Putok ng baril ang umaalingawngaw sa buong paligid gawa ng pagsasanay na aming isinagawa ni Carl Wayne. Inaya niya akong mag-ensayo rito sa may firing station ng aming bahay gamit ang kaniyang regalo sa akin na baril. “Good job, Baby girl!” malakas niyang sabi. Dumantay ang kaniyang braso sa’king baywang mula sa likurang bahagi ng aking katawan kung kaya nagkadikit ang aming mga katawan. “Magaling ka nang magpaputok ng baril. Tiyak na makakaya mo nang ipagtanggol ang sinuman sa amin sa anumang sandali,” namamaos niyang bulong sa likod ng aking tainga. Umiling ako bilang pagtanggi saka humarap sa kaniya. “Sabay nating ipagtatanggol ang isa’t isa.” Ikinulong ko ang kaniyang pisngi sa magkabilaan kong palad. Ngumiti lamang siya sa aking sinabi saka kinintalan ako ng halik sa noo. “I

