MALI ITO. MALI ang nangyayari kaya gumawa ako ng paraan para maputol iyon. Alam kong may bahagi rin akong kasalanan. Kung naging matino akong babae, hindi ko sana hinayaan si Papa. Pero lagi kong iniisip, baka ako lang ang nag-iisip nang sobra. Hindi naman siguro niya magagawa iyon sa akin nang may pagnanasa. Tinuturing niya akong anak. Mahal niya ako nang buong puso. Napabuntonghininga ako bago siya hinarap. Pinilit kong ngumiti, para ipakitang wala lang sa akin ang lahat. Kahit madilim, malinaw ko pa rin nakikita ang mukha niya. Marahil ganoon din siya sa akin. “Kung sino man ang ama ko, hindi na maiaalis ang katotohanang wala siyang kuwentang tao. Kung mabuti talaga siya, hindi niya magagawang iwan ang isang babaeng luhaan—lalo pa kung bata na ito sa sinapupunan,” mariin kong sabi. N

