“NASAAN na siya?” bulong niya kay Jullie pagkatapos niya itong senyasang lumapit.
“Relax. Naringgan kong may pinag-uusapan sila ng daddy mo. I think he’ll probably spend more time here,” pagbibigay-assurance sa kanya ng kaibigan.
Party time.
Naipon na ang mga kabataang bisita sa dance floor at sinasabayan ang masiglang tugtog.
Mabilis na pumanhik si Alodia upang magpalit ng damit. Hawak ang skirt ng gown para hindi matapakan, natanawan niya si Neil na nag-iisa sa verandah, hawak ang isang kopita ng alak.
Tinawid niya ang kapirasong espasyo mula sa hagdan.
“Neil?”
Nakakunot-noong nilingon siya nito.
Huli na para bawiin niya ang sinabi. Noon lang niya napagtanto ang paraan ng pagtawag niya rito.
“I’m sorry, Sir.”
“You’re forgiven. This is your night,” salat sa emosyong wika nito. “Why don’t you change and join them?” Inginuso nito ang mga nasa dance floor.
“You’re alone here.” Kunwa ay hindi niya narinig ang disimuladong pagtataboy nito sa kanya. Iginala niya ang mga mata sa madilim na bahaging iyon ng bahay na sa paggalaw lang ng disco lights panaka-nakang tinatamaan ng malamlam na liwanag.
“I’m fine. May pinag-uusapan kami ng daddy mo. He’ll be back in a moment. May kinuha lang siya sa library.”
“You didn’t bring your girlfriend,” aniya na siguradong-sigurado sa sinabi.
Nahuli niya ang isang ngiti sa sulok ng mga labi nito.
“She’s busy,” tipid na sagot nito.
Ang sagot nitong iyon ay tila patalim na sumugat sa kanyang puso. Isang pag-amin iyon ng pagkakaroon na nito ng relasyon sa iba.
Mula sa likod niya ay narinig niya ang mga yabag.
“Anak, magbihis ka na ng pang-disco. Hinahanap ka ng mga kaklase mo,” anang kanyang ama.
Tinging may panghihinayang ang ibinigay niya kay Neil bago siya umakyat.
Walang gana siyang nagpalit ng damit. Sa bintana ng kuwarto niya ay tanaw niya ang nagkakasayahang mga bisita. Ngunit ang isip niya ay na kay Neil.
“I have to fulfill what I promised to myself. Ang tagal kong inasam ang araw na ito,” bulong niya sa sarili.
Pabalik-balik siya sa kuwarto; ang tanging nagbibigay ng katiting na pag-asa sa kanya ay ang kaalamang naroon pa rin sa ibaba si Neil.
“Then it isn’t over yet!” napapitik niyang wika, saka nagmamadaling lumabas na siya ng kuwarto.
Patakbo halos ang pagbaba niya sa hagdan.
“Toni, nakita mo ba ang daddy?” Sinalubong siya ng papa ni Ingle.
Chance! Gusto niyang magdiwang sa nakitang pagkakataon.
“Nasa verandah siguro, Kuya Anton.” Ikinubli niya ang sarili sa isang Chinese jar na hindi kalabisang sabihing kasinlaki na niya halos. Nang bumalik sa sala si Anton na kasama ang ama ay huminga muna siya nang malalim bago pumunta sa verandah.
Kumuha siya ng kopita ng alak sa isang waiter na nakasalubong. May palagay siyang kinakailangan niya iyon para pagkuhanan ng lakas ng loob. Halos magkandasamid siya nang sumimsim sa laman ng kopita.
“Where are you going?” Muntik na siyang mapatalon sa gulat nang magkabanggaan sila ni Neil na paalis na ng veranda.
Huwag muna, piping-dasal niya.
“Sa iyo. I saw you from the other side of the house at tama ako sa hinala kong nag-iisa ka rito. Maybe you need company.” My company, so to speak. Pero wala siyang lakas ng loob na isatinig iyon.
“Don’t mind me. You are the celebrant at hindi ka dapat nawawala sa karamihan. At saka ano `yang dala mo? Hindi ka pa bagay para sa ganyan.” Tinangka nitong agawin sa kanyang kamay ang hawak niyang kopita subalit iniiwas niya iyon.
Tumapon ang laman niyon sa kanyang dibdib.
“I’m sorry.” Mabilis itong dumukot ng panyo mula sa bulsa. At idinampi-dampi nito sa tapat ng nabasa sa kanyang dibdib.
“Ikaw kasi, hindi ka naman dapat na uminom ng alak. Are you cold?” Nahimigan niya ang concern sa tinig nito.
She was speechless. She enjoyed watching him desperately trying to dry her blouse. At hindi na rin nito napapansin marahil na ang isang kamay nito ay nakayakap na sa kanyang baywang. Ang lapit-lapit nila sa isa’t isa at may nararamdaman siyang kakaibang init na dumadaloy sa kanyang pagkatao.
At waring umaayon sa kanya ang pagkakataon.
Kung sinuman ang makakakita sa kanila sa ganoong ayos ay iba ang iisipin. They were intimately standing in that dim part of the house.
“I-I’m...” Sa pag-angat ng mukha ni Neil ay magkatapat na ang kanilang mga mukha. At ang natirang pagitan ay sapat na para magkapalitan sila ng hininga.
“Neil—” Siya na mismo ang lalong nag-angat ng kanyang mukha para lalong lumiit ang pagitan sa kanilang dalawa.
Ipinikit niya ang mga mata at hinintay na ilapat ng binata ang sariling mga labi sa kanya.
PARANG dahan-dahang tumatakas ang puwersa mula sa kanyang mga binti para makapanatili siyang nakatayo.
Kakaiba ang kuryenteng dumadaloy sa kanyang katawan nang tuluyang maglapat ang kanilang mga labi ng lalaki. Banayad na banayad ang ginagawang paghalik nito na waring iniingatan ang kanyang basal na mga labi.
And she was stunned. She just could not believe it was really happening to her.
She had always been dreaming of this scene at ngayong angkin na ng binata ang kanyang mga labi ay waring mapupugto ang kanyang hininga. It was not that Neil was goving her a hard kiss; in fact, he was very gentle, exploring her lips as if they were delicate rose petals.
And what made her feel weak was the thought of it and the whole emotion it involved as Neil claimed her mouth. She felt more than just her lips meeting another. It was like a whole wild emotion expressed in a simple, moist touch.
At naramdaman niya ang lalong paghigpit ng pagyakap sa kanya ni Neil. Ginantihan niya ang pagyakap nito at pinag-aralang tugunin ang paraan ng paghalik nito.
She could feel her own lips trembling. Nangangamba siyang hindi makapagbigay ng kasiyahan sa binata ang mumunting kilos na iginagalaw ng kanyang mga labi. What she was doing was just coming from her own instinct—mere reciprocation of how Neil was kissing her.
Kasabay ng tila daing na narinig niya mula sa binata ay ang mabining ungol na tumakas mula sa sarili niyang lalamunan nang iwan ng mga labi nito ang kanyang mga labi at dumako sa punong-tainga niya.
Ngunit waring sa ungol na iyon nabalik sa realidad ang binata. Huminto ito sa paghalik sa kanya. Kasabay niyon ay ang pagluwag ng mga bisig nito sa kanyang baywang at unti-unti itong umatras mula sa kanya.
“I’d better be going,” anito.
Saglit silang nagkatitigan bago ito umalis.
Panghihinayang ba ang nakita niya sa mga mata nito?