SHIFT XIX

2537 Words
Napabuntong hininga ako ng tuluyan ko nang lapatan ng aking lagda ang resignation paper ko upang pormal na mag resign na sa trabaho ko dito sa Lozada Lounging House bilang security guard. Sa loob ng halos apat na buwan na pananatili ko rito sa Dumangas at dito mismo sa trabaho ko ay tila nagsimulang magkabuhol buhol ang lahat, apat na buwan lang ang time span pero tila napaka bilis ng mga pangyayari at ang dami dami na agad naganap sa loob lang ng maikling panahon. Simula ng umalis ako sa Jamindan, klaro sa akin kung anoo ang pakay ko rito. . . hindi para maghanap ng gulo, at mas lalong hindi para sa babae. Pero doon din nauwi ang lahat, sa gulo at sa babae. Pero buo na ang desisyon ko. . . dito nagsimula ang lahat, kaya dito ko rin wawakasan. "Final na ba talaga 'yan?" Si Ader habang nakasilip sa resignation letter ko. Napabuntong hininga ako ulit, "mag impake na ako mamaya, hindi na rin ako magtatagal sa boarding house." Mag re-resign na ako sa pagiging security guard. Aalis na rin ako sa Boarding house. Ito lang ang nakikita kong paraan para tulungan si Nadja. "Tama si Suralin." Saad nito. "Sa ano?" "Mabilis lagi ang transition ng utak mo. Naka time lapse ba ang memory installation mo, Terman?" Pabiro ngunit nahihimigan kong may laman ang bawat salita niya. "Kailangan ko nang layuan si Nadja, hindi mabuti na nakikita niya pa ako lagi." "Hindi naman 'yon, eh!" "Eh, ano pa ba ibig mong sabihin?" "Tingnan mo, mag re-resign ka tapos wala ka nang trabaho. Uuwi ka sa inyo. Tapos hindi kayo in good terms ng Tatay mo. Paparinggan ka niya lagi. Ano gagawin mo? Nakalimutan mo ba na hindi lang sa mga babaeng 'yan nakaikot ang buhay mo!" Tama si Ader. Lalo lang manliliit ang tingin ni Tatay sa akin, dahil uuwi akong walang ka ipon-ipon, taliwas sa mga sinabi ko sa kanya. Magmumukha lang siyang tama at ako pa rin ang munting hangal na mayabang at wala namang binatbat sa mga mata niya. Tapos, alam kong may gulo pa akong iniwan sa bahay. Iniwan ko do'n si Suralin. At tiyak naman akong alam niya na ang tungkol sa amin--- ang tungkol sa gulong pinasok ko. Hindi pa tapos ang gusot ni Tomas, may i-aambag na naman ako. "Maghahanap na lang ako ng trabaho." "Saan?" "Sa amin. Sa Jamindan." "Paano si Nadja?" "Ako na bahala sa kanya. Pero bago ako uuwi sa amin, hahanapin ko muna si Suralin." Napapilantik ito sa sinabi ko, "ikaw ngayon ang ulol, Terman! Saan mo siya hahanapin, malayo ang Davao!" "Bahala na 'der, basta hahanapin ko siya." "Wow, congratulations! Sa wakas bumalik na ang dalawa mong bayag, Terso Manuel Alferez!" Napahalakhak pa ito sa dulo bago muling naging seryoso ang hilatya ng kanyang bilugang mukha. "Pero sana hindi pa huli ang lahat." May kung anong hatid ang mga salita ni Ader sa akin. . . may parte sa akin na natatakot na muling makita ang kanyang mga mata. Ngunit mas natatakot ako sa katotohanan na baka huli na nga ang lahat. Alam ko. Alam kong suntok na sa buwan ang makita pa siya ulit. Hindi ko rin alam kung ano sasabihin ko sa kanya kapag nagkaharap na kami. . . o may mukha pa kaya akong maihaharap sa kanya matapos ko siyang saktan ng harap harapan ng ilang ulit? Sana mapatawad pa ako ni Suralin. Kagaya ng sabi ni Father Rit, walang may makakapag-sabi kung huli na ba ang lahat. Kasi iba ang oras ko at ang oras ng Diyos. Ngayong malinaw na ang lahat sa akin... hahanapin kita Suralin. At sa oras na mahanap na kita, hindi na kita papakawalan. It's you over my principles and ego. HINDI na ako nag aksaya pa ng oras ng makauwi ako sa BH matapos kong makapag sumeti ng resignation letter at makuha ang natitira kong sahod, nag impake agad ako ng mga gamit. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko pagkatapos nito, saka na lang ako maghahanap ng trabaho kapag nahanap ko na siya. Matapos ang tagpo namin ni Nadja noong isang araw, mas pinili kong h'wag muna siya lapitan. Alam kong hindi makakabuti sa kanya ang presensiya ko at mas lalo ko lang siyang masasaktan. But it doesn't mean na wala na akong pakiaalam sa kanya, at wala akong ginagawa matapos ang nangyari. Hindi ko man siya malapitan pero sinisigurado kong maayos siya, nakikisuyo ako kay Ate Maldi para silipin at alagaan siya. Kung aalis na ako bukas mag iiwan ako ng pang advance niya sa boarding house at mga personal niyang pangangailangan kay Ate Maldi, hindi niya man ako makikita pero sinisigurado ko na itutuloy ko ang suporta ko sa kanya. Iyon na lang ang tanging bagay na mag kokonekta sa aming dalawa. Sa katunayan hindi ko naman obligasyon 'to sa kanya, pero , pinangako ko ito sa kanya... pinangako ko na tutulungan ko siya. Kahit iyon lang ang matupad ko, makabawi man lang ako sa babaeng lubos akong minahal. Na sa kalagitnaan ako ng pag i-impake ng may mga mabibigat na katok ang bumubumba sa pinto ko. "Sandali!" Nag suot ako ng sando bago tumayo at pagbuksan ang kung sino mang kumakatok. Pagpihit ko ng pinto agad na bumungad sa akin si Ate Maldi na tila kakagaling lang sa fun run buhat ng butil butil na mga pawis na tumatagaktak mula sa noo niya. Habol nito ang sariling hininga bago tumukod ang mga kamay niya sa pinto. "Ate Maldi, ayos ka lang?" Pinaningkitan ako nito ng mga mata, "kanina ayos ako, pero ng madatnan ko si Nadja na may ginagawang hindi maganda sa sarili niya ay hindi na ako ok Terman." Nangunot ang noo ko sa kanya, "Ano ibig mo sabihin Ate? Ano ginawa ni Nadja?" Pero imbes na sagutin ako ay hinila nito ang mga braso ko at marahas na kinaladkad ako. Hindi ko na naman maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko. Kung ano man ang mangyari kay Nadja, lahat ng iyon ay bunga ng pagiging irresponsable kong lalaki. Ilang sandali pa ay nakarating kami sa lobby ng boarding house ng mga babae. Naagaw ko ang atensyon ng mga estudytanteng nando'n. Sa paraan ng pagkakatitig nila ay tila alam na nila ang ginawa ko at ang nangyari kay Nadja. "Hindi pa siya lumalabas mula kahapon," binitawan ako nito at dinuro duro ng makarating kami sa pinto ng kwarto ni Nadja. "Masisira ang buhay niya, Terman." Seryosong saad ni Ate Maldi. Agad na lumatay ang konsensiya at guilt sa dugo ko, paano ko nagawa sa isang Eva ito? Hindi na ako nag aksaya ng oras at walang katok-katok na pinihit ang pintuan, hindi ito naka lock kaya madaling nabuksan, agad na sumugapa ang amoy ng nauupos na sigarilyo at alak sa ilong ko. Malayong malayo ito sa nakasanayan kong natural na amoy niyang parang strawberry. Tila wala akong mahanap na salita sa nadatnan ko. Wala akong karapatang magalit at paulanan siya ng sermon, dahil hindi naman mangyayari 'to sa kanya kung naging matapang lang akong harapin ang reyalidad. Ramdam ko kung paano kinurot ang puso ko sa sitwasyon na aking nadatnan, si Nadja na simpleng bata, matalino, inosente, at laging nakangiti. . . ay tila na sa ibang katauhan na ngayon. I become a man with failure principles for turning this young lady into someone worst that she should never be. "Nadja," tawag ko sa kanya. Nakatulala lang ito sa labas ng bintana. Nakadungaw katapat ng parking area ng BH kung saan naka parking ang motor ko. Lumingon ito sa akin at tumama ang aming mga mata. Wala akong ibang maapuhap na nararamdaman maliban sa isang bagay na likas sa isang tao. . . Awa. Pilit itong ngumiti kahit na mugto na halos ang kanyang mga mata. Nanghihina ito buhat ng walang kain at puro alcohol na lang ang na ta-take niya. "Terso. . . Terso pa ba ang itatawag ko sa'yo o Kuya Terman?" Mapakla itong tumawa at inisang lagok ang laman ng bote ng beer. "Tama na," tanging wika ko. Pinagpupulot ko ang mga bote at kaha ng sigarilyong pinapak niya yata sa loob ng dalawang araw. Tinulungan ako ni Ate Maldi na magligpit ng mga kalat niya, nag presenta na rin itong ipagluto ng sopas si Nadja. "Bakit ka ngayon nandito? Ayaw na sayo ng muslim na 'yon, ano?" Natatawa nitong saad. Literal na wala sa ulirat. Ni wala itong paki ngayon sa itsura niya. Naka buhaghag anf mahaba't makintab na buhok ngunit tila hindi na nakatikim ng suklay. Bakas sa mukha nito na ilang gabi na siyang natutuyuan ng luha sa mukha, 'yong damit niya sabi ni Ate Maldi ng nakaraang araw pa raw ito. "Magpahinga ka na, Nadja." Umupo ako sa tabi nito habang nilalayo sa kanya ang mga bote ng beer at paketi ng sigarilyo. "Naks, Nadja lang? Dapat babe. . . Mahal o Langga! Ano ba call sign niyo ng muslim, dapat mas bongga 'yong sa'tin." Tawa ito ng tawa habang kinukurot kurot ang pisngi ko, wala naman akong magawa kundi pabayaan muna siya. Kahit ano namang salita ko dito sa kanya, hindi niya naman maiintindihan. "Bakit?" Biglang sumeryoso ang mukha nito na basang basa pa ng luha. "Terso. . . Pakiramdam ko hindi lang ako nawalan ng boyfriend, mas higit pa ro'n." Napiyok ito sa dulo ng pangungusap niya. Tial na buo rin sa loob ko ang matinding frustration. . . Oo guilty ako. Ako ang may kasalanan ng lahat ng 'to. Ang hirap. Ang hirap makitang na sa ganitong kalagayan siya. . . At ako ang dahilan. "Terso. . . Nawalan ako ng kaisa isang pamilya. At iyon ang mas masakit. Ikaw na lang ang mayroon ako, tapos nawala ka rin. Wala nang pakialam ang Papa ko sa'kin, wala na akong pamilya. . . Ngayong w-wala ka na. . . Tuluyan na akong naulila." Pakiramdam ko nalulunod ako sa katotohanang binabahagi ni Nadja. . . Ako na lang ang pamilya niya? "Wala nang natira sa'kin. Lahat kayo gusto akong iwan! Lahat kayo ayaw sa'kin." Saad nito sa pagitan ng kanyang mga hikbi. "Kung jowa lang nawala sa akin, ayos lang! Wala akong pakialam. . . Pero ikaw Terso, mas higit ka pa sa jowa lang! Pamilya kita, eh." "Pamilya rin ang turing ko sa'yo, Nadja. . ." "Eh, bakit mas pinipili mo siya kaysa sa'kin? May asawa at anak siya Terso. May Nanay at Tatay saka mga kapatid. Maraming nagmamahal sa kanya. Dadagdag ka pa?" "Alam ko hindi mo pa ako maiintindihan, pero Nadja, pamilya rin ang turing ko saiyo. Label lang ang nawala saatin, hindi ang pagiging kuya ko sa'yo." "K-Kuya na lang kita. . ." Nanlulumo nitong saad. "Sana maintindihan mo ako. Hindi man ngayon, pero sana mapatawad mo ako pagdating ng panahon Nadja." "H'wag mong gawin 'to. . . Ikaw ang nag iisang support system ko." "Mananatili sayo ang suporta ko." "Pero hindi ganyang suporta ang kailangan ko! I need you more than a brother. Mahal kita!" Ngayon tila naka proseso ang utak ko, hindi ko mahanap kung saang baul sa parte ng utak ko tinago ang pagmamahal ko dati kay Nadja. . . Confusing, kasi wala akong maramdaman ngayon. "Maging realistic na tayo, Nadj. Hindi na ito mag wo-work. Mas lalo lang nating pahihirapan ang isa't isa." "Ikaw ang maging realistic! Nandito ako. Ako lang ang nandito. Kakalimutan ko lahat, basta piliin mo ulit ako." "Tama na, magpahinga ka na." "Minahal mo ba talaga ako, Terso?" Mapakla at tila nanunuya niyang tanong. Hindi ko maiwasang magalit mismo sa sarili ko, ng dahil sa kaduwagan at katangahan ko nailagay ko sa sitwasyon na ganito ang isang inosente kagaya ni Nadja, na dapat ngayon pag aaral lang ang inaatupag. "Bakit hindi ka makasagot? Props mo lang ba ako?" "H-Hindi. . . Nadja, hindi." "Ano ba ako sa'yo, Terso? Pang front mo. Palamuti o props, alin ako sa dalawa?" Hindi ko alam kung bakit ang hirap ngayon sagutin ng mga tanong niya. Samantalang ang bilis ko namang sabihin dati kung ano siya sa'kin. Ano ba ang nangyayari sa'kin?! "Ginamit mo lang ako. . ." "Nadja, hindi totoo 'yan. Malinis ang intensyon ko sa'yo." "Tama na Terso! Stop gaslighting yourself, stop playing green flag kasi ang totoo, red flag ka!" Natahimik ako sa saad nito. Pulang pula ang magkabilang pisngi nito habang mugto pa rin ang mga mata. "Special ka sa akin. Hindi ka basta babae lang sa'kin, Nadja. Iyan ang totoo." Humalakhak ito at napatayo, "special. . . Special lang? Tinatanong kita kung minahal mo ako, Terso." Oo. . . I did loved her. A kind of love that is confusing. Only to find out that I love her not more than a sister. . . "Mahal kita. . . Hanggang ngayon mahal kita, Nadja." Natigilan ito sa sinabi ko, gumuhit ang pag asa sa mukha niya. "Mahal kita, bilang kapatid. . . At mananatili mo akong pamilya Nadja. Hindi ako mawawala." Agad na napawi ang pag siklab ng pag asa sa mga mata niya. Tila na bato ito sa kanyang kinatatayuan, wala na akong maapuhap na emosyon sa mala anghel niyang mukha. . . Tanging galit. "Umalis ka na." Malamig nitong saad. Pinahid nito ang mga luha sa kanyang mga mata at inimwestra ang pintuan. "Umalis ka na, Kuya Terman." Tila nilukot ang puso ko sa paraan ng pagkakabigkas niya sa pangalan ko. . . Hindi ko alam na darating ang araw na ito. Malamlam ang mga matang tinitigan ko siya sa huling pagkakataon, minsan ko siyang inalagaan at minsan kong inakala na mahal ko siya. Hindi ko kayang tagalan ang sitwasyon na 'to. Ni hindi ko magawang titigan siya ng matagal. Kasalanan ko. Prinsipyo at ego ang naghari sa akin, kaya nangyari 'to ngayon. Hindi nila deserve 'to ni Suralin. Wala namang dapat magsakripisyo ng nararamdaman, kung meron man dapat ako 'yon. Hindi si Nadja, at mas lalong hindi dapat si Suralin. Pero huli naman na ang lahat para magsisi pa ako. Nangyari na. "Sana mapatawad mo pa ako, Nadja." Ni hindi ito sumagot at tanging blanko at malamig nitong pagkakatitig ang naging sagot niya saakin. "Makakaalis ka na. . . Hindi ko kailangan ng Kuya at mas lalong hindi ko kailangan ng pamilya." Malamig nitong wika. Napabuntong hininga ako at sinulyapan siya sa huling pagkakataon bago ako pumihit upang umalis. . . Masakit man pero ito na yata ang huling pagdadaupang palad naming dalawa. Sana mapatawad mo pa ako Nadja. SUMAPIT ang alas kwatro impunto ng hapon, pero wala pa ring tigil sa pag luha ang langit. Tila nakikisimpatsya ito sa nangyari saaming tatlo ni Nadja at Suralin. Hindi ko masasabing tapos at maayos na ang lahat. Sa loob ng ilang linggo na akupado ng mga isipin at problema ang utak ko, isa pa lang ang tila masasabi kong "case close". Kung mayroon mang case close, 'yon na siguro 'yong napagtanto ko kung sino ang mahal ko. . . Iyong isang daang porsyentong sigurado. Iyong sinasabi ni Iyay Mawring na dapat hindi fifty fifty at isang daang porsyento talaga. At si Suralin 'yon. Napabuntong hininga na lang ako, hindi ko batid kung saan ako mag sisimula sa paghahanap sa kanya. Malaki ang Davao. Gusto ko na siyang makita. . . I miss her badly.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD