5

1356 Words
PERO si Jullie ay mas resourceful kaysa sa kanya. Ito ang naka-discover na may girlfriend na si Neil; kagaya ng binata ay tapos din ito ng Medisina at nagre-review para sa board exams. Pero hindi ang babaeng iyon ang papatay sa kanyang pag-asa. Hindi pa naman sila kasal, katwiran niya. “Miss Solides,” tawag ni Neil kay Jullie. “Can you please describe to us what a sea anemone looks like?” Narinig niyang sumagot si Jullie. Lagi na ay prepared ito sa leksyon kapag pumapasok. Pero hindi niya maintindihan. Ang importante ay binata pa rin si Neil... Patuloy ang paglipad ng kanyang isip. “Miss de la Rosa, do you think we san classify sea anemones and hydroids under the Coelenterata family?” Bigla, nag-panic siya. Walang babalang dinampot ni Mr. Concepcion ang class cards at ngayon ay hinihintay ang sagot niya para magmarka ng recitation. Luminga siya kay Jullie na humihingi ng saklolo. Ngunit kinalabit ito ng isa pa nilang kaklase. “S-Sir?” Halos walang tinig na lumabas mula sa kanyang bibig. Nasa mga mata niya ang munting pagkapahiya. At pag-aming wala siyang naiintindihan sa nile-lecture. “All right. Next meeting, prepare for a graded recitation. Now, you have five minutes to review for a quiz.” Patay-malisyang ibinaba nito sa mesa ang class cards. “Jullie, pakopyahin mo ako, ha?” Siniko niya ang kaibigan. “Ayan ka na naman. Puro ka kasi daydreaming kay Sir. Hindi ka na makapag-concentrate sa studies mo,” sermon nito sa kanya. Ngunit gustuhin man siguro nitong pakopyahin siya na kagaya ng dati ay hindi nito nagawa. Nasa harap nila si Neil at maski ang simpleng lingon niya sa katabi ay makikita nito. Hindi kalabisang sabihing pangalan lang niya ang naisulat niya sa papel. Ni isang terminology ay hindi niya mahulaan dahil wala naman talaga siyang natatandaan sa mga itinuturo ng kanilang professor. “FRIEND, reminder lang. Napakatindi yata ng infatuation mo kay Sir. Nakalimutan mo na’ng mag-aral ng lessons,” concerned na wika ni Jullie nang palabas na sila ng classroom. “Nag-aaral naman ako, ah! Na-pressure nga lang ako kanina dahil unannounced `yong pagtawag niya sa akin,” defensive na sagot ng dalagita. “Makikita mo, the next time, prepared na ako sa lahat ng lessons na ituturo niya,” dagdag pa niya. “Alodia, napakasimple lang ng sagot sa tanong ni Sir Concepcion kanina. ‘Yes’ or ‘no’ lang. Ipinahalata mo lang sa kanyang mentally absent ka sa klase.” “Excuse me. Siya nga ang laging laman ng isip ko, `no?” papilosopo niyang sagot. “Paminsan-minsan, lecture naman niya ang intindihin mo. Alam mo, hula ko, buko na ni Sir ang pagkagusto mo sa kanya.” Di mabuti, sa loob-loob niya. GAYA ng pangako ni Alodia, saksi si Jullie sa pagsisikap niyang pagbutihin ang pag-aaral niya sa subject na itinuturo ni Mr. Concepcion. Prepared na siya sa bawat recitation ngunit mababa pa rin ang nakukuha niyang marka sa periodical grading. “What’s the problem, friend?” tanong ni Jullie. Vacant period nila at tila wala siyang balak na tawirin ang buong corridor. Sa buong araw na iyon ay hindi pa nila nakikita ang binata. Ang tanging palatandaan lang nila na naroon din ito sa school ay ang kotse nitong nasa parking area. “BioSci. Malapit na ang finals and I need to strive more to get a satisfactory grade. Hindi iyong mukhang naaawa lang sa akin si Neil na ipasa ako,” aniya. “Don’t you think—” “Walang kinalaman si Neil dito. Hindi ba’t talagang tinutukan ko na ang pag-aaral sa subject niya? Talaga nga lang hirap na hirap akong maipasa `yon.” “Need a tutor?” wala sa loob na naitanong ni Jullie. Bigla ang kislap ng ideya sa utak niya. Tila nabura ang problema sa isip niya. “Papayag kaya si Neil?” nagdududang-tanong niya sa kaibigan. “Huwag siya. Lalo kang mawawalan ng interes na matutunan ang subject,” sansala ng kaibigan niya. HANGGANG sa pagtulog ay dala ni Alodia ang ideyang kuning tutor si Neil. Kahit na nga ba malaki ang pagtutol ni Jullie. Isa lang ang nakapagkit sa kanyang isip. Magkakaroon sila ng extra time ni Neil na makapagsolo. At kapag nangyari iyon ay gagawin niya ang lahat para malimutan nito ang girlfriend nito. At umasa siyang mapapansin na siya nito. Hindi lang basta bilang isang estudyante kundi isang nagdadalaga. Na maganda. Siya na ang nagbuhat ng sariling bangko. Bumangon siya mula sa kama at humarap sa salaming sinlaki niya. Ang tanging suot niya ay manipis na pantulog. Mag-e-eighteen pa lamang siya subalit nasa right proportion na ang hugis ng katawan niya sa kanyang taas na five feet-five inches—katawang bumagay sa maganda niyang mukha na mas nakuha niya sa namayapang ina. May ngiti sa labing bumalik siya sa kama matapos masiyahang pagmasdan ang sarili. Ang balak niya ay sa pagsapit pa ng debut niya sa December isakatuparan ang plano niya. Ngunit ang natatanaw niyang oportunidad ngayon ay hindi na niya palalampasin. Pumikit na siya. “DAD, I’M planning to get a tutor.” Sinabi ni Alodia sa ama na walang himig-paghingi ng permiso kundi pagdedeklara ng plano. “Sa major subject?” “Hindi naman. Pero very much related sa mga susunod kong subjects. Biological Science. Kailangang maganda ang foundation ko sa sciences, hindi ba?” “Magpapahanap ako sa secretary ko ng—” “Don’t bother, Dad. I know one. I’ll just inform you about it. The moment he agrees, magsisimula na kami.” Dinampot na niya ang table napkin at idinampi sa mga labi. “`Bye, Dad.” Ang hindi niya alam ay ang pag-aalala ng kanyang ama sa pagbanggit niya ng “he” kaysa “she” sa kukuning tutor. “SIR, SIR!” Mabilis na isinukbit ni Alodia sa balikat ang canvass bag at hinabol si Neil. “Yes, Miss de la Rosa?” Nilingon siya ni Neil at binagalan ang paglakad. Saglit siyang napapikit nang mariin. Miss de la Rosa. Napakapormal. “I want to talk to you, Sir. Something of a proposal. And it might take a few minutes of your time,” sabi niya nang waring naiinip na ito. Lumitaw ang mga ngipin nito nang ngumiti. “Proposal? I can’t guess what’s that like that might convince me. What kind of proposal is it, anyway?” Huminto ito sa paglakad at gumilid sila sa corridor. Nabuhayan ng loob ang dalagita sa nakitang ngiti nito. “I know that I’m not performing well in your subject,” aniya. “But actually, I’m doing my very best to have a high grade. And the last thing that came into my mind to improve is—” Saglit siyang tumigil at pinag-aralan ang reaksiyon nito. Blangko ang ekspresyon ng mukha nito. “Do you have spare time to tutor me, Sir? I’ll adjust my schedule to yours.” Kitang-kita niya ang bahagyang paniningkit ng mga mata nito. At kung iisipin niya ang kahulugan ng ganoong reaksiyon, hindi nito nagustuhan ang sinabi niya. She kept her fingers crossed as she waited for a positive response. “Miss de la Rosa—” “Alodia,” pagtatama niya at sansala sa sasabihin pa ng lalaki. “Miss de la Rosa,” ulit nito at hindi pinansin ang sinabi niya. “You can call me by my name,” giit niya. “Nope. Let’s make it formal. You are making a proposal and we have developed formality inside the classroom.” But this isn’t inside the classroom! tutol ng isip niya. “A piece of advice, try to study harder this coming whole week and let’s see if you improve. I don’t normally conduct tutorial classes. And I don’t think you badly need that. However, there are still six more weeks before this semester ends. And the moment I see you really can’t pass the subject, then I’ll be the one who’ll volunteer to tutor you. Got me, Miss de la Rosa?” Nagsimula na itong humakbang. “Er— thank you, Sir.” Nagpilit siyang magpakita ng ngiti gayong bigong-bigo siya sa plano.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD