Nang tanungin ni Mark ang tungkol sa sinasabi ng isang maintenance na kasama nila ng doktor ay biglang umiwas na matanong ang nurse. Narinig naman ni Tricia ang tungkol sa gustong malaman ni Mark sa nurse kaya lumapit ito sa kaibigan para mag-usisa. "Mark, bakit ba gusto mo pang malaman ang tungkol sa ginawang pagbubukas ng pinto ng doktor? Ano naman ngayon sa iyo kung ganun nga ang nangyari? Mukhang interesado kang malaman ang lahat, ah! Bakit ba kasi?" "Hindi ka ba nagtataka Tricia kung bakit nagawan ng paraan ng doktor na buksan ang pinto?" "Ano bang paraan ang sinasabi mo?" "Ang paggamit niya ng rosaryo para mabuksan ang pinto?" "Ha? Eh, ano naman sa iyo kung ginamitan niya ito ng rosaryo. Pati ba naman iyon Mark kailangan pa natin pakialaman? Ano ka ba naman? Okay ka na ba talaga

