Umahon ang natutulog na halimaw sa loob ng katawan ko nang mamasdan ang kaniyang malulusog na dibdib na nahantad sa aking paningin. Pilit kong pinipigilan ang sariling kagustuhan na muli siyang angkinin sapagkat alam kong napagod siya sa magdamag naming pagniniig. Hindi ko alam kung sinasadya niyang mapunta sa pagitan ng mga hita ko ang kaniyang kamay o talagang tulog lang siya kung kaya hindi niya alam ang nangyayari. Alam kong sinadya niyang pigilan akong umalis kagabi at nauunawaan ko naman iyon sapagkat labis ang kaniyang pag-aalala sa akin. Pag-aalalang kaakibat ang labis na pagmamahal. Muli siyang gumalaw at gayon na lamang ang pagkagulat ko ng bigla na lang niyang ipinasok sa loob ng suot kong salawal ang kaniyang kamay. “Baby girl...” usal ko na naging tunog ungol. Mahusay

