James
Nagpupuyos ang damdamin ko habang lihim ko silang tinitingnan. Bakit sa iba ang dali nyang sumama, samantalang ako ilang buwan akong nagtiis bago nya ako napakisamahan ng maayos at di na umiwas.
Hanggang sa nauna na silang lumabas ng Pizza parlor ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin ni Mia.
Wala ganang bumalik ako ng opisina, at di na mapakali hanggang hapon.
Kinagabihan, sinundo ko pa din si Mia sa store.
Nakayuko sya ng lumapit sa akin. Pinagbuksan ko naman sya ng pinto. Habang nasa daan kami, wala kaming imikan.
James...tawag ni Mia.
Nilingon ko sya saglit..Mmm?
Ga-galit ka ba? tanong niya.
No, bakit naman ako magagalit?
Baka kasi nagalit ka sa nakita mo kanina, ano...wala lang yun ha.
Nagpasama lang kasi yung Supervisor namin..nauutal na paliwanag ni Mia.
Biglang naglaho lahat ng hinanakit ko...alam ko sa kinikilos nya na ayaw nyang magalit ako kaya todo ang paliwanag nya.
Okay lang yun, saka boss mo naman kasama mo..sagot ko at hinawakan ko ang kanyang kamay. Tinitigan nya ang kamay namin na magkahawak pero wala syang sinabi.
Hindi naman sya tumutol kaya hindi ko na tinanggal ang pagkakahawak sa kamay nya at pinisil-pisil pa yun.
Parang nasa ulap ang pakiramdam ko, alam kong kahit walang salita na nanggagaling sa kanya, parang naconfirm ko na din ang damdamin nya sa akin. At sobrang saya ko.
Mia
Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko kailangan kong magpaliwanag kay James.
Hindi ako mapakali kaya sinabi ko na wala lang yung nakita nya kami ni Sir Aylone. Sabi nya okay lang daw yun kaya napanatag ako.
Hinawakan nya ang kamay ko, hindi ako tumutol kahit may parang kuryente akong naramdaman sa pagkakahawak nya sa akin. Kuryente na nagpagising sa buong pagkatao ko, at gusto ko yung pakiramdam na yun.
-----
Mia
Naging maayos ang samahan namin ni James. Okay na kami sa set up na kami lang ang nagkakaintindihan. Kulang na lang ay maging official ang relasyon namin. Wala din naman nag uungkat, basta masaya kami pag magkasama.
Mia, punta ka mamaya sa bahay, birthday ni mama may kaunting salo-salo..aya ni Ana.
Kasalukuyan kaming nakaduty at magkasama sa area.
Sige na, isama mo yung jowa mong gwapo, sabay kindat nya.
Napatawa tuloy ako.Sige pupunta ako after duty..sabi ko.
Close ko naman kasi ang mama ni Ana at baka magtampo kapag hindi ako nagpunta.
James
Hi, wag mo na akong sunduin later, may pupuntahan kasi ako after duty..message ni Mia.
Kasalukuyan akong nasa meeting ng nareceive ang ang text nya na yun.
Okay, saan naman lakad mo? reply ko
Ahm birthday kasi ng mama ni Ana, sasaglit lang ako dun, baka kasi magtampo-Mia
Please?-Mia
Samahan na kita para may kasama ka pauwo-ako
Wag na, okay lang. Kung gusto mo sa bahay na lang tayo magkita.-Mia
Okay then, see you later sa bahay nyo. Yun lang ang huling reply ko at hindi na din sya sumagot. Nawalan na tuloy ako ng ganang magtrabaho.
Anong meron sa birthday party na yun at ayaw nya akong kasama? napapaisip tuloy ako.
Nababagot ako sa paghihintay ng oras kaya naisipan kong tumambay muna kina Hans, nagkataon naman na nag iinom sila at may mga bisita, yung iba kakilala ko yung iba ay hindi.
C'mon, dude join us, aya ni Hans. Nakiharap na din ako sa table nila, hindi ko na namalayan ang oras.
Naalala ko na pupunta nga pala ako ngayon sa bahay nila Mia.
Mga tol, mauuna na ako ha. May lakad pa pala ako.
Tumayo naman yung isang babae na si Trisha, ayon sa pakilala nila Hans kanina.
Puede bang sumabay, ani Trisha..medyo hilo na ko eh. Pakihatid mo na lang ako sa apartment ko...sabi nya.
Tiningnan ko si Hans at sumenyas na isabay ko na. Wala na din akong nagawa at isinabay ko na si Trisha.
Habang nasa daan, malikot ang kamay ni Trisha, pilit kong tinatanggal ang kamay nya.
Trisha....baka mabangga tayo sa ginagawa mo..sabi ko.
You know what, matagal na kitang gusto. Kaya lang suplado ka eh, sabi nya na namumungay ang mata.
Trisha, ituro mo na lang ang daan papunta sa inyo, para makapagpahinga kana..lasing ka oh..sabi ko habang inaalis ko ang kamay nyang nakayakap na sa akin.
Mia
Kanina pa ako dito sa bahay, di ako mapakali..may usapan kami ni James na dito na lang kami sa bahay magkikita, pero sobrang late na wala pa sya.
Baka nagtampo sa loob-loob ko,
Nakatulog ako kakahintay kay James. Kinabukasan tumuloy akong pumasok kahit masakit ang ulo ko sa puyat.
Agad namang napansin ni Ana ang kawalan ko ng gana ngayong araw,
Oh bakit matamlay ka yata, may masakit ba sayo, ani Ana.
Wala girl, baka dadatnan lang ako kaya ganito mood ko, pagsisinungaling ko.
Palaisipan pa din sa akin kung bakit hindi nagpunta sa bahay si James kagabi, maayos naman akong nagpaalam sa kanya na pupunta sa birthday ng mama ni Ana at umoo naman sya. Napabuntunghininga na lang ako, di ko na alam kung ano iisipin ko.
Breaktime, hindi talaga ako mapakali, kaya naglakas loob akong itext si James.
Hi! Good morning, just wanna know kung bakit hindi ka nakapunta sa bahay kagabi..sabi ko sa message.
Hinintay ko syang magreply hanggang matapos ang break ko, wala pa din.
Gusto kong maiyak, pero hindi ko naman alam kung para saan. Buong araw na para akong wala sa sarili. Namimiss ko na sya.
James
Nagising ako na nasa ibang kwarto ako, bigla akong napabalikwas ng bangon. s**t ano to? bulong ko sa sarili.
Napatingin ako sa babaeng katabi ko na natutulog. Napahawak ako sa ulo ko sa sobrang sakit. Ouch! ano ba to? bulong ko.
Tatayo na sana ako ng biglang bumangon na din ang babae.
Anong ginawa mo? bakit ako nakatulog dito sa kwarto mo? tanong ko.
Ohh, hindi mo natatandaan? di ba inaya mo kong uminom ulit...pagkatapos sabi mo hilo kana at gusto mo ng matulog, so inakay kita dito sa kwarto ko..malambing nyang sagot.
Wag mo kong paikutin, alam ko mga ginagawa ko kahit lasing ako. Aalis na ko, galit na sabi ko sabay tayo.
No, dito kana maglunch...ireready ko lang..sabi nya.
Lunch???? s**t, tanghali na pala..napalamukos ako sa aking mukha at umalis ng walang paalam.