Zeeb's P.O.V
We stayed inside the forest for almost three days. Sa aming patuloy na paglalakad ay malapit na naming marating ang pinakagitna ng forest.
Gamit ang kakayahan ni Mac na makita ang nakaraang pangyayari, bawat mapuntahan naming parte ng forest ay nakikita ko kung ano ang mga nangyari rito.
Dahil doon ay nakita ko na ang ilan sa mga wolf hunter na hinahanap ko. Subalit, hindi ko makita ang kanilang mga mukha nang malinaw, tila mayr'ong humaharang para hindi ko makita ang kanilang mga mukha.
Kita ko kung paano nila patayin at hulihin ang aking mga kauri. I can't tell if they are really wolves like us or pure humans without fears. I am becoming more confused. Ito ang dahilan kung bakit nanatili at pinagpapatuloy ko ang paglilibot dito sa loob.
Pakiramdam ko rito ko rin makukuha ang clue na kailangan ko. Sa pamamagitan ng pagtingin sa nakaraang pangyayari ay magkakaroon ako ng lead.
Pero sa tuwing tapos na ang bawat hunter na manghuli, bigla na lang sila nawawala at naglalaho. Kailangan ko muling magsimula at maghanap ng lugar.
Ang isa sa kanila ay mukhang malakas. Sumusugod ito mismo sa kada pack saka niya huhulihin ang kaniyang pakay.
Ngunit katulad ng mga mukha nila ay hindi ko rin makita nang malinaw ang kaniyang ginagawa.
Lihim na kumuha ang aking noo.
Who is blocking Mac abilities?
Napalingon ako sa tabi ko. Napangiti ako dahil nakita ko si Ashina na mahimbing na natutulog. Hinawi ko ang ilang hibla ng kaniyang buhok. She looks like she is comfortable with the place. Mukhang sanay siyang matulog sa gitna ng gubat.
Marahan kong hinaplos ang kaniyang ulo saka seryosong muling tumingin sa hawak kong sketch. Iginuhit ko ang lugar kung saan na namin napuntahan.
Dumako ang tingin ko sa gitna ng forest. Ang bawat hunter ay lumilingon sa gawi ng gitna ng forest. Pagkatapos nilang makahuli ay lilingon sila patungong gitna.
Anong mayr'on sa gitna ng forest?
"You still awake?" Napalingon ako sa nagsalita.
Marahang bumangon sa pagkakahiga si Ashina.
Tinupi ko ang aking sketch saka ito tinabi.
"I will sleep now." saad ko,
Marahan akong tumabi sa kaniya. Muli siyang humiga sa aking tabi. Agad niya akong niyakap. Niyakap ko naman siya pabalik.
"Are you cold?" I asked saka isiniksik siya sa aking katawan.
"A bit," tugon niya at mas yumakap sa akin.
Hinalikan ko ang kaniyang ulo nang marahan.
"You don't need to come with me for another day. Kung gusto mo ay ihahatid muna kita bukas. It is not good for you to stay in the woods, and sleep here without any proper sleeping tools." mahinahon kong sambit.
Malapit na rin naman akong matapos. Gusto ko lang na makita ang kung anong mayr'on sa gitna ng forest. Gusto kong malaman kung anong mayr'on doon at kung bakit doon lagi ang direksiyon na tinuturo.
"Alright," saad niya saka mabilis na nakatulog ulit.
Naiiling na lamang akong napatingin sa kaniya. She's been with me for a few days. Although the only thing we do is walk, I don't hear any complaints coming from here.
Kung ibang babaeng she-wolf siguro siya ilang hakbang pa lang ay nakaririnig na ako ng mga reklamo at dada.
Kinabukasan ay hinatid ko siya. Mabilis lang naman kami nakarating sa lugar na gusto niya, at pagkatapos ay bumalik agad ako kung saan ako huminto.
Nagsimula ako muli hanggang sa lumubog na naman ang araw ngunit hindi ako tumigil. Ngumunot ang aking noo sa isang hunter na nakikita ko.
Pagkatapos niyang mahuli ang kaniyang target ay umalis kaagad siya. Malapit na ako sa gitna ng forest at nagtataka ako kung bakit hindi siya naglaho.
Sinundan ko siya. Hinawi ko ang isang sanga at sa aking paglagpas ay bumungad sa akin ang isang malaking --- bahay?
A house? In the middle of forest?
Tumingin ako sa paligid.
"What is that? A house?" sambit ni Mac.
Dito nawala ang sinusundan ko. Marahan akong humakbang palapit hanggang sa mayr'on akong naramdaman na parang tumagos ako sa isang bagay.
Lumingon ako sa aking likuran. Lumapit ako rito.
"A barrier?" kunot-noong saad ko.
Mabilis muli akong lumingon sa bahay. Ngayon ay mas malinaw ko na itong nakikita kumpara kaninang nasa labas pa lang ako. Kanina ay parang natatakpan ito ng mga hamog.
Habang humahakbang ako ay panay ang tingin at masid ko sa paligid.
Napakatahimik ng paligid.
Nang marating ko ang pinto at nang hawakan ko ito ay bumukas.
"Is it okay to enter inside? What if it is a trap?" biglang saad ni Mac.
Marahan kong binuksan ang pinto saka pumasok sa loob. Napakalawak at maganda ang loob nito. Inilibot ko ang aking tingin sa buong paligid.
Ang pader ay mayr'ong mga nakasabit ng mga ulo ng mga werewolves na nahuli nila. Hanggang taas ay mayr'ong nakasabit.
"Wow! What is this? Wolf head collections?" komento ni Mac.
Nangunot ang aking noo. I guess nasa loob ako ng hunter quarter. Ngunit nasaan sila? Umalis na ba sila rito? Umalis sila nang malaman nilang hinahanap sila.
Sa aking paglilibot ay narating ko ang ikalawang palapag. Kagaya ng nasa ibaba ay marami ring nakasabit na mga ulo ng mga werewolves dito.
Nakaabit din ang kanilang mga weapons na ginagamit sa pagpatay at sa panghuhuli. Sa paglilibot ng paningin ko ay nahagip ng mata ko ang isang malaking tela na tila mayr'ong tinatakpan.
Kaagad akong lumapit. Hinawi ko ang laylayan ng itim na tela.
"Founder?" basa ko sa nakita kong salita.
Tiningnan ko ang kabuo-an ng tela.
Is it a portrait of the founder of the wolf hunters?
Hinawakan ko ang tela saka hinila ito. Nahulog ang tela, agad ko itong binitiwan. Hindi ko makita ang buong portrait dahil ang parteng taas ay medyo madilim.
Pagtingin ko sa ibaba. Sa taas ng salitang Founder, nakita ko ang isang pangalang mas ikinakunot ng aking noo.
"Ashina?" I read the name imprinted above the word of founder.
Ashina?
Biglang nagkaroon ng visions ang aking isipan. Nakita ko ang isang babae ngunit hindi malinaw ang kaniyang mukha subalit pamilyar sa akin boses niya. Marahil siya ang founder na nasa larawan. Hindi ko maintindihan ang future na nakikita ni Mac. Ang tanging nakikita ko ay ang mga dugong nanggagaling sa dalawang taong magkaharap.
Ipinilig ko ang aking ulo dahil mas lalong naging magulo ang nakikita ko hanggang sa mawala na ito.
"What was that?" ani ko,
"I don't know! I also don't get it. It was all blurred." seryosong tugon ni Mac.
Ito ang unang beses na nagkaroon siya ng vision na napakalabo at magulo.
Bumalik muli ang tingin ko sa portrait. Humanap ako ng lampara na kaagad akong nakakita. Sinindihan ko ito at itinutok sa portrait. Naging malinaw na ang buong mukha nito.
At nanlaki ang aking mga mata ng makilala ko kung sino ang nasa larawan.
Nawala ang aking tingin sa portrait. Lihim akong tumingin sa aking likuran nang makarinig ako ng mga hakbang na palapit ang pagpalakpak nito.
"Welcome to my house, my dear mate." Rinig kong sambit na siyang ikinaseryoso ng aking mukha.
Ibinaba ko ang hawak kong lampara.
"What the!" hindi makapaniwalang sambit ni Mac.
Tama ba ako ng hinala?
Marahan akong humarap sa aking likuran nang makumpirma ko kung sino itong founder.
Sa aking pagharap ay bumungad sa aking ang taong hindi ko inakalang magiging at isa sa mga hinahanap ko.
"Ashina," seryosong sambit ko sa kaniyang pangalan.
Isang ngiti ang kaniyang binigay sa akin.
"Congrats, Alpha Zeeb. You found our quarter. I can't believe that you are that powerful. You are able to see the barrier I put in this place." casual niyang saad na tila inaasahan na niyang makararating ako rito.
"Ang tanging makakita lamang ng lugar na ito ay ang isang nilalang na makapangyarihan, at kung hindi, with the help of the barrier, they won't be able to see this place. Lucky you, Zeeb, because you are one of the most powerful creatures." she added.
The person in front of me is the Ashina I know, and the woman who is my mate turns out to be the founder of Wolf Hunters.
>>TheKnightQueen