ILANG ORAS NA yata akong nakaupo rito sa malamig na upuan ng parke. Kanina pa sumasayaw ang mga dahon sa hangin at paunti-unting nagdidilim ang langit, pero parang wala akong naririnig kung hindi ang mga t***k ng puso kong puno ng pighati. Wala na ang tawanan ng mga batang kanina pa naglalaro. Mga kuliglig na lang ang kasabay ng katahimikan ko rito sa paligid. Madilim nang kunti rito sa kinauupuan ko, pero wala akong pakialam. Basta ang sigurado ako sa sarili ko, gusto kong mapag-isa. Hindi na muna ako uuwi sa bahay. Dito lang ako hanggang sa mapagod ako. Isang mahinang yabag ang gumising sa diwa ko. Paglingon ko, nakita ko si Papa Fernando. Halata sa bawat hakbang niya ang pag-aalala—mahigpit ang hawak niya sa telepono, nakatungo ang ulo, at para bang may bigat ang bawat paghinga. Hind

