Ilang segundo rin siyang napako lang doon sa kinatatayuan niya bago napansin ni Melanie ang kanyang presensya na nakatagilid ang pwesto ng pagkakaupo. Kaagad itong tumayo at nakangiting tinawag ang pangalan niya habang si Luis naman ay nanatili sa pagkakaupo bagaman at saglit itong lumingon sa kanya. "Dianne! What a surprise. Halika, pasok." Sinenyasan siya nitong lumapit sa mga ito. Dahan-dahan ang ginawa niyang paghakbang habang sa labi ay ipinaskil ang isang pilit na ngiti. "Hi. Ipinahatid ni Aling Celing." Iniangat niya ang brasong may bitbit na thermal bag. "Merienda niyo daw." "Wow. Nana Celing is so sweet. Hindi ba, Luis?" Lumakad si Melanie pasalubong sa kanya at kinuha ang bitbit niyang bag pagkarating na pagkarating niya sa may lamesa. Si Luis ay muling ibinalik ang atensyon

