CHAPTER THIRTY THREE

2696 Words
Dalawang araw ang lumipas at katulad ng inaasahan ay dumating nga si Melanie galing Maynila. Tila mas gumanda pa yata ito lalo nang makita niya pagkarating makaraan itong sunduin ni Luis sa airport. Kahit nakasuot lang ito ng blue jeans at puting blouse na tinirnuhan ng puting rubber shoes ay kapansin-pansin pa rin ang angking ganda nito kaya hindi kataka-taka ang tuwa sa mukha ng binata nang ipinakilala nito si Melanie sa magulang nito at sa iba pa nilang kasama. Para itong proud boyfriend kung umasta na hindi nagmintis na magbigay ng pinong kurot sa puso niya simula pa lang ng dumating ang mga ito. Hindi sinabi sa kanila ni Luis kung gaano katagal na mananatili ang bisita nito sa bahay na iyon pero may hinuha siyang matagal-tagal siguro dahil sa dalawang maletang dala nito na may kasama pang isang medyo maliit na bag. Katulong si Kuya Diego at Ate Mercy ay naipanhik nila ang gamit nito sa kwartong katabi ng kay Luis na maya-maya naman ay humabol sa kanila. Inilagay lang nila ang mga gamit sa pagpasok lang ng pinto ng kwarto at pagkatapos ay lumabas na rin sila kaagad. Doon sila naabutan ng binata. "Salamat, Kuya Diego, Ate." Baling nito sa dalawa. "Sige po, una na ho kayo sa baba at may sasabihin ho ako kay Dianne." Nang makalayo ang dalawa ay kunot-noong binalingan siya nito. "Didn't I ask you to always be with Papa? Kung saan-saan ka na naman pumunta." "Tumulong lang ako, okay? Ano namang masama doon?" "Gusto mong tumulong? Fine. Sige." Tumingin ito sa baba sa may bahagi ng sala kung saan ay kausap ng magulang nito si Melanie. "Tulungan mo si Melanie. Gusto ng Mama na magkaroon ng party and Melanie volunteered to organize but then, she will still need some help kaya tulungan mo siya. Next Friday na 'yun." "Teka lang. Anong maitutulong ko doon? Party? Anong alam ko sa party?" Mataas ang boses na tanong niya. "Gusto mong may ginagawa di ba? Ayan. Kayo ang mag-usap kung anong gagawin niyo." "Ayoko." Tanggi niya. Gagawin pa siyang yaya ng Melanie nito? "Nurse ako. Hindi ako yaya." Bulong niya na umabot pala sa pandinig nito. "So, ngayon tatanggi ka?" Tumaas ang kilay nito. "Remember our verbal agreement? The assistance that I'm talking about? This is one of those. Assist her with everything she needs for the party and while she's here." "Okay." Tumango siya. Ang dibdib niya ay namimigat na parang may dumadagan doon. Pabigat iyon ng pabigat. "Sabi mo eh." Naninigurado ang tingin na ibinigay nito sa kanya. "Sure? Hindi ka na kontra?" Baka magamit niya rin ang pagsunod niya rito ng walang angal sa susunod na pagkakataon na nagpaalam siyang makauwi sa kabilang barangay. Baka. "Oo. Sino ba naman ako para tumanggi 'di ba?" Muli itong tumingin sa baba kung saan nakita niyang kumakaway na sa kanila si Melanie na parang pinapababa na ang binata. Kumaway rin dito pabalik si Luis pero binalingan muli siya. "Salamat." Ani nito at bago tuluyang tumalikod ay ginulo muna ang buhok niya. Nakailang segundo siyang nakatingin lang sa likod nito habang pababa ito ng hagdanan. Bakit kasi ang hilig nitong ipaalala sa kanya ang mga ginagawa nito noon na nagbibigay lang tuloy ng kurot sa puso niya. Pumunta siya sa bago niyang silid at doon ay maghintay hanggang sa oras na kailangan niyang i-monitor ang BP ni Mayor Ignacio. ..... "Your house is so lovely." Habang kumakain ay bulalas na naman ni Melanie na hindi na yata nagsawa sa pagsasalita. Kausap nito ang mama ni Luis na nasa pangatlong upuan mula dito habang sa pagitan ng mga ito ay doon nakaupo si Luis. "Sobrang marami po akong kwentong naririnig tungkol sa inyo at sa mga kasama niyo po dito mula kay Luis." "At sana'y magagandang kwento ang narinig mo, hija." "Opo. Everyone is just kind and helpful just like how Luis said." At pagkatapos ay tumingin ito sa kanya na noon ay nakaupo sa upuang katabi ni Mayor. Bale may isang upuan sa pagitan nilang dalawa ni Melanie. "And beautiful, of course." "How nice of you, hija. But of course, I agree with you. Our Dianne here is just so beautiful. 'Di ba anak?" Baling ni Misis Ignacio kay Luis na halos katapat niya ng upuan. Bakit sa kanya napunta ang usapan? Nadampot niya ng wala sa oras ang baso ng tubig at nilagok ang laman niyon. "Ma, Melanie. Kumain na kayo. Hindi komportable ang pinag-uusapan niyo." Saway ng binata sa dalawang nag-uusap pagkatapos tumingin sa kanya. Sabi na kasi niyang kina Aling Celing siya sasabay kumain pero mapipilit ang mga ito. Ngayon tuloy ay para siyang ibon na paunti-unti ang kuha ng pagkain kahit gutom na siya. "Pero totoo naman ang sabi ko ah." Ngiti ng ginang. "Dianne is so beautiful. She is like a daughter to me, Melanie." Mabini siyang ngumiti sa ginang. Si Mayor naman ay nakitaan niyang ngumiti rin nang mapatingin siya rito pero si Luis ay hindi man lang niya kinakitaan ng pagbabago sa hitsura. Hindi man lang ba ito nagandahan sa kanya kahit kaunti? Pagtingin niya rito ay nahuli niyang nakapako ang mga mata nito kay Melanie kaya kaagad din siyang nagbaba ng tingin. Bakit pati iyon ay nagbigay ng pinong kurot sa puso niya? "Anyone would be lucky to have you as family, Tita." Ani ni Melanie. "Baka pwede rin po ako mag-stay dito ng matagal?" Dagdag na biro nito. "Oo ba. Kahit forever ka pa dito." Bulalas nito na ikinatawa ng kausap. Muli itong tiningnan ni Luis pero hindi ito nagpatinag. "That's the plan Tita, kaya dalawang maleta ang dala ko." Nagtawanan ang mga ito. "Opo nga pala, may mga dala po akong pasalubong sa bagahe ko. Later ko na lang po ia-abot sa inyo. At Dianne, pwede magpatulong sa taas mamaya? Iaayos ko sana yung mga dala ko." Bahagya siyang ngumiti. "Sige po. Wala pong problema." "Oh no, please. No need to be so formal. Hindi naman yata nagkakalayo ang edad natin. Just Melanie. No po and opo." "Sige." Pagkatapos nilang magtanghalian ay sinamahan niya si Melanie sa pag-akyat nito sa kwarto at doon ay magkatulong nilang inilabas ang mga damit nito sa maleta. Nang buksan nito ang maliit na bag ay may inilabas itong pasalubong raw para sa kanila. Nakalagay ang mga iyon sa magkakaibang lagayan na may mga pangalan nilang lahat. "Pabigay na lang din sa iba." Tumango siya at inilagay sa gilid ang mga iyon pagkatapos ay magkatulong nilang hinarap ang pagtutupi sa mga damit. "Are you happy living here?" Sa gitna ng kanyang konsentrasyon ay tanong ni Melanie na hindi nag-aangat ng tingin. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin ito nakakapag-bihis ng suot nito. Naka-indian sit sila pareho sa magkabilang dulo ng kama habang sa gitna nila ay naroon ang tumpok ng mga damit. "Oo." "That's good. Ganoon naman talaga 'di ba? Kung saan man tayo naroon ay dapat masaya tayo?" Hindi niya alam kung masyado lang siyang nag-iisip pero may nahimigan siyang lungkot sa sinabi nitong iyon. Mahina niya itong tinanguan. "Hindi ka ganoon kadaldal, no?" Natatawa nitong tanong kaya tumigil siya at tumingin dito. Maganda talaga ito sa maiksi nitong buhok na mas lalong nagpaliit sa mukha nito. "Hindi ko ma-picture na magkaibigan kayo ni Luis kung pareho kayo. He is not that talkative din eh. Ako nga ang unang lumapit sa taong iyon para lang kausapin ako and girl, I'm telling you, it's not easy befriending him. He's a total snob." Hindi siya nagsalita at hinayaan lang ito. "I first met him during pre-law. First day of class nakita ko na siya. Nasa isang sulok walang kasama. Well, lahat naman kami ganoon but at the end of our first day, iyong iba may mga best friend na tapos siya wala man lang kinausap kahit isa. The next day ganoon pa din at yung mga sumunod. Inilapag nito ang itinutupi at itinukod ang dalawang braso sa may likod nito. "Umabot ng ilang weeks ang pagmamasid ko sa kanya hanggang sa nag-decide na akong kausapin yung mokong. Paano ay laging mag-isa. Naaawa na ako. Paunti-unti ayun, kinausap rin ako. Now, We are even more than best friends." Ang mga salitang iyon ay tumino sa isipan niya na tumagos hanggang sa kanyang puso. More than best friends. Oras na ba para umiyak ang puso niya? Tumaas-baba ang kilay nito sa kanya na parang naghihintay ng kanyang sasabihin kaya ikinunot niya ang noo. "It's okay. If you don't want to say anything." Muli itong nagtupi pagkatapos ipagpag ang hawak na damit. "Anyways, ayun nga. Lagi na kaming magkasama. Noong nag-eighteen ako at pinayagang magkaroon ng sarili kong apartment, pumupunta siya sa apartment ko minsan and we will just spend the hours together. Sometimes reading our lessons, sometimes watching movies, sometimes just doing nothing. Boto na nga doon ang parents ko eh." Ayun na. Oras na nga para sa pagluha ng kanyang puso. Hindi man niya gustuhing bigyan ng malaking pansin ang mga sinasabi nito ay nanunuot naman ang mga iyon sa kasulok-sulukan ng utak niya. Kung ano-ano ang naglalaro sa isip niya tungkol sa pagkakasama ng dalawa. Nararamdaman niyang bahagya ng nanginginig ang dalawang kamay sa kanyang ginagawang pagtutupi. Muli itong nagpagpag ng damit kaya parang nagpasukan sa ilong niya ang mga alikabok. Suminghot siya. Mabuti ng akalain nito na dahil sa alikabok ang pagluluha niya. "By the way he was there when my first relationship ended. The bastard flee to the U.S. without saying goodbye to me. I've waited for him but he didn't even contacted me and I realized, men are just like that so I shifted my gaze, if you know what I mean?" Tumingin ito ng nagtatanong sa kanya na kinilingan niya ng ulo. Hindi niya makuha ang ibig sabihin nito. Wala sa loob na hinawakan niya ang tungki ng ilong na parang mababahing. Noong nakaraang araw pa niya napapansin na panay ang bahing niya na bunga siguro sa kakulangan niya ng tulog. Paano ay lagi niyang naiisip kung ano ang dahilan ng paiba-ibang ugali ni Luis sa kanya kaya madaling araw na siya minsan dinadapuan ng antok gayunpaman ay may iba pang dahilan ang pagkakaganoon niya sa oras na iyon. "Hindi ka ba nagkagusto sa iba pagkaalis niya?" Tanong nito na ikinagulat niya. "Ha?" "Kung ganoon ay wala nga?" Nagliwanag ang mukha nito. "My... you are one of a kind. Naintindihan ko na ngayon and perhaps kung katulad ni Luis yung first relationship ko, baka hinintay ko talaga siya because this guy is so sweet." Ani nito na sinamahan ng buntung-hininga. Tumayo siya ng mapansing naihiwalay na nito ang mga iha-hanger sa mga naitupi nila. Iyon rin ang kanyang paraan upang itago rito ang kanyang pagpipigil sa luhang kanina pa gustong tumulo. Pa-sikreto niyang pinunas ang mga iyon gamit ang kanyang palad. Hinila niya ang dalawang maletang wala ng laman sa gilid ng cabinet na katulad ng sa kanya ay nakapwesto rin sa may paanan ng kama. "Iaakyat ko lang ito sa taas ng cabinet." "Opps, wait. Mataas yan baka mahulugan ka." Nag-aalalang wika nito. "Tulungan kaya kita tuloy." "Huwag na. Kaya ko na 'to." Pigil niya rito na hindi lumilingon at iniangat ang isa. Kung mahuhulugan man siya ng maleta ay mayroon siyang excuse kahit papaano upang pumalahaw ng iyak. Dahil walang tuntungan ay natagalan siya sa pagtingkayad upang mailagay sa itaas ng cabinet ang unang maleta pero sa paunti-unting galaw ay naitulak naman niya iyon sa pinakagitna. Nanginginig sa pagod ang mga braso niya ng ibaba niya ang mga iyon upang mapahinga. "Hintayin mo na lang kaya si Luis sa isang yan. Baka malaglagan ka." Sa tingin naman niya ay totoo ang concern na narinig niya sa boses nito kaya ngumiti siya rito. "Hayaan mo na. Ibinilin kasi sa akin na tulungan kang mag-ayos kaya tapusin nalang natin." Nang maipahinga ang mga braso ay dinampot naman niya ang isa pa upang ipatong sa nauna. Kung kanina ay tumingkayad siya ngayon naman ay kinailangan pa niyang tumalon-talon upang mai-usog lang pagitna ang maletang hawak. "Careful, Dianne." Nadinig niya ito sa may bandang likod niya. Sa kanyang muling pagtalon ay napalakas ang tulak niya sa maleta kaya sa halip na mapirmi ito sa pinakagitna ay bumangga ito sa may pader at bumalik papunta sa kanya. Hindi niya ito naagapan at nakita na lang niyang pabagsak na ito sa uluhan niya pagkalanding ng mga paa niya sa sahig. Umakto siyang sasaluhin iyon kahit itinatago niya ang mukha upang maiwasan ang direktang tama roon pero lumipas na ang ilang segundo ay wala pa rin siyang nararamdamang bumabagsak sa kanya. Pag-angat niya ng mukha ay itinutulak na iyon ng isang pares ng braso na ang may-ari ay nasa likuran niya. Si Luis na hindi niya namalayang nakapasok roon. Tila siya napaso sa pagkakadaiti nito sa likuran niya gayunpaman ay hindi siya nakakilos kaagad sa takot na mabagsakan silang dalawa ng maletang inuusog nito. Kahit ang dalawang braso niya ay nanatili lang na nakataas. Nakahinga lang siya ng maluwag ng makitang pirmanente na sa itaas ang dalawang maleta at hindi na iyon umuuga-uga. Pagbaba niya ng mga braso ay bahagya siyang lumayo rito pero naipatong kaagad nito sa ulo niya ang isang kamay at pinihit siya paharap. "Nasaktan ka ba?" Nag-aalalang tanong nito kaya umiling siya pero nang muling magsalita ito ay nag-iba na ng tono. "Anong sabi ko? You're still accident prone kaya huwag kung ano-ano ang ginagawa mo. Paano kung di kita naabutan e di nabagsakan ka na ng maletang 'yun. Go to your room." "Pero di pa-" Naputol ang anumang idudugtong pa niya ng dumiin ang hawak nito sa ulo niya. Kumunot din ang noo nito kaya napagtakip niya ang bibig na noon ay alam niyang namumutla. Pilit niyang inaalis ang kamay nito sa ulo niya pero hindi nito iyon inalis kaya napatingin na siya kay Melanie. Nakatayo lang ito malapit sa bintana at nakatingin sa kanila. "Sige na, aalis na ako. Bitaw na." Bumitaw ito sa kanya kaya lumakad na siya palabas ng pinto pero nang makalabas siya ay humabol ito at muling ipinatong ang palad sa ulo niya. Naiinis namang tinabig niya iyon pero hindi ito nagpatinag. "Ihahatid na kita dahil baka kung saan-saan ka pa pumunta." "Ano ako bata?" Nang hindi niya matanggal ang braso nito ay tanong niya. "Lakad na. Kung ayaw mong magtagal dito." Nagmamartsa ang mga paang tinungo nila ang bago niyang silid. Saka lang nito tinanggal ang kamay nito nang makapasok na siya sa pintuan niyon. "Natakot ka? Namumutla ka pa din o." Pigil nito ang pintuan na noon ay isasara na sana niya. Pinakiramdaman niya ang sarili. Mas kinakabahan siya sa presensiya nito. "Kinabahan ako siyempre pero maya-maya ay wala na ito. Iinuman ko lang 'to ng tubig." "May tubig ka diyan?" Tumingin ito sa loob na natatakpan niya. "Meron... yata." Aniya kahit alam niyang wala. Kailangan pa niyang bumaba para kumuha ng maiinom. "I know what you're thinking. Bababa ka pa para kumuha ng tubig." Nginisihan niya ito. "Psychic ka na rin pala. Sige na, balikan mo na si Melanie baka hinahanap ka na 'nun." Nilakasan niya ang tulak ng pintuan upang magsara pero sa kaunting tulak nito ay muli iyong bumukas ng malaki at pumasok ito. "I know something na magpapabalik sa kulay mo." Ani nito sabay sara sa pinto sa likod nito pagkatapos ay inilang hakbang lang ang pagitan nila at hinawakan siya sa magkabilang balikat niya. Nanlaki ang mga mata niya sa naisip na gagawin nito. "Ito." Dahan-dahang bumaba ang mukha nito sa kanya hanggang sa dumampi ang labi nito sa kanya. Tila siya na-estatwa sa kinatatayuan at awtomatikong uminit ang pakiramdam niya. Ang kaninang dilat na dilat na mata ay napapikit rin katulad ng kay Luis at pakiramdam niya'y nawalan ng lakas ang mga tuhod niya. Kung ang unang halik nito sa kanya ay dampi at saglit lang, sa pagkakataong iyon ay mas tumagal ang halik ng ilang segundo at medyo namasa ang labi niya ng tumigil ito. "Ayan." Natutuwa nitong wika nang tingnan siya. "May kulay ka na ulit." Pagkatapos niyon ay lumabas na ito ng silid na parang wala lang nangyari habang siya ay tila estatwa pa rin sa kinatatayuan kahit ilang minuto na ang lumipas. .....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD