BAGO mag-Christmas vacation ay tapos na rin ang preliminary exams nila sa school. Tumawag ng meeting si Neil sa kanilang section. And that was also the first time she saw him after her debut.
“I called this meeting because many of you got low grades during the preliminary period. I request that you evaluate yourselves if you really belong to this course. Because if you don’t, I advise you to shift to the one that meets your interest.” Iginala ni Neil ang mga mata sa buong klase. “Because if you are just taking your studies for granted or you are taking this course for no reason at all, then you better shift to another. In a few short months, the second semester will end. I can’t tell if I will still be your class adviser for the next school year, but I must say that if some of you found it hard to pass some subjects last sem, and are having difficulty today, the next will be naturally harder.
“You are all aware that there’s a cut-off grade in this class. Of course, your second year in this course will be tougher than now, and if you fail to maintain the grade, you will have to leave, whether you like it or not.”
Bigla ang lipad ng paningin nito sa gawi ni Alodia.
At bago pa magtama ang kanilang mga mata ay yumuko na siya. Alam niyang sa kanya mismo nito pinatutungkol ang huling sinabi.
She had done her best. But maybe Neil was right. This was not her field. Nahihirapan siyang kabisaduhin ang napakaraming scientific names at kung ano-anong terminologies na napakahirap tandaan ang mahahabang spelling, ganoon din ang pagkakabaluktot ng dila niya sa pronunciation.
And what pushed her to keep on taking this course was the fact that Neil was always around.
Parang munting apoy na nagsilbing mitsa sa nararamdaman niya sa binata ang gabing iyon ng kanyang debut. She was wanting for more, expecting that her dream of becoming his girl would become real.
At siya ang papalit sa girlfriend nito.
She had tried talking to him. But it seemed he was always trying to avoid her. Hindi na ito kasing-visible sa university katulad ng dati.
Maingay ang buong klase nang i-dismiss ito ng binata. Sarisari ang mga opinyon. Ang iba ay ang pagsuko at desisyong mag-shift na sa ibang kurso.
Pero ang atensiyon ni Alodia ay wala sa pag-aaral. Kailangan niyang makausap si Neil.
“Excuse me.” Nakisiksik siya sa ibang mga kaklase para maunang makalabas ng classroom.
NATANAW ni Alodia ang likuran ni Neil nang pumasok ito sa faculty room. Naghintay siya ng ilang sandali bago niya ito sinundan.
“Good morning,” bati niya sa isang faculty member na dinatnan niya sa lounge area. “I’m looking for Mr. Concepcion.”
Pinaghintay siya nito.
“What can I do for you, Miss de la Rosa?”
Nag-angat siya ng tingin nang tumambad sa kanya ang pares ng mga binti nito.
Back to formality again! Wala siyang mabakas sa tono nito na munti mang alaala ng pinagsaluhan nila nang ilang sandali noon sa verandah ng bahay nilang mag-ama.
“It has something to do with the meeting.” She tried her best to answer him on equal tone. Subalit sa huli ay muntik na siyang pumiyok.
“I see,” anitong nagustuhan ang narinig. “Come inside.”
Nauna na itong lumakad patungo sa isang section ng kuwarto na makapagbibigay ng kaunting privacy sa kanilang pag-uusap. Usually ay ginagamit ang maliit na espasyong iyon sa mga kumokonsultang estudyante. Pribado dahil hindi gaanong maririnig ng iba pang mga nasa faculty room ang pag-uusap ngunit ang glass panel kung saan tanaw sila ay nagbibigay rin ng kasiguruhang walang monkey business na puwedeng gawin doon na malilingid sa kabilang dingding.
“I’m glad that you took the initiative to come here. I was really planning to call your attention about this,” wika ng binata nang makaupo na siya.
“Why?” Lumitaw ang pag-asam sa kanyang tinig.
Mag-iisang buwan na rin mula noong debut niya, and she had kept on hoping that there was something between them. Hindi nga lang sila nabibigyan ng pagkakataong makapag-usap.
And this would be the time.
Ngunit hindi rin niya maunawaan kung bakit sa tinig ng binatang propesor ay negatibo ang magiging dating ng pag-uusap nila.
“Miss de la Rosa—” Ibinitin nito ang sasabihin. Saka binuklat ang class record na kanina pa nito hawak.
“Can’t you call me Alodia?” Nagtataka siya kung bakit tila napakahirap para dito ang tawagin siya sa first name niya samantalang ang ibang mga guro ay idina-drop ang formality sa sandaling wala na sila sa loob ng classroom. Pinanood niya ang tila paghahanap nito sa class card niya.
“I can’t,” tugon nito. Saglit siya nitong tinapunan ng tingin at ipinagpatuloy ang ginagawa.
“You kissed me.” Kung paano iyon umalpas mula sa mga labi niya bago pa niya pinag-isipan ay hindi niya alam. Gusto niyang paniwalaang puso niya ang nagsalita niyon.
Sa sinabi niya ay tila naparalisa si Neil sa binabasa.
“I’m sorry,” he said in a flat tone.
Halos hindi niya marinig ang sinabi nito. At gusto niyang mabingi sa dalawang salitang binitawan nito. Tumingin ito sa mukha niya subalit umiwas sa direktang pagsasalubong ng kanilang mga mata.
“You are sorry that you kissed me?” Gusto niyang sumigaw ngunit aware siyang hindi nila solo ang kuwartong iyon.
Marahan itong tumango. Hindi niya kayang i-interpret ang nakabadha sa mukha nito. Kung gaano kasalat ang tinig nito sa pagsasabi sa kanya ng “sorry” ay ganoon din kablangko ang mukha nito.
At nasasaktan siya. Kung dahil man sa walang-sinseridad na pagsasalita nito o dahil nararamdaman na niya ang unti-unting pagguho ng kanyang inaasam ay hindi niya alam kung alin ang mas matimbang.
Saglit na nag-ulap ang kanyang paningin. At dama niya ang unti-unting pag-iinit ng sulok ng kanyang mga mata.
“Miss de la Rosa, listen—” Sandaling tumikhim ang binata. “I wanted to tell you that I’m already engaged to be married.”
Nahagingan niya ng sulyap ang mga daliri nito. Bukod sa college ring ay isa pang singsing ang nakasuot sa daliri, palatandaang hindi ito nagsisinungaling sa tinuran nito. Ngunit bingi na siya sa anumang sasabihin nito. Mas mahalaga sa kanyang sabihin sa kaharap ang nararamdaman.
“You are my very first...” Halos hindi iyon lumabas sa lalamunan niya. But she had to finish her sentence. “And only...”
“Bata ka pa. There’s a lot in store for you.” Nasa tinig nito ang pagsisikap na pagaanin ang kalooban niya.
“Ikaw ang gusto ko.” She could feel her face turning red ngunit pinamanhid niya ang sarili sa kahihiyan.
“Look,” anang binata na nahihirapan sa sitwasyong nilang dalawa. “I regret that I allowed that kiss to happen.”
Hindi na niya kaya. She had done her part, ngunit sa tono nito ngayon ay namimili na ito ng mga salitang bibitawan para hindi lubusang makainsulto sa ginagawa niya.
Hindi niya alam kung paano siya nakalabas ng faculty room.
She wanted to run to Jullie, but her friend was busy reviewing for another scholarship exam.