CHAPTER TWENTY-TWO

2519 Words
Pagkarating na pagkarating nila ni Jez sa tahanan ng mga Ignacio ay sumalubong sa kanila sa baba ng hagdanan ang ginang ng butihing mayor na bahagya lang tumingin sa kasama niya bago siya sinalubong ng yakap. "Isinabay po ako ni Jez papunta rito kasi wala ho akong masakyang bus." Paliwanag niya kahit hindi pa ito nagtatanong. Alam niya kasing sa klase ng tingin nito ay nangangailangan ito ng paliwanag. "A ganoon ba?" Bumaling ito kay Jez. "Salamat, hijo. Mabuti at nakapunta ka rin dito." "Walang anuman po. Kumusta po si Mayor?" Sagot ni Jez dito. Luminga ito sa itaas ng hagdanan bago ito sumagot. "Maayos naman daw ang pakiramdam niya pero alam kong hindi pa talaga siya okay. Matigas lang talaga ang ulo niyon sa pagpunta sa hospital." "Nasaan po siya?" Tanong niya rito at tumingin rin sa taas ng hagdan. "Nandoon sa kwarto namin. Akyatin mo." Tumalima siya sa ginang at tinakbo ang hagdanan paakyat. Pagtapat niya sa pintuan ng kwarto ng mga ito ay kumatok muna siya bago pinihit ang seradura. Nakaupo ang ginoo sa gilid ng kama at sa isang tainga nito ay nakatapat ang cellphone habang may kausap sa kabilang linya. Ngumiti ito pagkakita sa kanya. "Nandito ka na pala, hija. Kakarating mo lang ba?" "Opo." Bagama't ngumiti siya dito pabalik ay nag-aalala naman siya sa kalagayan nito. Ang madalas na pagsakit ng ulo nito dahil sa alta-presyon ay posibleng magdulot ng mas malalang problema sa mga ugat nito sa ulo na siyang iniiwasan nilang mangyari kaya todo monitor ang doktor dito. Lumakad siya palapit dito at dinama ang noo ng ginoo bago siya umupo sa upuang nasa harap at dinama ang pulso. "Nandito na siya." Ani nito sa kausap sa telepono. Upang hindi maka-istorbo ay tiningnan niya lang ito ng patanong na sinagot naman nito ng pag-senyas sa kanya. Nang hindi niya iyon maintindihan ay nilakasan nito ang pagsasalita. "Si Luis ito. Kausapin mo." Iniumang nito sa kanya ang telepono sa gulat niya. "Sige na. Kausapin mo muna." Alanganing kinuha niya ang cellphone mula dito at itinapat iyon sa tainga niya pero hindi siya agad nagsalita. "Hello?" Tanong ng baritonong boses nito sa kabilang linya. Biglang kumabog ang dibdib niya. Iyon ang muling pagkakataon na narinig niya ulit ang boses nito simula ng mapunta ito ng Maynila. "Dianne?" "O-opo?" Dahil naroon ang ama nito at nakamasid sa kanya kaya napilitan siyang ma-mopo rito. "Kumusta ang Papa?" Seryoso nitong tanong sa kanya. Pasimple niyang inalis ang bara sa lalamunan niya bago siya sumagot. "Sa ngayon ay hindi naman mainit ang balat niya, ibig sabihin ay wala siyang lagnat pero hindi pa dumadating ang doktor kaya hindi ko pa masasabi kung anong kalagayan niya." Huminga ito ng malalim. "Kakarating mo lang?" "Opo." "Galing ka sa duty mo?" "Opo." "May duty ka mamaya?" "Wala po." Muli itong huminga ng malalim at masungit siyang pinagsabihan. "Isang tanong isang sagot ka yata ngayon." Hindi niya ito sinagot roon. Dahil nakatingin pa rin si Mayor ay ngumiti siya ng pilit. "After all those years na hindi ka tumawag sa akin ay isang tanong isang sagot ka lang?" "Ano pong sasabihin ko?" Tanong niya. "I don't know. Anything." "Tanungin niyo nalang ho ang doktor kapag narito na siya. Malapit na rin iyon." Pag-iiba niya ng usapan nila. Ano ang posible niyang sabihin dito samantalang nakatingin ang ama nito sa kanya? Ipa-bitay pa siya ni mayor kapag sumagot siya sa anak nito ng pabalang. "I told you not to ask help from Jez, I bet you didn't follow me. Am I right?" Napakunot siya ng noo sa pakikinig dito. Ano ba talaga ang gusto nitong puntuhin? "Ano po ba ang gusto niyong marinig?" Napatawa ito ng sarkastiko. "You sound so respectful just today. I guess my father is around, is he? Dapat pala talaga ay saka kita kinakausap kapag nandiyan sila e." Huminga siya ng malalim. Unti-unti nitong inuubos ang pasensya niya. "Yes po, andito ho ang Papa ninyo. Ibabalik ko na po ang telepono sa kanya." Hindi na ito nagsalita sa kabilang linya kaya tuluyan na niyang ibinigay kay mayor ang cellphone na hawak niya. Nakangiti naman iyong tinanggap ng ginoo at muling kinausap ang anak habang siya'y inabala ang sarili sa pagliligpit ng kama. Nakita niyang tumango-tango ito pagkuwa'y luminga sa kanya. "Sino ang kasama mo sa pagpunta mo dito, hija?" Itinatanong ba iyon ni Luis? Medyo nainis siya. "Si Jez po." Bumalik ito sa pakikipag-usap sa telepono. "Narinig mo naman 'di ba? Si Jez daw." Napaangat siya ng tingin ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto at mula doon ay magkakasunod na pumasok sina Misis Ignacio, Doctor Arevalo, Jez, Aling Celing, at Ate Mercy. Si Mayor ay nakatutok ang tingin sa likuran nilang lahat na parang may hinihintay. "Si Diego hindi ba sumunod?" Agad na lumapit dito si Misis Ignacio. "Bakit may kailangan ka ba?" "Wala naman." Natatawa nitong wika. "Akala ko lang kasi ay kasunod niyo rin siya. Lahat kayo ay nag-akyatan na e." Kahit nag-aalala ay natawa rin sina Aling Celing at Ate Mercy na nanatiling nakatayo malapit sa pinto. Siya nama'y lumapit rin sa ginoo nang lapitan na ito ng doktor at tumayo malapit rito. Lahat sila'y nanatili lang nakamasid sa doktor hanggang sa kunin nito ang record ng pasyente sa dala nitong medical bag. Nang matapos ang doktor sa pag-monitor ng BP nito at pagche-check sa record ay sinenyasan siya ni Mayor na lumapit dito. Habang kinakausap ito ng doktor ay nakatingin lang siya sa mga ito. "You have to be very careful. Mataas ang BP mo ngayon. I highly recommend na magpunta ka ng hospital one of these days para mas ma-check natin kung bakit sumasakit ang ulo mo. The last time na tiningnan natin iyan ay wala naman tayong nakitang problema katulad ng tumor o namamagang ugat, although may tendency talaga na mag-cause ng ganoon given your family history at delikado iyon kapag dumalas ang pagskit ng ulo mo so it's very necessary that we make another tests. We need thorough check on that." "I know, Doc. Bayaan mo at magpupunta rin ako doon pero sa ngayon ay hindi pa kailangan siguro. I have my favoriite nurse here with me." Ngumiti ito at binalingan siya pagkatapos ay sa cellphone na nakalapag sa kama. "Once my son is back, I will definitely visit you." "You're such a stubborn." Malakas na puna ni Misis Ignacio at lumapit rin sa kanila. "Ako ang malalagot nito sa anak natin kapag lumala iyang sakit mo. Akalain niyon na pinabayaan lang kita." Isinenyas ni Mayor ang kamay nito sa asawa at itinuro ang cellphone na noon ay nasa kama pa rin. "Nasa linya ang anak mo. Hindi niya iisipin 'yan kaya huwag kang mag-alala." "Ay. Bahala ka ngang tao ka. Napakatigas ng ulo mo." Tila sukong sabi ng ginang dito bago ito tumalikod at lumabas ng kwarto. Silang mga naiwan ay nagkapalitan ng tingin at maya-maya ay sunod-sunod ding naglabasan. Tanging sila ni Mayor at ng doktor ang naiwan sa loob. "Paano, Doc? Parang may kailangan akong asikasuhin sa labas na mas mahalaga ngayon?" Biro nito kay Doctor Arevalo sabay tawa rito. "Oo nga. Dapat nga siguro ay maasikaso mo muna." Tiningnan nito ang pasyente sa ilalim ng antipara nito katulad ng tingin na ipinupukol nito sa iba kapag may duda ito. "Pero huwag mo ring balewalain ang payo ko sa'yo. As soon as possible dapat ay makabisita ka na ng hospital. Malinaw ba?" Nagsalitan sa kanilang dalawa ng ginoo ang tingin nito. Tumango siya ganoon rin si Mayor na tila napilitan lang. Ilang segundo munang nanatiling nakatitig ang doktor sa kanila bago ito nagpaalam. "Kumbinsihin mo yan." Mariing bulong nito nang tumigil ito saglit sa harapan niya bago ito tuluyang lumabas ng silid. Naiwan naman silang dalawa ni Mayor na nagtatanungan ng tingin. Siya kung anong balak nito at bakit ayaw nitong pumunta sa doktor at ito naman ay kung ano ang sinabi ng huli. Tumayo si Mayor na agad niyang inalalayan mula sa pagkakaupo pero pinalis nito ang kamay niya at mag-isang lumakad papunta sa pinto ng mabilis sa pagtataka niya. Nang palabas na ito ay binalingan siya nito at sunod na tumingin sa cellphone bago ngumiti. "Nakalimutan ko. Kausapin mo pala muna si Luis, Dianne. Baka magtaka siya at hindi na ako nagsasalita. Bababa lang ako at kakausapin ko si Agnes." "Po?" Napamulagat niyang tanong. "Ayoko ho." "Sige na. Kausapin mo lang hanggang sa makabalik ako. Saglit lang ako." Mabilis pa sa alas-kwatrong nawala ito sa paningin niya. Binalingan niya ang cellphone at nag-isip kung sasagutin ba iyon. Kung sasagutin niya iyon ay pihadong pagagalitan lang siya ni Luis mula sa kabilang linya pero kung hindi naman niya iyon sasagutin ay baka si Mayor ang magalit sa kanya. Sa huli ay dinampot niya iyon at itinapat sa kanyang tainga. Ang ayaw niyang maranasan sa pagkakataong iyon ay ang galit ng butihing mayor. Huminga na lang muna siya ng malalim bago iyon sinagot. "Hello?" Walang emosyong bati niya roon. Kalansing ng pinggan at kubyertos ang una niyang narinig bago may nagsalita. "Dianne. Kumusta ang Papa?" Puno ng pag-aalala ang baritonong boses na iyon ng binata. "Sa ngayon ay mataas daw ang BP niya sabi ni Doc kaya pinapayuhan sana siyang bumisita sa hospital pero ayaw ng Papa niyo kung narinig niyo ang sinabi niya kanina." "Oo narinig ko nga." Ani nitong tila nahihirapan. "Sa ngayon ay makikisuyo akong bantayan mo muna siya. Okay lang ba?" "Opo. Iyon naman ho ang ginagawa ko." Bahagya siyang napaismid dito. Ano ba ang mas mahalaga pang bagay kaysa sa kalusugan ng ama nito na inuuna nito? Narinig naman nito ang sinabi ng ama nitong hindi ito magpupunta ng ospital kung wala ang anak nito pero hindi ito natinag? "Salamat." Sinsero nitong wika. "Walang anuman ho." "Nga pala, Dianne..." "Po?" Aniyang nag-aantay ng susunod nitong sasabihin pero lumipas na ang ilang sandali ay hindi pa rin ito nagsasalita. "Hello?" Tiningnan niya ang harap ng telepono pero tuloy pa naman ang tawag. "Hello? Luis?" "Nandito ako." Sagot nito sa kabilang linya kaya nakahinga siya ng maluwag. "Pwede bang alisin mo yung pamomo-po mo sa akin? Alam ko namang hindi iyan totoo." Tumaas ang kilay niya. Ano ba ang alam nitong totoo? Pero mabuti naman at alam nitong ayaw niya ring mamo-po rito. Kung alam lang nito kung gaano kasama ang loob niya rito para popo-in niya. "Sige po." Pang-aasar niya rito. Doon man lang ay makaganti siya para sa ilang taong hindi nito pagkausap sa kanya tapos ay siya pa ang sisisihin nito. "Dianne." Banta nitong tawag sa pangalan niya. "Po?" "Kakasabi ko lang di ba? Matigas talaga ang ulo mo. Mapipitik ko yang noo mo e." "Subukan mo." Pang-o-okray niya pa lalo. "Maghintay ka lang." Anito na ikinatayo ng balahibo niya sa batok. Death treath ba iyon? Bakit iba ang epekto ng salitang iyon sa kanya? Dahil kaya sa boses nito? "Sige po. Susunod na po ako sa baba. Tawagan niyo nalang ho ulit ang Papa niyo maya-maya." Nagmamadali niyang paalam rito. "Teka lang..." "May kailangan pa ho kayo, Sir?" Dagdag pang-aasar niya. "Dianne..." "Po?" Katahimikan ang sunod na namagitan sa kanila. Ang tanging naririnig niya lang sa kabilang linya ay ang paghinga nito na nagpapakunot ng noo niya. "Hello?" "Isipin mo ako hanggang sa makauwi ako." Biglang sagot nito saka pinatay ang linya. Siya nama'y hindi na naalis ang pagkakakunot ng noo. Paano ay hindi niya maintindihan ng maayos ang mga salitang iyon. Isipin niya raw ito hanggang sa makauwi ito? E lagi nga niya itong naiisip noon pa man e. Napapailing na inilapag niya ang telepono sa lamesitang naroon at balewalang lumabas ng silid. Kahit kailan talaga ay malabo ang taong iyon. ..... Hindi naglipat taon ay lumabas ang resulta ng bar exam ni Luis kung saan ay isa sa mga pinalad na makapasa ang binata at maswerte pang nakapasok sa top ten. Lubos-lubos naman ang pasasalamat ng mga Ignacio lalo na si Mayor Ignacio na kapansin-pansin ang paglusog ulit. Inimbitahan pa siya nito sa blow out umano pagka-uwi ng anak. Kung kailan ang uwing iyon ay hindi na niya inalam. Hindi rin kasi siya sigurado kung makakapunta ba siya. "Narinig mo na ang balita, ano?" Habang kumakain sa karinderya ay biglang sumulpot si Jez na may bitbit na tray ng pagkain at tubig. Kakalabas niya lang ulit sa night duty niya at doon na dumiritso para mag-agahan bago siya umuwi sa inuupahan niyang kwarto malapit rin sa hospital. "Ikaw pala, Jez." Masaya niyang bati rito. "Anong balita?" Umayos muna ito ng upo bago siya sinagot. "Tungkol doon sa kaibigan ko na kaibigan mo rin. Balita ko kasi ay pauwi na daw." "Ah. Si Luis?" "Tompak." Anito at sumubo ng malaki. "Nakausap mo na?" Kumunot ang noo niya. "Hindi." Kumunot rin ang noo nito. "Hindi mo pa binati? Kasama sa top ten yung tao pero di mo pa kinakausap?" "Di ko alam ang numero 'nun." Sagot niyang pinuno ang bibig para mawalan ito ng ganang tanungin siya. Nagkibit ito ng balikat kapagdaka. "Sabagay, kapag nakauwi naman na siya ay pwede naman na kayong mag-usap. Magkakaliwanagan pa kayo." "Magkakaliwanagan saan?" "Sa lahat. Ang labo niyong dalawa e. Pati tuloy ako nadadamay sa inyo." "Saan ka damay?" Paglilinaw niya sa sinasabi nito. "Sa inyo ngang dalawa." "Paano kang nadadamay e hindi naman kami nag-aaway?" Tinaasan niya ito ng kilay. "Kung alam mo lang." Makahulugan nitong wika habang sige lang ng kain. Maya-maya ay parang maamong tupa itong nagtanong. "Anong balita kay Carla?" "Ayun..." Tukso niya. "May iba ka palang pakay sa akin kung anu-ano pa ang sinabi mo. Bakit hindi mo kaya siya tawagan?" Ngumuso ito. "Nahihiya ako." "Aywan ko sa'yo. Para kang bata. Ang lakas lakas mong sabihan ako na tawagan ko yung kaibigan mo tapos ikaw di mo magawang tawagan ang kaibigan ko." Naiiling niyang tawa rito. "Magkaiba kasi tayo. Kayo ni Luis magkaibigan kayo. Si Carla di ko naman malapit na kaibigan e." "Pero nakakausap mo siya noon di ba?Nagkakasama kayo sa mga school competition?" Tumango ito. "Magaling kasi 'yun kaya nahihiya ako." "Ah." Bulalas niya. "Ibig sabihin kaya ganoon nalang ang lapit mo sa akin dahil hindi ako magaling. Hindi nakakahiya sa akin, ganun?" Tumawa ito sa reaksyon niya. "Parang ganoon na nga." "Ang sakit naman 'nun. Hindi ka manlang nagpasintabi." "Tabi-tabi po." Gagad nito sa biro niya. Sinimangutan niya ito at saka siya nanahimik sa kanyang pagkain. Nang mapansin nito iyon ay dumukwang ito at inabot ang ulo niya. "Hoy. Biro lang 'yun." Naalala niya ang madalas na ginagawang paghawak noon ni Luis sa ulo niya sa tuwing nagkakasamaan sila ng loob. Tiningnan niya ito at mabining ngumiti. "Alam ko." "Galit ka ba?" Nag-aalala nitong tanong na binitawan pa ang kutsarang hawak. Umiling siya. "Hindi, ano ka ba? May naalala lang ako." "Si Luis ba?" "Paano mo nalaman?" Ngumisi ito. "Nakasulat siya sa noo mo e." "Puro ka kalokohan." Aniyang natatawa. "Ipinaalala ko talaga siya sa'yo. Sabi ni Luis dati ay huwag daw kitang pipitikin sa noo at huwag daw kitang hahawakan sa ulo pero ginawa ko, kaya alam kong siya ang maaalala mo." Kumunot siya ng noo rito. Sinabi talaga iyon ni Luis dito? Bakit? .....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD