10. Damay

1068 Words

“HINDI BA AT pinaalala ko na sa iyo na huwag iyong pamangkin ko? Mara, gusto mo bang matulad sa ina mo?” naiirita na wika ni Papa. Papauwi na kami ng bahay at ramdam ko ang bigat ng bawat salita niya. Malamig ang hangin mula sa pampalamig ng sasakyan, pero tila ba ako pinapawisan. Hindi ako makakibo. Ngayon pa lang niya ako pinagsabihan nang galit, at hindi ko alam kung paano ko haharapin iyon. Nasa tabi ko si Parker, tahimik lang, waring walang alam sa nangyari. Nasa loob lang siya ng mansion ng Jimenez kanina kaya hindi niya nasaksihan ang sayaw naming dalawa ng kaniyang pinsan. “Sumagot ka, Mara. Sapagkat ika’y hindi pipi,” mariing paalala ni Papa. Napatingin ako sa salamin ng kotse. Doon nagtagpo ang aming mga mata. Matigas ang titig niya at puno ng pagkadismaya sa akin. Napabunton

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD