21: Diskusiyon (Pangalawang bahagi)

1266 Words

“Pasensiya ka na sa kanila, anak. Hindi ko rin wari kung bakit ganoon sila sa iyo. Lalo na ang mga kapatid ko. Mabuti na lang at nandiyan si Fernando na ipinaglaban kayo ni Rose,” sabi ni Papa. “Kaya nga po, Pa. Kahit alam niyang galit lahat sa akin, ipinagtatanggol niya talaga ako. Lalo na po kina Madam Lavinia at Don Julio.” Napabuntonghininga ako at agad din ngumiti. “Ano po iyong naramdaman ninyo nang magkaroon ng relasyon sina Mama at Papa Fernando?” Tipid siyang ngumiti. “Nasaktan ako. Kasi kahit pinili ko na ang pamilya ko, hindi pa rin nawawala ang pagmamahal ko sa iyo. Walang alam si Fernando sa naging relasyon namin ng ina mo. Noong inamin sa kaniya ni Rose, doon siya tumungo sa akin. Nagpaalam siya sa akin. Kaya bilib na bilib na ako sa pamangkin ko dahil tanggap niya talaga a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD