SHIFT XVIII

3516 Words
Napapikit ako sa kantang tumutunog mula sa mini speaker na hiniram ko kay Tomas. Kung kailan ko naging paborito ang kantang naka salang ay hindi ko alam. . . Pero isa lang ang totoo. Mga mata ni Suralin ang nakikita ko. I get lost in your eyes And I feel my spirits rise And soar like the wind Is it love that I am in? I get weak, in a glance Isn't this what's called romance? And now I know 'Cause, when I'm lost I can let go The picture of her eyes at the back of my head are vivid and clear. Her cold voice seems a wrecked audio clips that keep on playing in my ears. Bawat liriko ng kanta ay mga mata niya ang nakikita ko. Mga matang tanging nakikita ko dati sa likod ng kanyang sagradong niqab. Nababaliw ako sa sariling katangahan. Ako rin pala ang kakain sa mga prinsipyong kinagisnan ko. Napasandal ako sa mono block habang hinihilot hilot ang sintido at nakikinig sa kanta ni Debbie Gibson, na naka play sa speaker. Hindi ko alam pero naging paborito ko na ang kantang 'to, "lost in your eyes", pakiramdam ko talagang ni compose ito ng composer para sa saakin. Kasi darating talaga ang panahon na sasakto ang lyrics ng kantang 'to, sa nararamdaman ko. At ngayon na ang araw na 'yon. Sa tuwing naririnig ko ang kantang 'to, si Muslim ang nakikita ko. Kanina pa kami naka shift ni Ader, damang dama ko na naman lahat ng bigat. . . Ni hindi ko magawang tignan ng matagal ang entrance. Hindi ko mapigilan na hindi umasa. Na baka kahit isang beses lang, iluwa ng entrance na 'yan ang babaeng naka burqa na may itim na itim na mga mata. Asa pa ako. Lakas ng loob kong umasa matapos ko siyang harap harapang i-reject. Pinamukha ko sa kanya na mas worth it ipaglaban si Nadja. Tapos ngayon. . . Ako ang naiwang miserable. Napadapo ang mga mata ko sa bracelet na gawa ni Suralin. Putiks. Hindi na siya nawala sa isipan ko. . . "Miss na kita," naihilamos ko ang mga sariling palad sa mukha. Hindi ko na yata kayang magtagal sa trabaho ko rito sa Lounging. . . Mas lalo akong pinapatay ng nararamdaman ko rito. Hanggang sa sumikat ang araw nakaupo pa rin ako sa monoblock, walang ibang laman ang isip ko kundi ang mga maling desisyon na bunga ng mga pang martyr kong prinsipyo. Tama si Ader. Mas may bayag siya ngayon kaysa sa'kin. N-Natakot ako. Natakot ako na baliin ang pangako ko sa isang babae. Malaki ang respeto ko sa kanila. . . Pero naging makasarili na yata ang paghuhusga na nakabatay lang sa mga prinsipyo ko. Nakalimutan ko kung ano ang tama basta h'wag lang malabag ang mga pinaniniwalaan ko. Nakasukbit na ang bag ko ng dumating si Ader, mapakla agad ang mukha nito sa'kin. "Tagay?" "Nagtitipid ako." Natawa ito sa sagot ko, "akala ko ang sasabihin mo nagbago ka na." "Malapit na, 'der." "Umayos ka nga, 'tol. Nakakabanas na 'yang mukha mo." Napangiwi ito ng pasadahan ako ng tingin. "Pag uwi mo manalamin ka! Para makita mo ang resulta ng katangahan mo." "Oo na!" "Tol, ang lalaking in love tumataba. Ang lalaking masaya sa jowa lalong gumagwapo. Ikaw, para kang tinatarantado. Umayos ka!" Pabiro ko siyang hinampas bago umalis. May sinisigaw pa ito pero itinaas ko lang ang middle finger ko sa kanya. Pag uwi ko sa BH wala nang tao, nakaalis na ang mga estudyante. Patay ako kay Nadja. Nahuli ako sa oras. Wala tuloy siyang baon. Ngunit pagpihit ko ng door knob ay hindi ito naka lock, naka bukas ang kwarto at agad akong nakapasok, na sa b****a pa lang ako pero agad na nanuot sa ilong ko ang amoy ng pritong tuyo at sinangag na kanin. Parang matic na kumulo ang tiyan ko sa amoy pa lang ng ulam. "Good morning, Terso!" Si Nadja na naka kulay pulang apron habang naka suot na ng uniform. Malaki ang mga ngiting nakaukit sa mga labi niya. Nakapuwesto na ito sa harap ng kalan habang may hawak na sandok. Pakiramdam ko ay lumatay agad ang konsensya sa katawan ko kung ngayon ko sasabihin sa kanya ang lahat. "Good morning, bakit ikaw gumagawa niyan?" Nakapamewang ito habang hawak ang sandok, "masama ba na ipagluto kita." "Mala-late ka niyan, ako na." Inilapag ko sa higaan ang bag ko, hindi pa man ako nakakapagbihis pero lumapit ako sa kanya para kunin ang ginagawa niya. May itlog at hotdog pa itong susunod na isasalang. Ang galing ng batang 'to. Nauna ang pritong tuyo sa hotdog. May maliit akong ref dito, naka budget na sa isang linggo ang grocery namin pareho. Kinuha ko ang sandok sa kanya at ako na ang nag prito. "Papahinga ka na dapat, eh." "Ako na, next time h'wag ka na makialam dito lalo na't may pasok ka. Darating naman ako, eh." "Ako na lang kasi lagi pinagsisilbihan mo. Kaya ko naman kasi gawin ang mga ginagawa ng Muslim na 'yon at mas magaling ako sa kanya!" Halos mabitawan ko ang sandok sa biglaang pagtaas ng boses nito. Napakunot ang noo ko sa kanya. "At saan naman galing 'yan, Nadja?" "S-Sorry." Hindi na ako sumagot pa. Pakiramdam ko nag init ang tainga at batok ko sa sinabi nito. Walang gana kong sinalin sa plato lahat ng hinanda niya, ni walang kahit na anong salita ang lumalabas sa bibig ko kahit na alam kong kanina pa niya ako tinitignan. Pinagsalin ko siya ng kanin at ulam, at habang kumakain siya pinagtimpla ko siya ng gatas at hinanda ko na ang baon niya para sa tanghalian. "G-Galit ka ba?" "Hindi." "Kumain na tayo." "Mamaya na ako, Nadja. Sarili mo na intindihin mo." "Galit ka, eh." Hindi na ako sumagot at patuloy kang ako sa pagsalin ng kape sa tasa. "S-Sorry." Saad nito. "Puwede ba Nadja, kumain ka na lang ng maihatid na kita. Tumigil ka sa kaka-sorry sa bagay na wala ka namang kasalanan. Kung ano ano na lang tinatanggap mo." "B-Bakit ba ganyan ka! Bigla ka na lang mawawala sa mood." "Tumigil ka na Nadja." "Dahil ba kinumpara ko sarili ko sa Muslim na 'yon? Totoo naman, eh. I can be better, Terso!" "Diba sabi ko tumigil ka na?" Marahan kong turan. Napayuko ito at alam ko na ang susunod. . . Iiyak na naman siya sa harapan ko. Alam na alam niya na ang kahinaan ko sa kanya. Sa babae. Tumayo ako mula sa pagkakaupo. Kinuha ko ang wallet ko at hinugot ang isang daan. "Baon mo. Mag commute ka na lang, na ka pack na pang lunch mo. Ikaw na bahala kung uuwi ka ng maaga o hindi. Terminated na ang curfew mo." Iniwan ko siya sa BH, ayaw kong makita ang mala anghel niyang mukha na unti-unting malulukot at iiyak. Ni hindi pa ako nakapagbihis basta na lang akong umalis. Hindi ko naman alam kung saan ako pupunta, bahala na kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Ang gusto ko lang makalayo sa kanya. Nasasakal na ako sa sitwasyon na pinasok ko. Akala ko importante sa isang tao ang may isang salita at may prinsipyo, pero mas importante pala ang pagpapahalaga sa sarili. Hindi ko na inisip ang kapakanan ko basta masunod ang prinsipyo kong hindi magiging gago. . . Pero sa pagiging ogag din pala ang punta ko. Hindi ko namalayan na huminto pala ako sa simbahan. . . May third mass kaya? Walang pagdadalawang isip na pumasok na ako at iniwan ang motor sa park-ingan. Baduy para sa ibang lalaki ang magsimba ng regular. Minsan nagsisimba lang naman ang iba kapag may bagong damit, sapatos, relo, o kahit na anong maipagmamayabang. Pero ako, namulat ako na ang pagsisimba ay isang Holy obligation tuwing linggo. At hindi ko kailangan ng bagong damit para magsimba. Mas lalong hindi dapat tayo makakaalala lang na magsimba kasi may problema na. Pakiramdam ko ay nakapahinga ang utak ko pagpasok ko sa loob ng Cathedral. Mahalimuyak ang amoy ng kandila at mga bulaklak sa paligid, parang na sa Jamindan lang tuloy ako. Sana maayos lang si Nadja. Hindi ko alam pero mabilis akong maalibadbaran ngayon. Kunting mali ay nababanas ako. Maiksi ang pisi ko ngayon. Kaya mas pinili ko na lang na umiwas kaysa makarinig pa siya ng mga salitang mas ikakasakit niya. Ayaw kong kinukumpara niya ang sarili niya kay Suralin. Dahil kahit saan mang angulong tingnan sobrang layo nilang dalawa. Wala akong alam kung saan napupulot ng ng batang 'yon ang mga ideya niya kay Suralin. Alam kong kahit sabihin niyang kakalimutan niya lahat para saakin, ay nasasaktan pa rin siya. At hindi niya kasalanan ang nararamdaman niya. Kasalanan ko. Habang nag mumuni muni ako at nakaupo sa hulihang upuan sa simbahan, iniluwa ng pinto sa may altar ang lalaking naka black at may roman collar. Namimitog ang tiyan nito at may buhok na pang Elvis Presley. Siya siguro ang Kura Paroko ng Catheral. Agad na ngumiti ang mga mata nito ng dumapo sa akin, mukhang may pupuntahan ito dahil ayos na ayos. "Kumusta, brother?" Bati nito sa akin pagkahinto sa may upuan ko. "Ayos lang po, Pads." "Mangungumpisal ka?" Agad akong napailing, "hindi po, napadaan lang." "Baka gusto mo mag pari?" Natatawa ngunit seryoso nitong saad. Umupo ito sa bakanteng upuaan sa tabi ko, hindi ko alam pero komportable naman ako sa presensiya niya. Kailangan ko rin naman kasi ng kausap ngayon. "Nag che-check lang ako ng Cathedral natin, mamayang alas dyes pa ang first mass, 'nak." "Napadaan lang po talaga ako, Pads." "Ano ang problema mo, hijo?" Natigilan ako sa tanong nito. Gano'n na ba talaga ka obvious na problemado akong tao? Natawa ako ng mapakla, "problema po ng mga lalaki, Pads." "Sugal at babae, alin sa dalawa?" Tila nanghuhula ang tono ng malaki at marahan nitong boses. Napangiti ako sa kanya, "sa mga lahi ni Eva." Napahalakhak ito, "magpari ka na lang para hindi mo na problemahin ang mga angkan ni Eva." Natawa rin ako sa kanya. Tawang mababaw. Kahit ano siguro ang gawin ko ngayon hindi na ako magiging masaya. "Baka gusto mo magkape sa kumbento? May oras pa naman ako. . . Ako ang kura dito." "T-Terman po, Terman Alferez. Hindi po ako taga dito, nag bo-board lang po. Tubong Jamindan." "Ayos, tubong Dumarao rin ako, Rev. Father Rit, baka gusto mo ilapag sandali ang krus na binubuhat mo. . . Makikinig ako 'nak." Napabuntong hininga ako. Hindi ko maipaliwanag pero pakiramdam ko siya ang pinakatamang tao na dumating para tulungan ako sa sitwasyon na hindi ko alam na kusa ko pa lang pinasok. "May nagustuhan po kasi akong babae. . . Muslim po siya. Tapos nalaman ko na may asawa na pala. Kaya ko nakilala ang isa pa, minor pa lang siya ng makilala ko. Sinubukan ko po kasi magkagusto sa iba, para makalimutan ko ang pagkapahiya sa sarili ng magkagusto ako sa isang muslim na may asawa." Nakinig lang ito habang tumatango tango. "Nangako ako sa batang 'yon na magiging opisyal ang relasyon namin kapag dese otso na siya. Pero, nalaman ko po na wala naman pa lang asawa 'yong muslim at ako rin ang mahal niya. . . Kaya lang ilang ulit ko siyang iniwasan, dahil ayaw kong masaktan ang isa, ayaw ko ring makalabag ng pangako." "Kudos. Nagpapakalalaki ka lang." Saad nito, "ngayon ano ang punto ng panlulumo mo?" "H-Hindi ko po alam kung sino ang tunay kong mahal sa kanila. . . Huli na po ng napagtanto ko." "Bakit?" "Pads, mali po ba ang manatili sa isang tao kahit hindi mo naman siya mahal?" Gumuhit ang mga malalaki nitong ngiti bago tapikin ang balikat ko, "kailanman ay hindi naging mali ang pananatili sa isang tao na hindi mo iniibig, alam mo kung ano ang mali? Ang lokohin mo ang sarili mo na mahal mo siya. Mali ang mapabayaan mo ang sarili. Kapag nahihirapan ang pisikal na katawan, nahihirapan ang emosyon, nahihirapan din gumalaw sa buhay mo ang banal ma Espiritu." "Pads. . . Kapag iniwan ko siya, masisira ang mga pangako ko." "Anak, may nakapagsabi na ba sa'yong manalamin ka?" Biglang singit nito na malayo naman sa pinag uusapan namin. Hindi ko mawari kung saan nanggaling ang tanong ni Father. Pero naitanong na rin saakin ni Ader ito. "'Yong kaibigan ko po." "Kung titingnan mo ang sarili mo sa salamin, ikaw mismo ang makakapagsabi na nasa maling pag ibig ka. Na nasa maling tao ka, Terman." "Father, masasaktan ko siya." "Anak, sinasaktan mo na siya at sinasaktan mo ang sarili mo. " "Huli na po ang lahat para saamin ng muslim, Father." "Sino ang may sabi?" Napahalakhak ito bago magsimulang magsalita ulit, "everything is on time, hijo. Minsan akala natin huli na ang lahat, pero iba ang oras natin sa oras ng Diyos." May kinuha ito sa maliit niyang bag, at inabot sa akin ang tila isang pocket bible. "Basahin mo sa 1 Corinthians 13, Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It does not dishonour others, it is not self-seeking, it is not easily angered, and it keeps no record of wrongs." Namangha ako sa kanya dahil kabisado at saulado niya ang bible verse na iyon. Sabagay, isa siyang pari. Nakakamangha. Maliban kasi sa John 3:16, wala na akong alam na bible verse kahit regular akong sinasama ni Iyay Mawring sa Bible study noon. "Hindi na bago ang problemang ganyan, anak. Ang problema mo lang, hindi mo kayang timbangin ang pride at prinsipyo mo, laban sa kung ano ang tunay na nararamdaman ng puso mo." "Pads, ano po ang gagawin ko?" Ginulo ko ang sariling buhok buhat ng frustration na nararamdaman. "Narinig mo na 'to sa mga pelikula o na basa sa mga nobela, hindi na ito bago sa pandinig. . . Pero anak uulitin ko ito sa'yo, sundin mo ang puso mo. . . Dahil sa lahat ng parte ng katawan mo, iyang puso ang makakapagsabi sa'yo ng katotohanan." Mataman itong napatitig sa akin habang inilalahad ang pocket bible sa akin. "Above all else, guard your heart for it is the well spring of life." Tila lahat ng mga salita ni Father ay isa isang nanunuot sa dibdib ko. "Hindi masama kung ma prinsipyo kang tao, 'nak. Pero kung ang prinsipyong 'yan ang sumisira sa pagkatao mo at pagkatao ng kapwa mo, ay tiyak na hindi iyan prinsipyo na makakapagpabuti." Patuloy lang akong nakikinig sa mga sermon niya. "Kung sinisira ka ng prinsipyong 'yan, ibig sabihin ang karunungan na iyan ay hindi galing sa Diyos. Patuloy mong pagnilayan ang balik sayo ng prinsipyong pinaglalaban mo." Napatigil ito sandali at napatingin sa altar. "Prinsipyo, Terman. Prinsipyo. Hindi ego. Hindi pride." Agad na ngumiti ang bilugan nitong mga mata, bilog na bilog din ang pisngi niya. "Pride is belong to the seven deadly sin. Ikakapahamak mo ito, kung hindi ka mag kukusang lunukin ito para sa ikabubuti." Nagtagal pa ang kwentuhan namin sa loob ng Cathedral, hanggang sa inabot na kami ng alas nuevy at kailangan niya nang maghanda para sa misa. "Nagagalak akong makibahagi sa kati ng ulo mo Terma," umugong ang baritonong boses nito sa labas ng Cathedral. "Salamat din po sa oras Father Rit. Kahit papaano po ay gumaan ang nararamdaman ko." "Nakakabilib ka. Bihira ang lalaking simbahan ang pinupuntahan kapag may problema. Kung hindi beer house ay sa casino. Pero ikaw, ang Panginoon ang naalala mo." Inakbayan ako nito na tila ba matagal na kaming magkakilala. Hanggang balikat ko lang siya, at halos puputok na ang namimitog nitong tiyan. Gayon pa man. . . Pinagpapasalamat ko na naka daupang palad ko ang isang alagad ng Diyos na siksik sa kaalaman at karunungan. "Kung magkukumpisal ka, nandito lang ako sa Cathedral. Minsan baka gusto mo mag kape sa kumbento, bukas saiyo ang tahanan ng Diyos." "S-Salamat po, Pads." Nahihiya kong saad at napakamot pa sa likod ng ulo. "Kung ikakasal kayo ng babaeng pinili mo, ngayon pa lang na saiyo ang mga salita ko. Ako ang magkakasal sainyo." Natawa kami pareho sa saad nito. Hinatid lang ako nito sa b****a ng Cathedral at hinintay na makaalis ako lulan ng aking motor. Pakiramdam ko ngayon ay tila ang liwa-liwanag ulit ng Dumangas. Parang may parte sa akin na tuluyang natanggal. Hindi ko maalis sa ang mga ngiti ko. Patawarin sana ako ng Diyos sa mga maling desisyong nagawa ko buhat ng prinsipyong matagal ko nang ginawang pader sa pagitan ko at sa mga taong gustong pumasok sa buhay ko. Ayaw kong matulad ako kay Tatay. Siya ang unang tao na nagpamulat sa akin na mahalaga ang isang salita ng tao. Ilang beses niya bang pinaasa si Nanay? Ilang beses niya akong pinaasa. Kami ng mga kapatid ko. Si Tatay ang literal na nangangako ng walang laman. Siya rin ang dahilan kung bakit ekis at bakla para saakin ang mga lalaking walang ibang kayang gawin kundi magpaiyak at manakit ng babae. Lahat ng prinsipyo ko ay nabuo ng dahil sa kanya. Tatay ko siya. Pero ayaw ko maging kagaya niya. Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa boarding house. Buong akala ko ay nakaalis na si Nadja at pumasok ng eskwela. . . Ngunit tila na gitla ako sa nadatnan ko sa kwarto. Nagkalat sa sahig ang mga beads ng bracelet. Sa pagkakatanda ko, ito ang bracelet na binigay saakin ni Suralin para ibigay ko sa babaeng nagugustuhan ko. Lumipat ang mga mata ko kay Nadja na ngayon ay nakaupo sa sahig at mugto ang mga mata. Kumalat ang mga notebook nito na gusot na at punit punit. "Anong ginawa mo." Malalaki ang hakbang na dinaluhan ko siya at binuhat pa upo sa monoblock. Hindi ko mapigilan ang pag init ng sintido at tainga ko sa nadatnan. Kumuha ako ng basang bimpo para pamunas niya at tubig na maiinom. She's miserable because of me. Tama si Father Rit, walang magandang hatid ang prinsipyo ko. Nakapanakit lang ako ng tao. Pinunasan ko ang mukha niya habang wala pa ring tigil sa pag agos ang kanyang mga luha, titig na titig ito sa mga beads na nag kalat. "I hate that girl." "Nadja," suway ko sa kanya. "Nagagawa mo akong awayin dahil sa lang muslim na 'yon!" Inayos ko ang pagkakatali ng buhok niya, sinigurado kong kumportable na siya sa sarili bago ko siya kakausapin. Hinila ko ang isa pang monoblock at umupo para maging magkapantay ang aming mga mata. Marahan kong hinaplos ang pisngi nito. . . Kinakabisado ang mala anghel niyang mukha. "Sorry. . . Kung sasaktan kita." Panimula ko. "Nadja, I'm sorry. Patawarin mo ako. Ngayon pa lang sana patawarin mo ako." Agad na gumuhit ang pinaghalong pangamba at sakit sa mga mata niya. "T-Terso, hindi. . ." Tila nahuhulaan na nito ang sasabihin ko. Smart girl. She used to be my little girl. . . Pero hanggang do'n lang sana 'yon. At ibabalik ko na sa label na iyon ang relasyon namin. "Please be brave enough to accept the fact, Nadja. . . Nasaktan na kita at ayaw ko na sanang ulitin pa." "Makikipaghiwalay ka na ba sa'kin Terso?" Pumatak ng kusa ang mga luha nito. Napaiwas ako ng tingin at napayuko habang nilalaro ng mga kamay ko ang mga maliliit niyang kamay. "Mahalaga ka sa'kin Nadja. . . Sobra. Ayaw kong gawin 'to, pero kailangan." "Hindi!" Tila batang ayaw magpahiram ng laruan ang paraan ng pag iyak ni Nadja. "Dahil ba 'to sa pagkumpara ko kay Suralin at sa sarili ko? Promise, hindi ko na uulitin." Hinawakan nito ang mga kamay ko. "O baka dahil diyan sa mga sinira kong bracelet," tumayo ito at isa isang pinulot ang mga beads habang tumatangis. "Aayosin ko 'to, Terso. . .aayosin ko promise." Nanginginig ang mga kamay na pinagpupulot niya ang mga beads habang nakaluhod sa sahig. Parang pinipiga ang puso ko sa larawang aking nasasaksihan. Ang sakit. Ang sakit na makita ang isang taong nagiging alipin ng pag ibig at biktima ng sakit. . . At ikaw ang dahilan. "Nadja," tawag ko sa kanya, "tama na bunso." Mas lalo lang itong naging disperada na mahanap at maayos muli ang mga bracelet na sinira niya. "H'wag mong gawin 'to, Terso." Saad nito habang tuluyan nang bumigay. Nabitawan nito ang mga beads. Nagtataas baba ang mga balikat niya at tila habol na ang hininga dahil sa sunod sunod na sinok at hikbi. "K-Kakalimutan ko lahat. Simula ngayon wala kang maririnig mula sa akin. Gagalingan ko lalo sa school, Terso." Pinilit nitong magsalita sa pagitan ng mga hikbi niya. "Tama na bunso. . . Maging realistic na tayo." Labag man sa loob ko ay ginawa ko pa rin. "Terso. . . Ikaw na lang ang pamilya ko." Napapikit ako sa muling pagsibol ng kakaibang pakiramdam na tila nagpapaliko na naman sa desisyon ko na h'wag iwanan si Nadja. "Nadja. . . Patawarin mo ako." Tumayo ako para daluhan siya at hinatak patayo. Isang mahigpit na yakap ang iginawad ko para sa kanya bago binitawan ang mga salitang tila habang buhay kong pagsisisihan dahil nalabag ko ang sariling prinsipyo. "Mahal ko si Suralin, Nadja. Mahal na mahal."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD