Chapter 61

1500 Words

Mula sa hawak kong baril nabaling ang tingin ko sa may pintuan kung saan pumasok ang pinakamamahal kong asawa. Nakasuot siya ng bestida kung saan hakab na hakab sa kaniyang katawan kung kaya kitang-kita ang perpektong hubog niyon. Lalong gumanda ang pangangatawan ni Krishna mula nang manganak. Idagdag pa na hindi siya tumaba dahil na rin sa pag-aalaga sa amin ng mga bata. Naikuyom ko ang isang kamao nang maalala ang kahayupang ginawa ko sa sariling asawa. Bagay na labis kong pinagsisisihan at Hindi ko matanggap sa aking sarili. “Kinakailangan mo pa ba talagang gawin?” malambing niyang tanong sa akin nang makalapit. Pumulupot ang mga braso niya mula sa likurang bahagi ng aking katawan saka pinatakan ako ng halik sa pisngi. Mula nang magbalik ang alaala ko, ‘di ko na rin binalak pang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD