Hindi 'yan ang punto ko! Alam mo, pasalamat ka hindi ka namin isinuplong at pina-Vowc sa kahayupan mo."
Napayuko ito at napahilamos sa mukha niya. Hindi nakatakas sa mga mata ko ang panginginig ng mga kamay nito.
"Terman magkaibigan naman tayo diba? Hindi mo kailangan makialam, kaya naming ayusin to ng asawa---"
"Asawa?" Nakangisi kong saad.
"Siniel, alam ko na ang lahat. Hindi mo ba nakikita ang damage na ginawa mo sa babae?!"
"Mahal ko siya. Alam ko kung ano ang ginagawa ko." Malamig na saad nito.
"Mahal? Ganyan ka magmahal, nananakal at nanampal? Ano pa ba ang hindi mo nagawa sa kanya, ha?" Halos kagat ngipin kong saad.
Hindi ko namalayan na naikuyom ko na pala ang mga kamay ko sa sobrang init ng galit na nagpupuyos sa loob ko.
Nakakaintindi ba talaga ang gagong 'to?
"Sex." Natatawa nitong saad. "We haven't s*x, Terman. Kayo ginawa niyo na ba?"
Hindi ko napigilan ang sarili kong kinuwelyuhan siya. Halos kagat ngipin ko siyang tinitigan pailalim.
"H'wag mo siyang babastusin."
"Dude, gusto ka ni Uli. Gusto mo rin siya. Nakatira kayo ngayon sa iisang bubong. Hindi ako tanga!" Pabulong ngunit may diin ang bawat salita nito.
"Akala ko ba kilala mo si Suralin? Bakit mo siya hinuhusgahan?"
Napakagat labi ito, nandito na naman ang stilo niyang magpaawa.
"M-Mahal ko siya Terman, hindi ko kakayanin kung pati siya iiwanan ako!"
Napailing ako sa kanya ng ilang beses bago bitawan ang kuwelyo niya.
"Hindi mo dapat siya sinaktan."
"Alam ko! Kaya nga babawiin ko na siya kasi babawi ako, Terman!"
Gusto kong matawa sa sinabi nito.
Lalaki ako.
Gasgas na ang mga linyang 'yan.
Kapag sinaktan ka ng lalaki----physically sa unang beses pa lang, binibini. . . Run!
Hindi na magbabago ang mga may lantang bayag na 'yan.
"Pasensiya ka na, Siniel. Pero hindi na siya babalik sa'yo."
Napamaang ito at napasabunot sa sariling buhok. Gumuhit ang frustration sa mga mata niya.
"Naalala mo ang sabi ko sa'yo?" Nanginginig nitong turan, "kaya kong pumatay, Terman. Kaya kong pumatay para kay Suralin."
May pagbabanta sa boses nito, pero hindi ito sapat para sapawan niya ang nagliliyab kong galit dahil sa ginawa niya sa babaeng minsan kong ginusto.
Tumayo na ako bago inisang lagok ang kapeng native, naramdaman ko ang paghapdi ng dila ko dahil sa init ng kape, pero hindi ko na inalintana 'yon.
"Wala akong pakialam." Diretsong saad ko bago siya tinalikuran.
Nilingon ko pa siya bago ako tuluyang makalabas sa Native coffee shop, pero tila nag sisi ako na nilingon ko pa siya.
May kung akong kirot sa dibdib ko ng mahagip ng mga mata ko ang nagtataas baba nitong mgabalikat. . . Umiiyak siya.
Patawarin ako mo ako Siniel, patawarin din sana ako ng langit. . . Pero hindi ko masisikmura na ibalik sa'yo si Suralin.
Sapat na ang lahat ng nasakripisyo niya para sa'yo.
Kahit hindi na maaari pang pagdugtungin ang nararamdaman namin ni Suralin, at least alam ko na nailayo ko siya sa abuser niya.
KAARAWAN na ngayon ni Nadja, pero imbes na kasama ko siya nandito ako na stuck sa bahay kasama si Suralin.
Alam niya na nandito si Siniel kaya doble pag-iingat kami, hindi ko na sila hinayaan ni Terasa kahit mamasyal lang sa mga lawa rito.
"Kaya kong pumatay."
Paulit-ulit na turan ng isipan ko.
Why do people can love someone selfishly?
Ito ba ang sinasabi nilang kayang gawin ng pagmamahal?
Obessession is not love. Sarili mo lang ang mahal mo, hindi ang tao.
Perhaps, Siniel is in his trauma sa dati niyang asawa. Kakaiba ang hung up niya kay Suralin, para siyang nau-ulol na aso.
Nakaupo lang ako sa barandila habang nakatitig sa kanyang likuran.
Nakasuot ito ngayon ng burqa niyang kulay tsokolate.
"Terman. . ." Tawag nito sa pangalan ko.
"S-Sana hindi na lang ako tumakas. Sana hindi na lang ako sumama sa'yo." Saad nito habang nakatalikod.
Bakas sa boses nito pagsisisi. Hindi ko naman maiwasan na mainis sa pinagsasabi niya.
Ano? Magpapapasa na lang siya gagong 'yon?!
"Matagal ka na niyang sinasaktan, dapat lang na layuan mo siya."
"Sorry, naging selfish ako sa pagsama sa'yo rito." Turan nito.
At kailan naging pagiging makasarili ang pagpili sa sarili?!
"Ano ba sinasabi mo, Suralin?"
Pumihit ito paharap sa akin, bakas sa mukha nito ang pinaghalong konsensiya at pag aalala.
"Idadamay lang kita sa sitwasyon ko. Babae ako, at katulad ng sabi mo may babalikan ka sa Dumangas. Sisirain ko lang kayo, Terman."
"Hindi. Malinis ang konsensiya ko Suralin. Hindi ko siya pinagtataksilan."
Nalukot ang mukha nito sa sagot ko sa kanya. Tila may napagtanto ito sa kanyang sarili.
"Sorry for that kissed." Saad nito bago umiwas ng tingin.
Ilang beses ko na ba pinaparamdam sa babaeng 'to ang pamamahiya sa sarili niya?
Kailangan niyang tanggapin na minsan akong nahulog sa kanya, pero hindi na mauulit pa!
I'm willing to take all the risk for Nadja. Pipiliin ko siya palagi kahit hindi siya nakatingin. Kung alam lang niya kung paano ko siya pinili sa harapan ng babaeng minsan kong inasam, ay tiyak na masasabi niyang totoo ang fairytale.
Bata pa si Nadja. She's too young and innocent to be hurt. Para saakin ay isa siyang babasagin na bagay na kailangan kong ingatan.
"Suralin, klaruhin na natin 'to. Ilang ulit ko na sinabi 'to. Ayaw kitang saktan sa ganitong paraan."
"Nagawa mo na, Terman."
Parang kinurot ang puso ko sa paraan ng pagkakabigkas niya ng mga salitang iyon.
"Ang bilis ng transition ano?" Napalingon ito saakin habang mahinang tumatawa.
"Ang bilis ng takbo ng oras mo. Kailan lang sinabi mong gusto mo ako. . . Tapos, biglang hindi na pala. Ang bilis. Ang bilis-bilis."
Ako naman ngayon ang natahimik.
"Terman. Hayaan mo akong sabihin 'to sa huling pagkakataon." Napatingala ito na para bang pinipigilan ang pagpatak ng mga luha niya.
"No'ng sinabi mong gusto mo 'ko, parang iyon ang naging drive ko na makawala kay Siniel. Binigyan mo ako ng pag-asa."
Pakiramdam ko ay nawalan ako ng kakayahan magsalita, walang kahit na anong salita ang namutawi sa isipan ko.
"False hope. Dahil ba akala mo may asawa na ako, kaya na turn off ka sa'kin?" Nakangisi nitong saad.
Pero wala pa rin akong maisagot sa mga tanong niya.
Hindi ako na turn off sa kanya!
I have Nadja to protect to!
"Tingin mo ba sa'kin madumi na at tira-tira na lang?" Nabasag ang boses nito sa dulo.
Hindi ko kinakayang pakinggan ang ritmo ng pait sa boses nito.
Alam kong buo pa siya.
Impossible sa pagsasama nila, pero alam kong nagsasabi ng totoo si Siniel na walang nangyayari sa kanila ni Suralin.
"Terman. . . Para akong ibon na binigyan ng kalayaan, tapos muling kinulong. Bakit ang bilis magbago ng desisyon mo? Alam kong wala ka namang pinangako sa'kin. . . Pero umasa ako. Umasa ako na baka puwede."
Puwede. Puwedeng puwede sana. Dati.
"Tell me, mas na una ba siya sa akin?" Nagsusuma ang boses nito.
"Hindi."
"Then why? Ang bilis ng shift mo."
"Nagustuhan kita sa paraan na hindi ko alam. Nahirapan ako---"
"Nahirapan din ako, Terman para alam mo!"
"Nahirapan akong timbangin kayo ni Siniel."
This time siya naman ang natahimik.
"Hindi ko kayang traidorin si Siniel. Kaibigan ko siya. Kaibigan din kita. Akala mo ba hindi ako dumating sa punto na magpigil ng sarili para h'wag kang agawin ka sa kanya?" Mapait akong napatawa.
"Pinigilan ko Suralin, dahil ayaw kong makasira ng pamilya. Kaya kahit gusto kita, mas pinili kong h'wag kang gustuhin sa maling paraan."
"Kaya mo ba siya pinoprotektahan?" Tukoy nito kay Nadja.
"Sa inyong dalawa sa kanya ako may pinangako. Siya ang na sa tabi ko habang naguguluhan ako."
"Terman, naawa lang din ako kay Siniel. . . h'wag mong gawin sa sarili mo ang ginawa ko sa sarili ko."
Napatitig ako sa mga mata niyang malamlam at itim na itim.
"Iba ang pagmamahal sa awa. Iba rin ang pagmamahal sa utang na loob." Saad nito.
"Gusto kita. . . Pero hindi kita mahal." Hindi ko na malayang lumabas sa bibig ko ang mga salitang na sa utak ko lang.
Gumuhit ang sakit sa mga mata nito at tila hindi makapaniwala na saakin na mismo nanggaling ang katotohanan. Agad akong umiwas ng tingin ng makitang kumislap ang masaganang luha sa kanyang mga mata.
Gago. Bakit ko sinabi 'yon!
Sobra sobra naman yata ang sinabi ko.
"Hindi ko alam bakit ko 'to ginagawa sa sarili ko. Hindi ko alam kung anong ginawa ko sa mundo para pagdamutan niya ako ng pagmamahal. . . Terman, ito ang unang beses na ako mismo ang naghahabol ng eksplinasyon." Pinahid nito ang mga luha sa mga mata bago ako mataman na tinitigan.
Malayo na ito sa Suralin na nakakatakot. . . Disiplinado at tila kayang kaya ang sarili.
"Ceasefire. Naiintindihan ko na---" hindi niya natapos ang sasabihin ng hinila ko siya palalapit sa'kin.
Na blanko ang isipan ko. . . Hindi ko alam kung paano ko papawiin ang sakit na nilikha ko sa kanya.
Ito ang huling paraan na alam ko.
Patawarin sana ako ng Diyos sa gagawin ko.
Nakatingin lang ako sa mga labi niya bago ko tinawid ang distansiyang pumapagitan ng aming mga labi. . .
Alam ko sa sarili kong natatakot ako. Natatakot ako kay Suralin. Natatakot ako sa ginagawa ko. Natatakot ako sa resulta.
Pero natatakot din ako sa sakit na dinudulot ko sa kanya. Natatakot ako na wala akong gagawin para pawiin 'yon.
I felt guilty.
Wala akong naramdaman kundi puro takot hanggang sa maghiwalay ang mga labi namin. Agad na tumunog sa tainga ko ang kanta ni Debbie Gibson na Lost in your eyes ng nagtama ang aming mga mata.
Tila nilulunod ako ng mga mata niya at tanging mga labi niya lang ang kayang sumagip sa akin.
Tuluyang na blanko ang utak ko, wala akong maisip na matino maliban sa kahayupan at kasalanang ginagawa ko---- but why?
Why everything seems so right?
Bakit sa kabila ng takot ko ay pakiramdam ko tama ang ginagawa ko?
Impossible.
Impossibleng mahal ko silang dalawa.
Hindi ko na malayan na lumalalim na ang simpleng halik na iginawad ko kay Suralin. Alam kong kagaya ko ay tinatangay na rin siya ng nararamdaman.
"P-Palangga taka." Hindi ko alam kung saan sa parte ng puso ko nanggaling ang salitang 'yon.
Kung saan man ay hindi ko alam. Ang tanging pumapatotoo ay ang katotohanan ng salitang 'yon. . .
Mas lalo ko siyang hinila papalapit sa akin, nagpaubaya ito ng binuhat ko siya ng pangkasal mula sa pagkakatayo niya sa barandila.
Hindi ko alam paano kami nakarating sa kuwarto ko ng hindi naghihiwalay ang aming mga labi.
"S-Sorry, Suralin." Saad ko ng tuluyan ko siyang na i-upo sa kama.
"Sorry for everything. . . Pinahirapan kita." I said while brushing my lips in her jaw line.
"Gusto mo lang ako, Terman. Pero mahal kita." Nakapikit nitong saad.
Malamlam ang mga matang tinitigan ko siya.
Takot.
Takot lang ang nararamdaman ko.
Dumapo ang mga labi ko sa noo nito, pababa sa ilong. . . At sa labi nito.
Marahan at puno ng pag-iingat kong hinahaplos ang likuran nito. Naramdaman ko ang mga braso nitong kusang yumakap sa akin pabalik.
Marahan, maingat, at puno ng emosyon ang paraan ng pagdapo ng aking mga labi sa kanya. Nakapikit lang ito habang bumaba sa kanyang leeg ang aking mga makasalanang mga labi.
"Tell me to stop. . . Titigil ako. I respect you Suralin." Bulong ko sa tainga nito.
"Go on." Saad nito habang nakapikit.
I never thought wi'll go this far.
Gumapang ang mga kamay ko pababa sa likuran niya, habang patuloy na nakikipagdigma ang mga labi naming dalawa.
"I will never give myself to anyone whom I don't love." She moaned in my chest.
I planted small kisses in her head, habang yapos yapos siya sa aking mga bisig.
Ikinulong ko ang mukha niya sa mga palad ko at pinakatitigan siya. . . Wala akong ibang maramdaman kundi takot.
I landed my lips on hers.
Tinadtad ko ng halik ang mukha niya, I never leave space without occupying it with my sinful lips.
Hinawakan ko ng marahan ang hijab nito. Hinaplos ko ang kanang tainga nito ng marahan.
"I never saw you without this. . ." Tukoy ko sa hijab niya.
"Can I rip this off?" Turan ko.
Nagsukatan pa kami ng tingin, ramdam ko sa mga mata niyang. . . Ako nga. Ako nga ang mahal niya.
Bahagya itong tumungo ng ilang beses. Marahan at sinsero akong napangiti sa kanya. Bago muling sinakop ang mga labi niya.
"Mahal kita, Terman. Mahal na mahal." Saad nito.
Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya, bagkus marahan at dahan dahan kong kinakalas ang hijab nito.
Aalisin ko na sana ito ng maagaw ng pinto ang atensyon ko. Umawang ito ng malaki.
Hindi ako agad nakagalaw sa posisyon ko. Na sa kandungan ako ni Suralin habang akmang aalisin ang hijab nito.
Agad na sumibol ang kakaibang takot sa systema ko, tila tinatambol ang buong dibdib ko at nabato ako sa kinaroruonan ko.
Umawang pa ng mas malaki ang pinto at inuluwa nito ang mga matang may malaking ngiti na agad ding napawi.
Natutop nito ang bibig at agad nabitawan ang dalang box ng cake na hawak sa kamay.
"Wow," hindi makapaniwalang saad nito.
"Nag byahe ako ng dalawang oras, tapos ito pala ang greetings na makukuha ko." Napapailing nitong saad.
Agad akong umayos ng tayo, ni hindi ko siya matingnan ng maayos.
"Happy birthday, to me." Mapait na saad nito bago patakbong lumabas ng kwarto.
"N-Nadja!"