12. Paglapit

1024 Words

MALIWANAG NA ANG sikat ng araw ngunit malamig pa rin ang simoy ng hangin. Maingay ang paligid mula rito sa sementeryo, dinig ko ang malalakas na busina at ugong ng mga pampasaherong sasakyan sa kalsada. Bitbit ko ang maliit na supot na may lamang kandila at ilang bulaklak na binili ko sa tapat ng sementeryo. Habang naglalakad ako, ramdam ko ang bigat sa dibdib ko. Halo-halo ang nararamdaman dito sa puso ko. Pagod mula sa mga nakaraang araw, sakit mula sa mga salitang binitiwan ni Papa laban sa akin, at matinding pangungulila kay Mama. Ang pinakamasakit isipin: narito na si Mama sa ilalim ng lupa, at kailanman, hindi ko na siya makauusap. Parang ayaw ko pang makarating sa puntod niya. Bawat hakbang papalapit ay lalo lang bumibigat. Para bang hinahatak ako ng katotohanang wala na siya. Gus

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD