Nang makita ni Tricia ang pagsenyas ng kaibigan sa kanya ay nagpaalam na muna ito sa kanyang ninang. "Ninang, okay lang po ba na mag-usap muna po kami ng kaibigan ko sa labas?" Tumango lang ang ginang sa sinabi ni Tricia. Habang palabas ng kwarto ang dalawa ay wala namang kurap na sinundan ng ginang si Mark. Napansin naman kaagad ni Mark ang masamang tingin ng ginang sa kanya. Hindi tuloy alam ni Mark kung itutuloy pa ba niya na sabihin sa ginang ang kanyang nalalaman. Paglabas ng kwarto ay nagtungo kaagad ang magkaibigan sa sala. Napabuntong-hininga si Mark habang paupo ito sa sofa. "Tricia?" "Ano ba 'yon, Mark? Bakit kailangan pa natin lumabas ng kwarto para mag-usap. Nakakahiya naman tuloy sa ninang ko. Baka kung ano isipin nun, ah!" "Nakita mo naman siguro ang reaksyon niya habang

