Ang laki mong tanga, Terman! Napahilamos na lang ako sa mukha buhat ng frustration sa sarili. "Ngayon ang laki ng problema mo, pati trabaho mo apektado. Ngayon sabihin mo sa'kin Pare kung saan ka dinala ng pride mo." Nanunuya ang tono ni Ader. Napatitig na lang ako sa puting enveloped na binigay sa akin ng kompanya, huling sahod at loyalty dahil sa pinamalas ko sa trabaho bilang night shift. "Wala naman akong pakialam sa trabaho Tol, eh. Makakahanap ako no'n. Pero si Suralin, wala na. . . Wala akong mahahanap na katulad niya." "Talaga? Maraming babaeng naka burqa sa paligid, sa palengke meron." "Pero hindi sila si Suralin." "So, kaninong kasalanan?" Natikom ko ang sariling bibig. Oo. Kasalanan ko lahat. Pero wala na akong oras para sisihin pa ang sarili ko. Ang tanging dasal ko la

