CHAPTER 34

3205 Words
Kaya kailangan ay may gawin siya bago mahuli ang lahat. Habang abang siya nang abang sa paglabas ng manager sa opisina ay panay naman ang tingin sa kanya ni Renzo. Halos hindi na niya maasikaso ang kanyang trabaho dahil sa kahihintay nito na lumabas ang manager sa pinto. At dahil sa pag-aabala niya sa paglabas nito ay hindi na niya napapansin na ang lahat ng mata ng tao sa loob ng restaurant ay nakatuon na sa kanya. Hindi na nakatiis si Renzo at nilapitan niyang muli ito. "Ano ba naman Mark, hindi ka na ba talaga kikilos diyan, ha?" "Renzo, importante ito!" "Alin ba ang importante na pinagsasabi mo riyan? Kanina ka pa kaya para ka ng sira ulo, alam ba 'yon." "Kapag nalaman mo ang totoo baka hindi ka maniwala sa akin." "Bakit hindi mo subukang sabihin sa akin. Para matulungan kita. Hindi tulad niyan halos hindi mo na maasikaso ang trabaho mo. Ano ba kasi 'yang importanteng bagay na bumabagabag sa'yo." "Malalaman mo rin. Pangako Renzo, malalaman mo rin." Napakamot na lang ng batok si Renzo sa inis sa kaibigan. "Ay naku ewan ko sa'yo, bahala ka na riyan!" Saka nito tinalikuran si Mark at iniwan na mag-isa. Habang konti na lang ang pumapasok na customer sa restaurant ay sinamantala naman ni Mark ang pagpasok sa opisina. Dahan-dahan niyang binubuksan ang pintuan ng opisina ng manager. At nang masilip niya ito ay namilog ang kanyang mga mata dahil kahit sa malayo ay naaaninag na niya kung anong curse ang bumabalot sa katawan ng manager. Para itong isang malaking alupihan na kung ikukumpara mo ay kasinglaki na ito ng isang sawa. Nakakapangilabot ng hitsura dahil sa dami ng paa nito. Halos hindi ito napapansin ng manager pero panay ang gapang nito sa dibdib patungo sa leeg ng manager. At kapag napapagawi ito sa leeg ng manager ay nahihirapan ito sa paghinga na animo'y sinasakal ito. Nagulat si Mark ng biglang gumapang ito papunta sa mukha paakyat sa ulo ng manager. Takot na takot si Mark habang nakikita niya ito na kung saan-saan gumagapang ang kahalintulad ng alupihan, pero nilalabanan niya ang kanyang takot alang-alang sa isang buhay na masasalba niya. Parang may isip ang higanteng alupihan dahil kada titigan siya ni Mark ay parang nanadya ito na pumupulupot sa leeg ng manager hanggang sa mahirapan na itong huminga. Hindi na kinaya ni Mark ang kanyang nakikita kaya binalak na niya itong pasukin at kalabanin kahit gaano pa ito kalaki. Pero nang akmang papasok na siya ay siya namang tawag ni Renzo sa kanya. "Mark! Anong ginagawa mo riyan? Tigas talaga ng ulo mo! Bumalik ka nga rito." Napapikit na lang si Mark dahil sa pang-iistorbo sa kanya ng kaibigan. At nang muli niya silipin ang malaking alupihan ay naglaho na naman ito sa kanyang paningin. Dahil nakabukas ang pinto ng opisina ay nakita tuloy siya ng manager. "Yes, Mark? What are you doing there?" "M-may itatanong lang po sana ako, sir. Kaya lang po ay nakita ko po kayong busy kaya isasara ko na po sana ang pinto. "What is it? You are wasting my precious time. Go back to work. And next time, huwag kang basta-basta na lang nagbubukas ng pinto na walang pahintulot ko. Do you understand? Mark, I said, do you understand?" "Opo, sorry po talaga, sir." Napabuntong-hininga si Mark habang hawak-hawak nito ang kanyang dibdib. "Muntik na ako roon, ah!" Sabi niya sa sarili. Lumapit na siya kay Renzo at humingi na ng tulong. Breaktime na kaya may isang oras pa sila para pag-usapan ang nangyayari sa kanya at sa manager. Halos hindi na makakain si Mark ng meryenda kaya si Renzo lang ang mag-isang kumain ng sandwich na pinabaon pa sa kanila ng ina ni Renzo. Kunot-noo na nagtanong si Renzo sa kaibigan. "Pwede mo na bang sabihin kung ano ba talaga ang ginagawa mo sa opisina ng manager kanina?" Hawak-hawak ang sintido saka ito nagsalita. "Renzo, may nakita na naman ako kanina?" "Ano na naman ba 'yang nakita mo?" Sabay ang pagkagat niya ng sandwich sa tanong nito kay Mark. Sabihin na nga kaya ni Mark kay Renzo ang patungkol sa kanyang nakita na curse sa nakapaloob sa katawan ng manager? Paniwalaan naman kaya siya ng kaibigan. Habang busy sa pagkain si Renzo ng sandwich ay pinag-iisipan naman ni Mark kung pwede na bang ikwento sa kaibigan ang ganung klase ng pangyayari. Paano niya sasabihin sa kaibigan ang totoo, kung hindi naman niya ito nakikita. Tanging siya lang naman ang pwede makakita ng mga curse. Hindi kaya siya pagtawanan ni Renzo kapag kinwento niya ito? Mga ilan lang 'yan sa mga bagay na hindi niya kaya ipagtapat sa kaibigan. Kung sa itim na libro nga ay takot na ito sa maaaring lumitaw roon. Ano pa kaya kung makita nito ng aktwal na curse na nagpapahirap ngayon sa manager nila. "O, ano na? Bakit hindi mo na sinagot ang tanong ko? Pakikinggan naman kita. Ngayon pa ba na alam ko na ang sikreto ng itim na libro." "Renzo, maaaring hindi mo ito maintindihan." "Bakit hindi mo ako subukan?" "Matagal pa ba ang out natin? May gusto kasi akong tingnan sa itim na libro." "Ha? Bakit naiwan mo ba sa bahay ang itim na libro? Hindi ba't lagi mo itong dala?" "Nakalimutan ko, eh." "Iyon lang. Akala ko pa naman lagi mo itong dala-dala." Sabay kamot ng ulo nito. Saka siya napaisip kung umuwi muna kaya siya para makuha ang itim na libro. Payagan kaya siya ng manager na umuwi. Kaso galit na sa kanya ang manager dahil sa kapalpakan na nagawa nito. Pero kailangan niya talagang malaman kung anong tamang spell ang magpapaalis sa curse na nakapaloob sa katawan ng manager. "Renzo, sa palagay mo kaya ay payagan ako ni manager na umuwi saglit?" "Ha? Bakit ka naman uuwi?" "Gusto ko lang sana makuha 'yung itim na libro. Doon ko kasi mahahanap ang kasagutan sa bumabalot na misteryo sa nakita ko sa opisina ng manager." "Malabo 'yang gusto mo mangyari lalo na ngayon na mainit ang mga mata sa'yo ni manager." "Oo nga eh." "Kung gusto mo talaga ay huwag ka ng magpaalam. Sa likod ka na lang dumaan para walang makakita sa'yo." Nakahanap ng ideya si Renzo para makauwi ang kaibigan. "Baka naman makita ako sa CCTV niyan, Renzo." "Hindi naman siguro. Iwasan mo na lang 'yung may mga bukas na CCTV. Hindi naman lahat ay nakabukas. Bilisan mo lang para hindi sila makahalata. "Sige, sige." Pagkatapos ay dali-dali silang nagtungo ng kusina. Sinilip muna ng dalawang magkaibigan kung may makakakita ba sa kanilang dalawa. At nang makita nila na malinis ang kusina at walang sagabal ay nakalabas si Mark ng matiwasay at walang kahirap-hirap. "Bilisan mo lang, ha?" Tumango lang si Mark saka siya tumakbo ng mabilis papalabas ng exit sa kusina. At nang may narinig si Renzo na papasok na ng kusina ay nagmamadali na itong lumabas na kunwari ay naghahanap ng baso. Pasipol-sipol pa ito ng lumabas ng kusina. Pagkatapos ay kumaripas na ito ng takbo papasok muli sa locker room. "Mark, bilisan mo lang. Kung hindi pareho tayong malalagot niyan kay Manager." Pabulong na sabi nito sa sarili. Bigla siyang natigilan ng maisip niyang baka umuwi na sa bahay si Mr. Lawrence, ang ama nito. "Pero hindi pa naman siguro," sa isip-isip niya. Palakad-lakad siya sa loob ng locker room. Kinakabahan din kasi siya kapag hinanap na naman ni manager si Mark. Hindi nito alam kung ano idadahilan niya. Habang si Renzo ay kabado sa pagpuslit ni Mark sa trabaho. Si Mark naman ay nakarating na ng bahay. Dahan-dahan pa siyang pumasok ng pinto. Pero nang hahawakan na niya ang doorknob ng pinto ay nagbukas na ito dahil papalabas naman si Mr. Lawrence. Nagkagulatan pa ang dalawa. "Mark? Anong ginagawa mo rito? Hindi ba't nasa trabaho kayo ni Renzo?" "Ay opo, may nakalimutan lang po ako. Babalik din po ako kaagad sa restaurant pagkatapos ko pong makuha ang kailangan ko po sa kwarto ni Renzo." "Ganun ba? Sige, kuhanin mo na at bumalik ka kaagad sa trabaho, ha?" "Sige po, salamat." Ang buong akala ni Mark ay pagagalitan siya ni Mr. Lawrence. Pero may palagay ito na alam na ng ama ni Renzo ang pakay ni Mark sa loob ng kwarto ng anak. Hindi lang ito nagpapahalata na alam niya dahil katabi nito ang asawa niya na ayaw na mapag-usapan pa ang tungkol sa itim na libro. At nang makuha na ito ni Mark ay diretso balik agad ito sa restaurant. Nagpaalam muna ito sa mag-asawa saka ito lumabas ng bahay. Saglit lang at nakabalik agad ito sa restaurant. Napabuntong-hininga naman ng malalim si Renzo nang makita na nito ang kaibigan na nakabalik na ng restaurant na walang naging bulilyaso. Kinawayan ni Renzo si Mark para dumiretso ito sa locker room. May sampung minuto pa ang natitira bago sila bumalik sa trabaho. "Mabuti naman at nakabalik ka kaagad? Nandun na ba sa bahay si papa?" "Oo. Hindi naman na siya nagtanong marahil ay alam na niya kung ano ang pakay ko sa kwarto mo." Tumingin sila sa orasan. Pitong minuto na lang. Matiyagang hinanap ni Mark ang tamang spell sa pagpapatalsik ng curse na nakita nito sa opisina. Habang sa underworld naman ay napatayo sa kanyang trono si Demon Lord, nang makita nito ang itim na libro na tangan-tangan ni Mark. "Matalino ka talagang bata ka! Kaya tama lang na ikaw ang pumalit sa pwesto ko." Habang pinagmamasdan niya ang ginagawa ni Mark sa ibabaw ng lupa ay wala itong magawa kung hindi ang tumawa. "Kaawa-awang bata, walang kamalay-malay na kahit na anong gawin niyang pagpapataboy sa nilagay ko sa matanda na 'yan ay sa katawan pa rin niya ang tuloy ng curse na 'yan." "Sige lang, Mark, mag marunong ka pa para sa loob ng apat na taon ay pwede mo na akong palitan sa aking trono." Bumalik ito sa kanyang trono at tumawa nang tumawa. Habang si Demon Lord ay tuwang-tuwa sa ginagawa ni Mark. Si Renzo at si Mark naman ay nag-iisip na ng paraan kung paano ang gagawin sa sinasabi ni Mark. "Bilisan mo riyan, Mark. Hindi mo pa ba makita kung ano ang hinahanap mo sa itim na libro?" "Teka lang, huwag mo nga akong madaliin. Ang dami ng abo sa libro kaya hindi ko na masyado maaninag kung ano 'yung nakita ko sa loob ng opisina." "Dalawang minuto na lang. Sige na, mauna na ako sa'yo. Sumunod ka na lang." "Sige. Mauna ka na sa loob." Eksakto naman paglabas ni Renzo ay nakita na ni Mark kung ano 'yung curse na 'yon at kung ano ang pangontra roon. "Gotcha!" Nang malaman na niya ang kasagutan ay binalik na muna nito ang itim na libro sa kanyang bag. Saka siya lumabas ng locker room. Palinga-linga pa siya bago ito lumabas ng pinto. Katapat lamang ng locker room ang opisina ng manager. Kaya bago bumalik si Mark sa loob ay muli niyang sinilip ang manager. Swerte naman siya dahil may konting awang ang pinto kaya nasilip niya ito ng hindi namamalayan ng manager. Pilit niyang pinapaliit ang kanyang mata dahil hindi niya masyadong makita ang kabuuan ng opisina. Nagulat ito ng kalabitin siya sa likod ni Renzo. Pabulong itong nagsalita sa kanya. "Hindi ka ba talaga titigil diyan?" "Ito naman. Alam mo malapit na akong magkasakit sa puso dahil sa ginagawa mong panggugulat sa akin." "Kapag nagkasakit ka, ikaw ang may kasalanan at hindi ako. Tara na!" "Oo na, oo na, halika na nga! Istorbo ka talaga sa buhay ko, eh." "Ako pa talaga, 'no!" "Sino pa ba?" Hanggang sa makabalik ito sa loob ay walang ginawa ang dalawa kung hindi ang magtalo. Habang naglalakad sila pabalik sa counter ay may nakita si Mark na umiilaw sa likod ng isang batang babae. Kaagad niya itong nilapitan para makasiguro kung curse ba 'yon o ilaw lang na nasa likuran ng bata. Kumuha siya ng order slip para siya na ang makalapit at kumuha ng order ng kasama ng mga batang babae. "Good afternoon. Ma'am, may I take your order?" Sinabi naman kaagad ng ginang ang nais nilang orderin. Habang si Mark ay panay ang tingin sa bag ng batang babae. Hindi niya masyadong makita ang nasa loob nun. Maaaring laruan lang 'yon na may battery kaya siguro umiilaw. Nagkunwari siyang nahulog ang ballpen sa likuran ng batang babae para mahawakan nito ang bag ng bata. Nang madampi ang kamay niya sa bag ay may kakaibang init siyang naramdaman mula sa loob ng bag. At nang masyado na siyang matagal sa likuran ng bata ay inusisa na siya nito. "Kuya, bakit po ang tagal-tagal niyo riyan sa likod ko? Nahanap niyo na po ba ang ballpen mo?" Nang mapatingin siya sa bata ay kaagad na napaatras si Mark sa kanyang nakita. Namumula ang mga mata nito na animo'y bulkan na bumubuga ng apoy. Nagulat naman ang mag-ina ng makita nila na takot na takot na umaatras si Mark palayo sa batang babae. "May problema ba, hijo?" "W-wala po, ma'am. Pasensya na po. Nahilo lang po ako siguro." Pagsisinungaling nito sa ginang saka ito tumayo at dali-daling lumayo sa lamesa ng batang babae. Sa taranta ni Mark ay muntik na niyang makabig ang dala-dalang tray ni Renzo. "Uy Mark, mag-ingat ka nga!" "Bilisan mo magserve may sasabihin ako sa'yo." "Sige, sandali lang." Minadali naman kaagad ni Renzo na maibaba ang pagkain na laman ng tray at inilapag ito isa-isa sa lamesa. Pagkatapos niya mailapag ang pagkain ay nagtungo na ito kung saan naroon si Mark. Hindi sila pwedeng magpahalata na nag-uusap kaya pabulong lang sila kung mag-usap. "Ano na naman ba 'yung nakita mo kanina?" Palinga-linga si Renzo sa paligid para walang makahalata na nag-uusap sila. "Hindi ka maniniwala sa nakita ko. Muli akong nakaramdam ng takot ng makita ko ang mga mata ng batang babae." "Bakit ano mayroon sa mata ng bata?" "Pulang-pula ang mga mata niya na parang nagliliyab." "Ha? Seryoso ka ba sa sinasabi mo?" "Oo nga, ano ka ba naman aatras ba naman ako ng ganun kung hindi ako nagsasabi ng totoo." Muling nahinto ang kanilang pag-uusap ng tinawag ng customer si Renzo. Si Mark naman ay nakatitig lamang sa lamesa ng mag-iina. At nang tumunog na ang bell na nagmula sa kusina ay kinuha na ni Mark ang tray. Nang makita nito ang table number. Ay kaagad nitong tinawag ang isa niyang kasamahan para pakiusapan na siya na muna ang mag-abot ng order na dapat siya ang magdadala. Mabuti na lang at mababait ang mga kasamahan nila sa restaurant. Halos nanginginig pa ang katawan niya kaya hindi niya pa kayang balikan ang lamesa kung saan naroon ang batang babae. Natigilan siya ng may biglang nagsalita sa kanyang likuran. Pamilyar ang boses na 'yun kaya napabuntong-hininga muna ito bago humarap sa kumausap sa kanya. Nakapikit pa ito ng humarap na siya sa taong nasa likuran niya. Pagdilat ng kanyang mga mata ay laking gulat niya ng makita niyang wala namang katao-tao sa likod niya. Niligid niya ang kanyang mata sa kabuuan ng restaurant at halos ang mga kasamahan lang nito ang nasa harapan niya. At mula sa kinatatayuan niya ay sinilip niya kung nakabukas na ba ang pinto ng manager. Ngunit, saradong-sarado pa rin ito. Pero imposible dahil dinig na dinig nito na tinawag ang pangalan niya ng manager. At ramdam niya ang hininga nito ng mapalapit ito sa tenga niya. Nang matapos si Renzo sa pagkuha ng order ay muli itong lumapit kay Mark. "Ituloy mo na ang kwento mo." Iniba ni Mark ang kwento. Nagtanong muna ito sa kaibigan. "Nakita mo na ba na lumabas si manager?" "Hindi ko pa nga siya napapansin na lumabas mula kanina. Baka nasa opisina pa rin siya hanggang ngayon. Bakit mo naman naitanong?" "Para kasing tinawag niya ang pangalan ko. Pero halos malapit lang sa tenga ko ang tawag niya." "Alam mo ikaw, ha! Kailan lang tayo nagkakilala pero parang ang dami-dami ng nangyayari sa'yo. Parang natatakot na akong dumikit sa'yo." Tiningnan siya ni Mark ng masama dahil sa tinuran nito. Lumayo naman si Renzo sa kanya dahil sa masamang tingin na naman nito. "Ano ba ang akala mo sa akin, mangkukulam?" "Ikaw nagsabi n'yan. Totoo naman, hindi ba? Sabihin mong hindi. Ang dami na kayang nangyayari sa'yo na kakaiba na napakahirap ipaliwanag." "Pansin mo pala 'yon." "Oo naman. O, teka may customer. Kumilos-kilos ka rin dyan. Baka makita ka na naman ni manager na walang ginagawa." "Oo." Pero hindi siya natinag sa kanyang pwesto. Sa halip ay hindi niya inaalis ang tingin sa batang babae. Habang titig na titig siya sa batang babae ay muli niyang narinig ang pamilyar na boses na tumatawag ng kanyang pangalan. Hindi ito pumikit bagkus ay dali-dali siyang lumingon sa kanyang likuran. Pero ganun ulit ang nangyari. Naglakas na siya ng loob na puntahan ang opisina ng manager. Habang patungo ito sa opisina ay sinusundan naman siya ng tingin ni Renzo. "Ang tigas talaga ng ulo ng taong ito. Bahala ka nga riyan!" Bulong ni Renzo sa kanyang sarili habang sinusundan pa rin niya ng tingin si Mark. Umiling-iling na lang ito dahil sa kakulitan at katigasan ng ulo ng kaibigan. Nagulat si Renzo nang kalabitin siya ng batang babae na kinukwento sa kanya ni Mark. Tiningnan naman nito ang mata ng bata pero hindi naman ito namumula gaya ng kwento ni Mark. "Yes? May kailangan ka?" "Opo. Saan po ang banyo?" Itinuro naman kaagad ni Renzo sa bata. Sasamahan na lang niya sana ito ng bigla naman siyang tawagin ng isang customer. Kaya naiwan niyang mag-isa na pumunta ang bata sa comfort room. At dahil bata nga ito ay may kakulitan din ito. Imbes na pumunta sa comfort room ay pinuntahan nito kung nasaan naroon din si Mark. Kinakalabit siya ng batang babae, pero hindi nito pinapansin ang bata dahil abala ito sa pagsilip sa pintuan ng opisina. "Kuya!" "Ano ba naman huwag ka ngang magulo riyan." At nang hindi siya pinansin ni Mark ay bigla itong nagsalita ng ibang lengwahe. Kinabahan si Mark sa kanyang narinig dahil hindi boses ng bata ang kanyang narinig kung hindi boses ni Demon Lord. Bigla itong napatingin sa kinatatayuan ng bata. Mula rin sa kanyang kinatatayuan ay hindi niya maikilos ang kanyang mga paa marahil ay sa sobrang takot nito sa bata. Muli niyang nakita ang pagliyab ng mga mata ng batang babae. Nais na niyang sumigaw at tawagin si Renzo pero hindi nito magawa dahil walang lumalabas na boses sa kanyang bibig dahil sa sobrang nerbyos nito. Parang may kung anong pwersa ang pumipigil sa kanya para makatawag ng pansin. Sabay sa pagliyab ng mga mata ng batang babae ay siyang namang bukas ng pinto ng opisina ng manager. Mula sa pinto ay kitang-kita niya ang paglabas-masok ng malaking alupihan sa katawan ng kanyang manager. Gusto niyang ituro ang kanyang nakikita ngunit hindi ito makakilos. Nang iangat ng manager ang kanyang mukha ay tumatawa na ito kasabay ng pag-apoy ng buong mukha nito. Nanlaki ang mga mata ni Mark sa kanyang nasaksihan. Naalala niyang bigla ang sinabi sa kanya ng Demon Lord na kung gusto niyang magtagumpay ay kailangan makuha niya ang lahat ng curse at kailangan ma-sealed ito sa kanyang katawan. Sa pamamagitan nun ay madaragdagan ang kanyang lakas para malabanan niya ang Demon Lord.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD