11. Hatol

1087 Words

TAHIMIK LANG AKO rito sa loob ng sasakyan. Idadaan muna namin si Parker sa unibersidad na pinapasukan niya. Nasa tabi ko lang siya at katulad ko’y walang imik. Ang pinagkaiba lang namin, may pinagkakaabalahan siya habang ako, wala. Tahimik ako dahil hanggang ngayon, iniisip ko pa rin ang nangyari kagabi—ang mga salitang binitawan ni Papa na hanggang ngayon ay sumasakit kapag naaalala ko. Kaswal lang ang sagot ko sa kaniya kanina kapag kinakausap niya ako. Mas pinili kong huwag muna siyang pansinin. Natatakot akong kung magsasalita ako, baka sa bawat katagang lumabas sa bibig ko ay lalo lang lumala ang sitwasyon. Kaya imbes na makipag-usap, pinagmamasdan ko na lang ang tanawin sa labas ng bintana. Pilit kong inaliw ang sarili ko, kahit alam kong walang saysay. Ayaw kong ganito ang maramda

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD