NAGPATULOY SI PAPA sa paghakbang nang hindi lumilingon. Iniwan akong nakatayo sa sala na parang lantang gulay na hindi na alam kung saan kakapit. Sa bawat hakbang niya paakyat ng hagdan, pakiramdam ko lalo akong nilalamon ng katahimikan. Nananakit ang dibdib ko kung bakit ganoon siya. Bakit ba ayaw nilang sabihin sa akin ang totoo? Hindi naman ito tungkol sa pagkatao ko. Tungkol ito kay Mama. Isang katanungan lang ang iminungkahi ko. Katanungang magbibigay sa akin ng linaw kung ano ang ugnayan ng ina ko kay Don Alejandro. Kung sinagot iyon ni Papa sa mabilis na paraan, tapos na at wala ng magiging problema. Pero hindi ganoon ang nangyari. Mas pinili pa rin niyang itikom ang bibig niya. Dahil doon, lalo akong maguguluhan. Lalo akong hindi makatulog sa kaiisip kung bakit pati sa akin, il

