SHIFT XVI

3773 Words
KASALANAN ko. Walang excuse sa mga ginawa ko. Walang sapat na rason. Kasalanan ko na pinaramdam ko kay Suralin na may pag asa kami, kasalanan ko kay Nadja niloko ko siya. Where's your words, man? Nasaan ang prinsipyo mo?! Gusto kong sapakin ang sarili ko. Ano ngayon ang pinagkaiba ko sa mga lalaking ganid at hayok sa laman? Hindi ko mapigilan ang pag daloy ng frustration sa dugo ko. Paano ko ngayon ipapaliwanag kay Nadja ang lahat?! Napasabunot ako sa buhok ko habang kanina pa sinusuyod ang baryo namin. Hindi ko alam saan nagpunta si Nadja. Tumakbo ito palayo matapos maabutan kami ni Suralin sa gano'ng posisyon. Hindi ko pwedeng sabihin na hindi ko sinasadya---aksidente lang, dahil alam ko sa sarili ko na pinili ko ang bagay na iyon at hindi 'yon aksidente na bigla na lang nangyari. Kasalanan ko. Nagpadala ako sa nararamdaman ko. Those girls. Wala silang ibang ginawa kundi mahalin ako. Inaamin ko ang napakatanga ng ginawa ko. "K-Kuya kita. . . Guardian pa." Napalingon ako sa basag na boses na nanggaling sa gilid ko. Si Nadja. Mugto ang mga mata nito at ang gulo rin ng buhok. Parang nabunutan ako ng tinik dahil nakita ko na siya. Hindi ko alam kung ano gagawin ko kung mapapahamak siya dito ng dahil sa'kin. "Buong buo ang tiwala ko sa'yo, Terso!" Napahilamos ito sa mukha niya. "N-Nadja, makinig ka---" "Na ano?! Nakita ko na lahat, wala ka ng dapat ipaliwanag." Napalunok ako sa galit na nakikita ko sa mga mata ni Nadja. Hindi ko inaasahan na ang inosente niyang mga mata ay matutunan ang magalit ng dahil mismo sa'kin! "Na saan na ang prinsipyo mo, Terso? Maskara mo lang ba lahat ng pa green flag effect mo para madale mo kami?!" Hindi. Kailanman ay hindi ako nagpanggap para lang mang abuso. Kung may kasalanan man ako dito, 'yon ay ang nagpadala ako sa bugso ng damdamin. "Kahit kailan hindi ako nagsinungaling sa nararamdaman ko sa'yo, Nadja." Napangisi ito habang tumatango tango, "kaya pala pagdating ko dito, may kalaro ka sa kuwarto mo. Kaya pala, malalaman ko na lang bigla sa pamilya mo na kinakasama mo pala ang muslim na 'yon!" "Makinig ka muna, please." "Dahil ba, bata lang ako?" Napailing ako agad sa saad nito. "Dahil ba, bata lang ako at tingin mo nakikipaglaro lang din ako sayo?" Nabasag ng tuluyan ang boses nito. Akmang lalapit ako sa kanya ngunit agad itong umatras na para bang nandidiri siya sa presensiya ko. "Kung may relasyon ka na pala sa babaeng 'yon, sana klaruhin mo sa'kin. H'wag mo akong paglaruan!" "Wala kaming relasyon! Makinig ka. Hindi kita pinaglalaruan!" "Sinungaling!" "Nadj, please." "Sarap ng birthday gift mo sa'kin. Salamat, damang dama ko." "Nadj," "Ano ba talaga ako sayo?" Parang na pipi ako at hindi agad nakasagot sa tanong nito. Ano nga ba talaga siya sa akin? All this time, I am confused. Natatakot ako kay Suralin at napapanatag naman ako kay Nadja. When I am with Suralin, si Nadja lang ang naiisip ko. But when I am with Nadja, minsan namamalikmata ako at nakikita kong naka hijab siya kahit wala naman. Ano ba 'to?! "Bakit. Bakit mo nagawa sa'kin 'to?" "Inaamin ko, mali ako. . . Pero hayaan mo akong ipaliwanag, please." "Terso, sinira mo ang maganda mong imahe sa isipan ko!" Nakagat ko ang pangilalim na labi. Alam kong kunti na lang ay kakawala rin ang kahinaan ko. "Nadj, kung narinig mo lang. . . Ilang beses kitang pinili sa harap niya. M-Mahal kita. Palangga ta ka." "Palangga ta man ka!" Unti unti akong humakbang para yakapin siya. Hindi na ito nagpumiglas at hinayaan akong ikulong siya sa mga bisig ko. Tangina, Terman. Ano 'tong ginawa mo? "Hayaan mong itama ko lahat, Nadja." IKINUWENTO ko lahat kay Nadja ang dahilan kung bakit ko kasama dito sa Jamindan si Suralin. Alam kong masama pa rin ang loob niya, kaya mas pinili kong kay Iyay kami matulog at hindi na muna bumalik pa sa bahay. Hindi ko maiwasan na mag alala para kay Suralin, matapos ang nangyari ay iniwan ko na lang siya ng basta basta. "'Yong nakita mo. . . alam ko 'di mo ako mapapatawad agad. Pero maniwala ka, nagsisisi ako." Basag ko sa katahikan. Nasa silid pang bisita kami ni Nadja dito sa bahay ni Iyay. "Kung hindi ako dumating, siguradong may nangyari sa inyo." Nakahiga ito sa papag habang nakatalikod saakin. Basag pa rin ang boses nito at patuloy na umiiyak. "S-Siguro. . . Oo." Pag amin ko sa kanya. Hindi ko na dadagdagan pa ang kasalanan ko sa kanya. If she never appeared out of nowhere, siguradong may pananagutan na ako kay Suralin ngayon. Katulad ng paghalik ko kay Nadja, lahat ng katarantaduhan ko ay pinaninindigan ko. Ngayon, lumala lang ang sitwasyon. "I hate you." Mapait at tila puno ng paghihinagpis na saad nito sa pagitan ng kanyang mga hikbi. "Nadj, sinasabi ko 'to dahil nagpapakatotoo ako sayo." "At sinasabi ko rin 'to dahil galit ako sa'yo, Terso!" Sinubukan kong hawakan siya ngunit agad nitong tinabing ng marahas ang kamay ko. "Naiintindihan ko. Alam ko na mali ako, pero hayaan mo akong bumawi." "Green flag ka ba talaga, kagaya ng pagkakakilala ko sa'yo?" "Inaamin ko na tukso ako, Nadja. Pero h'wag mo naman sana pagdudahan ang pagiging totoo ko." "Bakit hindi? Minsan mong sinabi na parang totoong totoo na kahit kailan hindi ka mananakit ng babae. . . Hindi lang ako ang nasaktan mo Terso! Pati ang muslim na 'yon!" Bumangon ito mula sa pagkakahiga at marahas na binato saakin ang unan. Nagitla ako sa paraan ng mga titig niya. Sobra-sobrang sakit ang idinulot ko sa kanya, kaya hindi ko rin siya masisisi kung ganito na lang ang reaksyon niya. "Hindi ka makasagot kasi totoo?" Natawa ito sa dulo. "O baka naman, kaya mo ginagawa sa'kin 'to kasi pakiramdam mo may investment ka sa'kin!" "Nadja!" Hindi ko mapigilan ang sarili ko na bulyawan siya, tumawa lang ito ng mapait sa reaksyon ko. "Nadj, naman. Naiintindihan ko kung saan ka nanggagaling, pero sana h'wag mong husgahan ang pagkatao ko at malinis na intensyon sa'yo." Sinsero kong saad, tila lahat na ng tono at paraan para mapahupa ko ang galit niya ay ginawa ko na. "Malinis? Ito ang malinis mong intensyon? Wait lang, ah. Malinis, tapos nakita ko kayo ng Muslim sa iisang kuwarto while making out. Malinis sa'yo 'yon?" "Nadj. . . Sorry." "Umalis ka na." Malamig nitong saad. Hindi na ito nakatingin ngayon saakin, halatang nagpipigil siya ng luha. "Nadj." "Uuwi na ako bukas sa Dumangas, kung sasama ka sa'kin pabalik wala akong pakialam." Hindi ko pa puwedeng iwanan dito si Suralin. Nandito si Siniel, at alam ko gagawin no'n ang lahat mabawi lang niya si Suralin. Pero paano? Kapag hindi ako sumama kay Nadja, mas lalo ko lang papalalain ang sitwasyon. And worst, baka hindi na talaga niya ako mapatawad. Ang hangag mo, Terman! "Sasama ako." "Kagaya ng sabi ko wala akong pakialam." "Babawi ako, Nadja." "Opisyal na pala tayo ngayon, dahil eighteen na ako, finally. . ." Kusang pumatak ang mga luha nito. "But I'm breaking up with you, Terso." WALA pang bukang liwayway ay nagluluto na ako ng piniritong bangus. May natira pang native na manok kaya i-susunod ko na rin iyon para sa adobo. Sakto lang ito mamaya sa pagdaan ng jeep papuntang bayan para makisuyo ako ng cake sa bayan. Alam kong late na. Pero gusto kong bumawi kay Nadja, ang laki ng kasalanan ko sa kanya. Saka ko na haharapin si Suralin kung maayos ko na ang gusot ko sa batang 'to. Nakipaghiwalay na siya saakin kagabi. Pero paghihirapan ko ulit "oo" niya. Nasa kalagitnaan na ako ng pag gagayat ng bawang at sibuyas ng bumukas ang pinto ng kwartong katabi lang ng kusina. Puro native ang mga kabahayaan dito. Isa kami sa mga native na bahay na may pang spanish at american style na bahay kahulit gawa lang sa nipa at kawayan. Iniluwa ng pinto ang babaeng may baston, kulay abo ang buhok at may kulay de gatas na daster na halos sumayad na sa lupa. "Maayos aga, Terso Manuel." Pagbati nito saakin. "Maayong aga, Iyay Mawring. Nakialam ako sa kusina mo." Siya lang ang bukod tangi na tumatawag saakin sa buong pangalan ko. Wala akong magagawa, lola ko siya, eh. Nanay siya ni Tatay. Pero kahit gano'n si Tatay saakin, hindi maipagkakaila na ako ang paborito nitong apo. Lagi ako nitong inuuna, kapag nandito ako sa bahay na ito nasusunod lahat ng layaw ko. Kahit magpatagay pa ako buong araw, walang magagalit. Sagot ako ni Iyay Mawring. "Alam ko ang nangyari sa bahay niyo. Nandito Nanay mo kahapon, dinaan niya ang damit mo." "Nasabi na pala ni Nanay." "Oo, at hindi ako natutuwa sa mga kalokohan mo. Ako ang unang nagbigay ng basbas sa'yo para humayo ka sa ibang lungsod, para makapaghanap ka ng trabaho. Iniwas kita sa gulo buhat ng Tatay mong sakit din sa ulo. Pero gulo rin pala ang iuuwi mo rito!" Dinuro duro niya pa ako gamit ang may kahabaan niyang baston. Napayuko lang ako at ni hindi siya magawang tingnan. Tiklop ako lagi kapag si Iyay na ang nag speech. "Alferez ka Terso! Nirerespeto tayo kahit ganito lang tayo rito. Hindi ka ba na hihiya sa Choy Liuy mo? Dinadala mo sa kangkungan ang apelyido natin!" "S-Sorry po, 'yay." "Umayos ka, hindi ka na uhugin. Puti na ang buhok diyan sa loob ng pantalon mo, kaya gamit gamitin mo na ang utak mo Terso Manuel!" "Naguguluhan po ako." "Alam ko. Simula pa man hindi ka nakiki-alam sa usaping kalandian. Ewan ko kay Tomas, bakit hindi ka niya ginaya." "Kapag ginaya ako ni Tomas, magiging gago lang din ako." "Sino ba sa dalawang ineng ang talagang gusto mo?" Sino? Matagal ko na ring tanong ito sa sarili. Klaro na na si Nadja. . . Pero mayroon din ng para kay Suralin na hindi ko maipaliwanag kahit na ilang ulit ko nang sinabi na si Nadja na. Pero. . . Aah! Gusto ko na lang maging sibuyas! Hindi ako agad nakasagot. Weird, masiyado kung sasabihin ko na dalawa ko silang nagustuhan. Hindi puwede. "Nalilito ka. Alam ko, apo." "'Yay, hindi ko sinasadya na magustuhan sila pareho. Ginawa ko naman ang lahat para protektahan ang isa sa kanila, pero ang ending dalawa silang nasaktan ko." Oo, ginawa ko ang lahat para protektahan si Nadja. Kahit ang kapalit no'n ay ang mararamdaman ni Suralin. Hindi na ako pinapatahimik ng sitwasyon na 'to! Dati tahimik ang buhay ko. . . Tama nga sila. Babae ang nagpapagulo sa utak ng lalaki! "Hindi mo ginawa ang lahat. Nanamantala ka ng kahinaan, Terso Manuel. Kung nagmamahal, hindi puwede na tig singkwenta puryento lang silang dalawa. Kailangan isang daang purysento, at isa lang ang makakakuha nito. Dalawa ang itlog mo, pero iisa lang ang puso mo, Terso." Kung ibang sitwasyon 'to, siguro nakaupo na ako sa sahig habang sapo-sapo ang tiyan kakatawa dahil sa mga magaspang at hayagang mga salita ni Iyay Mawring. Likas na matabil at walang preno ang bibig ni Iyay. Kaya na sanay na kami na bigla na lang siyang mang tra-trash talk. Pero, nanamantala? May kasalanan ako kay Suralin at lalong lalo na kay Nadja. . . Pero hindi ko sila sinamantala. Alam ko sa sarili ko na hindi ko sila ginamit o pinaglaruan lang. Gusto ko si Suralin at lahat gagawin ko para masigurado ang kaligtasan niya. Nalilito ako kung gusto ko ba o mahal ko na si Nadja, kasi hindi ko naman kaya na saktan siya. Pero isa lang dapat, Terman. Isa lang. "Sumama ka mamaya sa akin sa simbahan. Magsimba ka, tinutubuan ka na ng sungay, hindi mo siguro dinarasal ang rosaryo mo sa kapag na sa Dumangas ka!" Napangiti ako sa sabi nito. . . Hindi ko kailanman nakaligtaan at nakalimutan ang linggo ng pagsimba at ang pagdadasal ng rosaryo. "Opo, isama natin si Nadja." "Nadja pala ang pangalan ng ineng na iyon. . . Ang ganda ng pangalan niya, alam mo ba ang ibig sabihin ng pangalan na 'yon?" Napakunot ang noo ko sa kanya. Pati iyon alam niya? Kaya lang magtataka pa ba ako? Kahit na malabo ang mga mata niya, nagbabasa siya ng Bibliya at mga libro. "Ano po?" "Pag-asa. Pag-asa ang ibig sabihin ng pangalang Nadja." Dinuro duro ako ng baston nito. Ang mga makulubot nitong noo at malalaking eye bags ay tila nagsasabing, si Nadja ang pag-asa ko. "Siya ang pag-asa, ikaw alam mo meaning ng Terso?" "Hindi, 'yay." "Sigurado." "Po?" "Sure o sigurado. Iyan ang pangalan mo. . ." Napaismid ito at tila nadidismaya. "Sigurado ang ibig sabihin ng pangalan mo, pero ikaw mismo hindi ka sigurado kung alin sa dalawa ang gusto mo! Si Nadja, pag-asa, ikaw paasa." Sarkastiko ang pagkakasabi nito. "Iyay, naman. Saan mo pinagkukuha 'yan?" "Siya, magluto ka na. Pagpatak alas nueve magsimba tayo." Uugod-ugod itong napamartsya patungong kubeta, may mga sinasabi pa ito pero hindi ko na narinig. Tama si Iyay. Hindi nga siguro ako sigurado sa nararamdaman ko. Ang puso ng tao mapagbiro kung minsan, madali kang malito kung hindi mo isasama ang isip sa pagdedesisyon. Nagpatuloy ako sa pagluluto, ngayon gustong umuwi ni Nadja. Sana naman mapigilan ko pa siya kahit isang araw na lang. Maliban sa kasal ni Tomas, kailangan kong siguraduhin na ligtas dito si Suralin kapag iniwan namin. Hinubad ko muna ang itim na sando at isinabit sa balikat bago muling nag focus sa paggigisa ng native na manok. Adobo lang ang lulutuin ko, saka na iyong may ubod ng saging at gata, kapag maayos na kami. Delicacy iyon ng pamilya ko, inubaran ang tawag, kaya lang medyo matrabaho ang procedure noon. Ilang sandali pa ang dahang dahang bumukas ang pinto ng cr at lumabas si Iyay na may lukot-lukot na mukha. "Terso Manuel," "Po?" Hindi ako tumitingin sa kanya dahil abala na ako sa pagluluto. "Ayaw ko ng Muslim." Agad akong napahinto sa pag lalagay ng toyo at napatingin sa kanya. Kunot na kunot ang makulubot nitong noo. Strikta si Iyay, dati siyang maestra. At ako ang apo niyang first honor. First honor sa listahan ng mga repeater ng grade one. May lahing mestizo ang Choy ko, choy ang tawag ko sa Lolo Liuy. Dahil sa binhing kanyang sinaboy, at least hindi kami nahuhuli at lugi sa itsura at pangangatawan. "Ano po?" "Buong pamilya natin ay mga rehilyosa at rehilyosong katoliko, pati ang Tatay mo. Ayaw ko sa Muslim, mapipilitan kang baguhin ang relihiyon mo sakaling siya ang piliin mo." "Iyay," natatawa kong saad. "Importante ang pagiging Katoliko mo, Terso." Napabuntong hininga na lang ako. Alam ko na labis pinapahalagahan ng pamilya namin ang pagiging katoliko, lalo na ang Nanay at Iyay ko. Hindi sa hindi kami pwedeng mag asawa ng taga ibang sekta, sadyang gusto lang nila na mapanatili ang pagiging deboto ng bawat isa. Kaya kung kami man ni Suralin, siguradong magiging malaking hadlang ang pananampalataya naming dalawa. Pasikat na ang araw ng matapos ako ng tuluyan sa pagluluto, itinabi ko na ang para kina Nanay at sa mga kapatid ko. Ipinagtabi ko rin si Suralin ng pagkain, ihahatid namin mamaya sa bahay. Nagpaalam ako sandali kay Iyay na mag aabang lang ng kakilala na dadayo sa bayan para makisuyo ako ng pancit at cake. Buti na lang dumaan ang isang kaibigan ko na mamimili rin ng ingredients para sa batchoy-an nila, saktong ka close ko kaya hindi ako nahirapan. Bumalik ako sa kusina at inayos na ang mesa, inilatag ko lahat ng niluto ko at naglagay na ako ng mga pinggan at kubyertos. Habang nag aayos ako ay siya namang pagdatingan ni Tomas at Teresa na galing yata sa Camp Peralta, naghatid kay Tatay. "Ang aga niyo, ah." Sabi ko. Agad na dumeritso si Teresa sa mesa at pinakialaman ang mga luto ko. "Tere!" Pinalo ko ang kamay nito. "Aray! Susumbong kita kay Iyay!" Sumigunda naman si Tomas at kumurot pa sa bangus. Ngumunguya pa ito bago magsalita, "Kuya Terman, ang tindi mo dalawa pala jowa mo sa Dumangas!" Sinamaan ko sila ng tingin bago sila inakbayan pareho paalis sa lamesa. "Si Nadja ang girlfriend ko," "Hala? Eh, ano mo pala si Ate Suralin?" Si Teresa. "Kuya, ah. Masama 'iyan!" Bulyaw ni Tomas. "Ito nga si Kuya Tomas, papakasalan talaga 'yong babae na kusang bumukaka tas mas matanda pa sa kanya!" Agad kong kinaltukan si Teresa sa mga pinagsasabi niya. Akmang iiyak ito ng inasar pa lalo ni Tomas. "H'wag mo pagsalitaan ng ganyan ang tao, Teresa. Dapat nga mas kampihan mo siya kasi pareho kayong babae." Inirapan lang ako nito, "edi wow! Kukunin lang kayo ng mga babae niyo sa'kin, sunod sunod kayong mag aasawa ni kuya Tomas, tapos magkaka-anak, tapos ako makakalimutan niyo at iiwanan niyo na dito!" "Alang 'man isasama ka namin!" Panggagatong pa ni Tomas, kahit alam naman nito na nagpapalambing lang ang bunso. Napaismid pa si Teresa bago nagmartsya papalayo saamin, "kahit ako pa magligpit ng mga damit mo pagkatapos ng kasal niyo ng babaeng 'yon!" "H'wag ka na mag tuntrums hindi ka cute, para kang kitikiti!" Pang aasar lalo ni Tomas. "Parang pusa sa battery?" Gatong ko. "Ikaw din, aalis ka rin. Tapos dadalawa pa asawa mo!" Bulyaw nito sa'kin. "Sa huling pagkakaalala ko, Katoliko ka. At sa ating mga katoliko, isa lang ang asawa. Kapag sumubra sa isa, kasalanan sa Diyos 'yon! Tell me, Kuya Terman kailan ka pa naging Muslim na pwede at legal para ma engage sa polygamy relationship?" Natameme ako sa mga pinagsasabi nito. Ni hindi ko nga alam kung ano ang polygamy na sinasabi nito. "Si Nadja lang ang girlfriend ko, h'wag kang makulit." "Pero. . . Nakita ko kayo sa barandil---" "Teresa Marie Alferez! Isa na lang, bibinggo ka na sa'kin." Pagbabanta ko. Si Teresa kapag natuyuan ng utak, masiyadong tahimik at halos hindi makausap at akasimangot buong taon! Pero kapag naka on ang battery nito sa likod, siguradong sira ang araw mo. Lumapit ito sa'kin at niyakap ako sa baywang. Tumingkayad pa ito na tila may ibubulong. "Gusto ko si Ate Suralin para sayo, ayaw ko 'yong Nadja, parang kalaro ko lang!" Natawa ako sa sinabi nito at ginulo ko ang buhok niya na nagpasimangot sa kanya. "Ako rin kuya, agree ako sa binulong sa'yo ni Tere." Saad ni Tomas. "Nawala kayo ni Ate Suralin bigla ng nagpunta tayo sa Camp Peralta, saan kayo nagpunta?" "Umuwi kami, sumama pamiramdam niya." Pagsisinungaling ko kay Teresa. "Kuya, Thank you sa mga pasalubong mo, ah!" Niyakap ako kito muli. "'Yong mga bracelet at jewelries, kay Ate Suralin mo 'yon. 'Yong set ng liptint at make up, kay Nadja 'yon." Napangiwi ito ng banggitin ko ang pangalan ni Nadja. Maya-maya pa ay may tumigil na jeep sa labas ng gate kaya dali dali akong nagsuot ng sando para salubungin ang mga pinasuyo kong pancit at cake. "Salamat, Bud." Sabi ko sa kaibigan ko sa Camp Peralta ng makuha ang mga pinabili ko. Pagbalik ko sa loob na sa hapag na sina Iyay, Teresa, Tomas, at si Nadja na tila kakagising lang. "Ganyan ba talaga kayo gumising sa Dumangas? Tanghali na." Pasiring na patutsada ni Teresa. "Teresa," suway ni Iyay. Inilapag ko na ang cake at pancit sa mesa, "alam mo Tere, galing sa byahe si Nadja kaya pagod siya." Ni hindi ako tapunan ng tingin ni Nadja, abala ito kay Iyay at Tomas na ini-interview siya. "Pagod sayo?" Si Iyay. Umugong ang tawanan sa hapag, tinamaan ako sa pasiring ni Iyay pero binalewala ko na lang. "Birthday ni Nadja," pag iiba ko ng usapan. "Para sa kanya ang handaan na ito." Agad na nalipat kay Nadja ang mga atensyon nila. "Happy birthday, Ineng!" Niyakap siya ni Iyay. "Happy birthday." Si Tere. "Patagay ka naman, Nadja!" Kantyaw ni Tomas. "Salamat po, pero uuwi na po ako ngayon eh." "Anong uuwi? Hindi. Magce-celebrate tayo ng debut mo dito, ineng." Si Iyay. "Pero po 'La---" "Pagbigyan mo na Iyay namin, Nadja." Sabi ko. Tipid itong ngumiti bago marahang tumango. Binuksan ko na ang cake at pancit, mas excited pa talaga si Tomas at Teresa kaysa kay Nadja. Bakas sa mukha nito na napipilitan lang siya makisalo dahil sa mga kapatid ko at kay Iyay. Alam ko na kung may mapupuntahan lang siya rito siguradong hindi ito mananatili sa tabi ko. Naiintindihan ko naman na nasaktan ko siya. Hindi ko lang maiwasan mapaisip sa mga sinabi ni Iyay, na nanamantala ako ng kahinaan. . . Alam kong hindi totoo iyon at hindi ko ginawa. Pero sa mata nilang lahat, gano'n ang ginawa ko. Hindi ko intensyon na masaktan silang dalawa. . . Iningatan ko si Nadja, sadyang may nararamdaman lang din ako kay Suralin kaya nangyari ang bagay na iyon. "Magbihis ka pagkatapos mo kumain, magsisimba tayo." Marahan kong bulong kay Nadja. "Iwanan mo na lang ako rito," "Nadj, please. Hayaan mong ayusin kong ayusin 'to." Hindi na ito sumagot at ipinagptuloy na lang ang pagkain. Ilang sandali pa, napatangin kami kay Nadja ng napatayo ito sa kinauupuan niya. "Tapos na po ako, excuse me po." Umalis na ito pabalik sa kuwarto, napatingin kami lahat sa kanya. Halos kakaupo niya pa lang at kaunti lang ang kinain niya. "Ayusin mo iyan, Terso. Mangangayayat ang batang 'yan sa sama ng loob sayo!" Si Iyay. Agad na nanunuot ang konsenya sa aking kalamnan na mas lalong nagpasidhi sa aking kagustuhan na bumawi sa kanya. "Pero bago mo 'yan ayusin, siguraduhin mo Terso na iyang si Nadja nga ang mahal at pipiliin mo." HABANG na sa simbahan ay wala akong ibang dinarasal kundi katalinuhan at karunungan sa pagpili at pagdedesisyon. Panginoon ko, hindi ko gusto ang naramdaman ko. Hirap na hirap na ako, at ayaw ko po na sa paghihirap kong ito, may pinapahirapan din akong mga tao. Husgahan man po ako nila lahat, batay sa nararamdaman ko, ngunit ikaw po ang mas nakakaalam ng laman ng puso ko. At alam mo po na nahihirapan ako. Bigyan mo po ako ng lakas na bitawan ang dapat bitawan. Piliin ang dapat piliin. Mahalin ang dapat kong mamahalin. Kung sino man po sa kanilang dalawa ang ibibigay mo Lord, alam kong inilaan mo talaga siya saakin. Patawarin nawa nila ako sa kahinaan ko bilang lalaki. . . At sa paglabas ko po sa inyong tahanan, alam kong handa na ako. Handa na akong piliin ang isa. . . At bitawan ang isa. Ikaw na po ang bahala sa maiiwan ko, nawa'y bigyan niyo siya ng lalaking karapat dapat sa pagmamahal niya. Panatilihin niyo po siyang ligtas at masaya... Amen. Matapos kong mag sign of the cross, pagmulat na pagmulat ko ay may nahagip ang aking mga mata. . . Mga mata ni Nadja na tila kanina pa ako tinititigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD