17. Pisil

1116 Words

TINITIGAN KO LANG si Don Alejandro habang hinihintay ang sagot niya. Nakatingin lang din siya sa akin at hindi ko mabasa kung ano ang nararamdaman niya. Hindi man lang siya kumurap. Parang wala rin siyang balak na sagutin ako. “Don Alejandro, tinatanong po kita. Oo at hindi lang po. Gusto ko lang po talaga ng kasagutan tungkol sa pagkatao ko,” sabi ko. Pinunasan ko ang lutang nagsipatakan sa mga mata ko. Nanlalabo lang ang paningin ko. Napabuntonghininga siya at agad na tumalikod. Sa pagkakataong iyon, hindi ko mapigilan na mapanganga. Bakit ayaw niya akong sagutin? Katulad din ba siya ni Papa na may tinatago sa akin. “Don Alejandro, parang awa ninyo na! Kung ikaw man ang ama ko, hindi po ako manggugulo sa pamilya ninyo. Ang sa akin lang po, malaman ko lang ang totoo,” sabi ko. Mul

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD