Nang makita na niya ang itim na libro na nakaayos nasa kanyang lalagyan ay hinayaan na niya ito at isinara na lang niya ang cabinet. Pagkatapos ay lumabas na siya ng kwarto para kumain. Nang makakain na siya ay iniligpit na niya ang kanyang pinagkainan. Habang naghuhugas siya ay muli niyang narinig ang sitsit na matagal na niyang hindi naririnig. Tumingin siya sa bintana ng lababo pero wala naman siyang nakitang tao sa labas. Nagkibit-balikat na lang siya at ipinagpatuloy niya ang kanyang paghuhugas. Pagkatapos ng kanyang ginagawa ay lumabas na ito ng kusina pero bago pa siya makalabas ng kusina ay muli niyang narinig ang sitsit. Hindi na niya pinansin ito at tuloy-tuloy na siyang lumabas ng kusina. Ngunit, paglabas niya ng kusina ay nakarinig naman siya ng malakas na pagaspas. Napabalikw

