MABIGAT ANG PAKIRAMDAM ko habang tinatahak ang maliit na daan palabas ng sementeryo. Kanina lang ay maliwanag ang paligid mula sa mga kandila, pero unti-unti na iyong nawala dahil sa malakas na hampas ng hangin. Bumuntonghininga ako nang malalim. Papalayo na ako sa puntod ni Mama, pero para bang pasan ko ang isang batong hindi nakikita ng iba ngunit ramdam na ramdam ko sa bawat hakbang. Ang bigat. Hindi ako nagmadali. Malamig na ang simoy ng hangi dahil malapit nang gumabi. Nakapamulsa lang ako sa amerikanang suot ko habang iniisip pa rin ang nangyari kaninang umaga. Naririnig ko na nang malakas ang busina ng mga pampasaherong sasakyan sa labas ng sementeryo. May mga batang naglalaro at may iilang pamilya ang nagtatawanan sa puntod ng kanilang yumaong pamilya. Lahat sila, tila hindi ap

