Chapter 60

1221 Words

“Mahal kita at alam kong gano’n ka rin sa akin. Sana’y muling magbalik ang alaala mo dahil puno iyon ng pagmamahal.” Naulinigan ko ang emosyonal na pananalita ni Krishna ngunit pinili kong manatiling nakapikit ang aking mga mata. May kung anong bagay ang sumusundot sa’king puso at tila bigla na lang akong nakadama ng kakunsensiyahan. Hinayaan kong manatiling nakapikit ang mga mata ko habang patuloy lamang sa pakikinig sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan sa tuwing gagamitin ko ang kaniyang kahinaan. May bahagi pa ng pagkatao ko ang tila nawawasak sa bawat paghiyaw niya sa sakit. Nang maramdaman kong tuluyan na siyang lumabas ng kwarto madali kong iminulat ang mga mata ko saka tumayo. Mahinang pinukpok ko ang ulo ng sariling kamao upang magbalik ang alaalang sinasambi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD