18. Parke

1144 Words

KAHIT DUROG ANG puso ko, muling pumasok ako sa loob ng simbahan. Umupo ako sa dating upuan at doon ko ibinuhos ang lahat ng hinanakit sa puso ko. Hindi ko inasahang makakamtan ko ang sagot ngayong araw. Ang amang matagal kong hinanap ay matagal ko na palang nakilala. Masakit aminin, pero ni minsan ay hindi niya pinaramdam na anak niya ako. Bata pa lang ako nang dalhin ako ni Papa Fernando sa baluwarte ng Pamilya Jimenez, ngunit wala akong magandang alaala sa kaniya—ang nanatili lamang ay takot at ang hindi maipaliwanag na tingin na palagi niyang ibinabaling sa akin. Ngayon ko lamang naunawaan kung bakit. Maaaring ayaw niya akong kilalanin dahil may sarili na siyang pamilya. Siguro kung makikita niya ako, naaalala niya ang pagtataksil sa sarili niyang pamilya. Subalit doon sa sementeryo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD