CHAPTER 46

1571 Words
"Ako pa talaga ang pinagmadali mong maglakad, 'no? Eh, ikaw nga itong mabagal maglakad." "Basta! Bilisan mo!" "Bakit na naman ba?" Hindi na muling nagsalita si Mark. Hinila na lang nito ang kaibigan sa braso para mapadali ang kanilang paglalakad. "A-aray ko naman, Mark. Ano ba?" Nagpumiglas si Tricia sa pagkakahawak sa kanya ni Mark. Kahit na galit na ang kaibigan ay pilit pa rin niya itong hinila. Panay naman ang lingon ni Mark sa kanyang likuran. At nang muli siyang mapalingon ay nagulat ito ng makita niya na naroon pa rin ang matandang lalaki sa kanilang likuran at sinusundan sila ng tingin. At dahil doon ay lalo itong nagmadali sa paglakad. Nang malapit na sila sa lumang bahay ay kinwento na ni Mark ang pakay niya kay Tricia. At kung bakit niya ito sinadyang puntahan sa bahay ng kapitan. Hindi pa nga natatapos ang kanyang kwento nang salubungin na sila ni Aling Belen sa may tapat ng gate. Dali-dali naman itong pinuntahan ni Tricia at pinagsabihan ang matanda na bumalik na ng bahay para sa kanyang kaligtasan. Bakas naman sa mukha ni Mark ang pagdududa nang marinig niyang pinagsabihan ni Tricia ang tiyahin. Hindi na ito nakatiis at tinanong na niya ito. "Uy, Tricia!" "O, bakit na naman?" "Bakit mo naman pinagsalitaan si Aling Belen ng ganun?" "Ha? Anong pinagsalitaan? Sinabihan ko lang siya na bumalik na kako sa bahay at gabi na. Ano naman ang masama sa sinabi ko?" "Wala lang. Baka lang kaka ay may sasabihin siya sa'yo kaya kanya hinintay." "Pwede naman niyang sabihin sa akin pag-uwi ko, hindi ba?" "Sabagay." Halata ang pagkadismaya ni Mark sa tinuran ng kaibigan. Hindi na niya tuloy nasabi ang lahat ng gusto niyang ikwento sa kaibigan dahil nagpaalam na rin ito na uuwi. Pero bago pa makalayo si Tricia ay– "Tricia! Tricia!" Napalingon naman si Tricia sa tawag ng kaibigan. "Bakit? Uuwi na ako, Mark. Ano na naman ba 'yon?" Napabalik ng di-oras si Tricia dahil sa senyas sa kanya ni Mark. Hindi kasi magawang pumasok ni Mark sa loob ng gate dahil sa takot nito na baka naroon pa ang malaking ahas sa may hagdan. Kaya kahit nahihiya siya sa kaibigan ay nagpasama pa ito kay Tricia na makapasok sa loob. "Bakit ba hindi ka pa pumasok sa loob? Anong bang mayroon dun at hindi ka makapasok? Umiral na naman 'yang kaduwagan mo, Mark." "Grabe ka naman sa akin. Hindi kaya ako duwag. Kahit naman siguro sino ay takot sa ahas. Sige na, samahan mo na ako sa loob. Mamaya kasi ay pumasok na 'yun sa loob ng bahay." "Eh, saan mo ba siya kasi nakita kanina?" "Sa may dulo ng hagdan." At nang pumayag na si Tricia na samahan si Mark ay hawak kamay pa silang pumasok ng gate. "Te-teka nga lang huwag mo akong itulak. Kumuha ka na lang kaya ng kahit na anong bagay na pwedeng ipantaboy sa ahas. Bilis!" Sinunod naman ni Mark ang kaibigan. Humanap ito ng kahit na anong bagay na pwedeng gamitin na pantaboy. At nang makakita siya ng walis ay kinuha niya kaagad ito. Nang makita naman ni Tricia ang hawak nitong walis ay bigla itong tumawa ng malakas. Nagkibit-balikat naman si Mark na makita nito na pinagtatawanan siya ng kaibigan. "Ano ka ba naman, Mark. Sa tingin mo 'yang hawak mo na walis ay makakapagpataboy ng ahas?" "Ikaw kaya itong nagsabi na kahit na anong bagay." "Commonsense naman. Sa palagay mo ba mapapaalis mo ang ahas na gamit mo lang ay walis? Ay naku Mark, humanap ka pa ng iba. Bilisan mo at gabi na! Tiyak na hinihintay na ako ng tiyahin ko." Binalibag ni Mark ang walis at pinalitan niya ito ng pala na ginamit niya sa pagbungkal ng lupa. Pinakita niya ito sa kaibigan. "Pala? Wala na bang iba? Hindi ba mabigat 'yan?" "Hindi naman gaano kabigatan. Pwede na siguro ito." "Sige, ikaw ang bahala. Tara na, hanapin na natin ang istorbong ahas na 'yan. Teka nga, sigurado ka ba na ahas ang nakita mo kanina? Baka naman namamalikmata ka lang?" "Totoo nga! Ang laki at ang haba pa nga niya." "O siya sabi mo eh. Tara na!" Pagkatapos nilang pagtalunan ang gagamitin na pantaboy sa ahas ay tumuloy na ang dalawa sa loob ng bahay. Madilim na kaya medyo hirap na rin silang hanapin ito. At nang makita nilang malinis naman sa hagdan ay dumiretso na sila sa itaas ng bahay. Dahan-dahan pa silang pumasok sa loob. Hindi sila gumagawa ng kahit na anong ingay para hindi mabulabog ang ahas kung saka-sakaling nasa loob na nga ito ng bahay. Hinalughog nila ang loob at labas ng kwarto maging sa kusina pero wala naman silang nakitang ahas. Napakamot na lang ng ulo si Mark at bahagyang ngumiti. Habang si Tricia naman ay nameywang sa harap ni Mark. "Nasaan 'yung sinasabi mo na malaki at mahabang ahas?" Hindi na nakaimik si Mark sa tanong ni Tricia. Ngumiti lang ito at bahagyang hinimas ang mukha ng kaibigan para hindi na siya nito tarayan. Napangiti na lang din si Tricia sa kanya. Pagkatapos ay nagpaalam na ito sa kanya. Hindi na siya pinababa ni Tricia para hindi na ito matakot bumalik sa loob ng bahay. "O, paano uwi na ako. Baka nag-aalala na ang Tita Belen. Huwag mo na akong ihatid baka hindi ka na naman makaakyat." Saka niya tinapik ang balikat ni Mark sabay labas ng pinto. Hinatid na lang siya ni Mark sa b****a ng pinto at nang makababa na si Tricia ng hagdan ay sinundan na lang niya ito ng tingin hanggang sa makalabas ito ng gate. Kumaway pa si Tricia sa kanya bago ito lumabas ng gate. Nang masiguro ni Mark na nakalabas na si Tricia ay dali-dali na itong pumasok sa loob. Nang makaramdam na siya ng gutom ay nagpunta kaagad ito sa kusina para maghagilap ng makakain sa refrigerator. Nang buksan niya ang refrigerator ay nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita. Kinurap-kurap pa niya ang kanyang mga mata at kinurot niya ng bahagya ang kanyang pisngi para siguraduhin na hindi siya nananaginip. At nang masaktan siya sa kurot niya ay saka lang siya napanganga ng tuluyan. "Totoo ba ito?" Pagdududa na tanong niya sa kanyang sarili. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita. Punong-puno ng pagkain ang kanyang refrigerator. Hindi naman siya nakakapunta pa kahit saan. Kaya paanong nangyari na napuno ng sari-saring pagkain ang kanyang refrigerator. Kumuha siya ng isang prutas para siguraduhin na totoo nga iyon. Kinagat niya ito para malaman kung totoo nga ito. At nang makain niya ito ay dumampot pa siya ng ibang prutas. Tuwang-tuwa naman siya habang kumakain ng mansanas. Kung hindi siya nananaginip saan maaaring nanggaling ang mga pagkain na 'yon. Bumalik siya sa sala habang kagat-kagat ang mansanas. Habang iniisip pa rin niya kung saan galing at kung sino ang naglagay ng mga pagkain sa refrigerator. "Hindi kaya si Aling Belen ang naglagay ng mga pagkain? Siya lang naman ang nakita namin kanina ni Tricia na nasa labas ng gate. Maaaring siya nga ang naglagay ng mga ito. Mapuntahan nga siya bukas para matanong." Habang kinakausap niya ang kanyang sarili ay unti-unti naman niyang inuubos na ang mansanas. At nang maubos na niya ito ay bumalik ulit siya sa kusina. Sa puntong 'yon ang kinuha naman niya ay ulam. Tamang-tama naman at may nakita siyang ulam na pwedeng initin na lang. Wala namang problema sa kanin dahil marunong naman na siyang magsaing. Habang abala siya sa pagluluto ay may narinig siyang kumalabog na nanggaling sa kwarto. Dali-dali siyang pumasok ng kwarto sa pag-aakala na may nagnanakaw na naman ng mga gintong butil. At nang makapasok na siya sa kwarto ay bigla namang nawala ang tunog. Pero may nakita siyang usok na nanggagaling sa cabinet. Hindi na siya nagdalawang-isip at binuksan na niya kaagad ang pinto ng cabinet. Nakita niyang umuusok ang itim na libro. Kinuha niya kaagad ito para apulahin ang apoy. At nang mapatay na niya ang apoy ay tumambad naman sa kanya ang isang larawan ng taong lobo. At hindi lang isang taong lobo ang nasa isang pahina ng libro. Halos mapuno ang harap at ang likod ng pahina ng itim na libro. "Ano kaya ang ibig sabihin nito?" Bulong niya sa kanyang sarili. Kung ganun karami ang taong lobo na nakaguhit sa libro, ang ibig lang ipahiwatig nito na ay ang sumpa na bumabalot sa mga taong lobo. Nang makita niya ang mga ito ay biglang nanindig ang kanyang balahibo. Napabalikwas lang siya sa kanyang pagkakatitig sa libro nang maamoy nito ang nasusunog na sinaing. "Ang sinaing ko!" Halos madapa pa siya ng takbuhin niya ang nasusunog niyang sinaing. Maswerte pa rin siya dahil ang ilalim lang ng sinaing niya ang nasunog. Napailing na lang siya ng makita nito ang sunog na sinaing. Pinatay na muna niya ang kalan at bumalik muna siya sa kwarto para alamin maigi ang tungkol sa mga taong lobo. Pagbalik niya ng kwarto ay wala na ang itim na libro sa sahig. Hinanap niya kaagad ito sa ilalim ng kama pero wala roon ang libro. Sinilip niya ang lahat ng pwedeng paglagyan ng libro. Nanulis pa ang nguso niya ng hindi niya makita ang libro. Pumunta siya sa cabinet at doon ay nakita niya ang itim na libro. Maayos na nakasalansan ito sa mga damit. Sadyang napaka misteryo talaga ng itim na libro. Napahimas na lang siya ng batok ng makita niya sa cabinet ang maayos na libro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD