"Good morning, girlfriend." Pagdaan niya papasok sa kwarto nina Mayor Ignacio ay wika ni Luis sa malakas na boses. Nasa may pintuan ito at palabas ng dumating siya. Sa mag-asawa napako ang mga mata niya na nakatingin sa kanilang dalawa kaya sinenyasan niya itong huwag maingay at nilagpasan niya. "Good morning po, Mayor. Good morning po, Ma'am Ignacio." Bati niya sa mga ito at inilapag ang dalang kit para sa blood pressure monitoring ng ginoo. Pasimple niyang liningon ang pintuan at nakita niyang naroon pa rin ang binata. Nang magtagpo ang mga mata nila ay ikinaway nito ang isang kamay bago tumalikod paalis. "Our son really like you, Dianne." Wika ni Misis Ignacio na nakaupo kaharap ng ginoo sa may lamesa. "Excited na akong matawag mong 'Ma sa halip na Ma'am. Are you not ready to marry ye

