9

1052 Words
HINDI naging gamot sa lungkot ni Alodia ang pag-i-spend nila ng ama ng bakasyon sa piling ng kanyang mga kapatid sa America. Halata ng don ang pananamalay niya kahit na nagpipilit siyang pasayahin ang sarili. “Dad, can I stay here longer?” “Paano ang pag-aaral mo? Hihinto ka?” “I’m considering taking another course.” Anyong gustong masiyahan ang kanyang ama sa narinig nito mula sa kanya. Kagagaling lang nila noon sa pagsa-shopping. Alam nitong weakness niya iyon. At kahit na labis na ang pagpapalayaw nito sa kanya, ito mismo ang nagyakag sa kanya para mamili. Subalit tila nawalan na ng appeal sa kanya ang ganoon. “NAMI-MISS mo lang si Jullie,” ani Don Antonio. Alam ni Alodia na nire-reverse psychology siya ng ama. “Why don’t you talk to her on the phone? Baka magbago ang isip mo.” Ganoon nga ang ginawa niya. At ang ama naman niya ay pumasok na sa kuwarto nito para magpahinga. Sa pag-uusap nila ng kaibigan sa telepono ay nalaman niyang nang araw na lumipad silang mag-ama para mangibang-bansa ay nakita nitong may sulat ang guidance office sa kanya. Nag-suggest itong sa America i-address ang naturang sulat para mabasa agad niya. Walang ideya si Alodia kung tungkol saan ang sulat na iyon. At sa plano niyang magtagal nang kaunti sa America ay hindi tumutol ang kanyang kaibigan; nasabi na niya rito ang nangyari sa kanila ni Neil sa faculty room. “I’ll be missing you, Alodia,” anito sa kanya. “That is, if you’re not coming back. Marami pang mas guwapong Neil diyan. Makakalimutan mo rin ang iniwan mo rito,” biro pa nito bago tuluyang nawala sa linya. Hindi niya kinontra ang sinabi ng kaibigan. Totoo naman iyon; only she wished that only one man could overpower the feeling she had for Neil—and that was Neil himself. Kabababa lang niya ng telepono nang mapansin ang kakaibang kilos ni Ingle na pababa ng hagdan. Ingat na ingat ito sa paghakbang, tila pusang tantiyado ang bawat galaw. “Where are you going?” sita niya rito. “Tita Toni...!” Mahina ang tinig nito ngunit nahimigan kaagad niya ang takot doon. “It’s getting late, and you’re still in your jeans and shirt.” Hinagod niya ng tingin ang suot nito, sandaling nagtagal sa isang medium-sized paper bag na hawak nito sa isang kamay. “I’m attending a pajama party,” agad ang pag-amin ng pamangkin niya nang anyong kokomprontahin niya ito. “Pajama party?” More or less ay may ideya na siya kung ano ang klase ng party na iyon. At ngayong pinagmamasdan niya ang pamangkin ay naisip niya kung hindi kaya dapat na kausapin niya ang kanyang Kuya Anton para ang pamangkin naman ang isama ng kanilang ama sa pagbabalik nito sa Pilipinas. Ingle had just turned thirteen. At noong siya ang sampung taon ay natatandaan pa niyang sa lahat ng bagay ay may nakaalalay sa kanya. She was so pampered. At kabaligtaran niyon ang nakikita niya sa pamangkin. Ingle had this kind of independence na hindi niya alam kung kaiinggitan niya o hindi. Malakas ang loob nito, kahit sa pagtakas sa mga magulang. Or was she becoming a rebel? Nahahawa ito sa ugaling kanluranin. And she felt sorry for her parents. Or maybe, magkaiba lang talaga sila ng nakalakhang kultura. “Bakit mukhang hindi ka magpapaalam?” naitanong na lang niya rito bagaman alam na rin niya ang isasagot nito. “Please, Tita Toni.” Nakikiusap ang tono nito. “My classmates kept asking me to join them. I owe this night to them.” “And what will all of you do?” Inaarok niya ang isasagot nito. “Chatting.” “And you don’t do such things in school?” Bakit ba pakiramdam niya ay siya ang magulang nito. “Please...” Nagmamakaawa na ito. She considered for a while bago niya pinayagan itong lumabas sa kondisyong uuwi ito nang hatinggabi. At talagang hindi siya natulog hangga’t hindi ito umuuwi. Ingle finally arrived at one in the morning, sa sandaling para na siyang pusang hindi maihi. At kahit na nakahinga na siya nang maluwag at nakauwi itong buo pa, mailap na rin ang antok sa kanya. Kung hindi nga lang niya alam na nasa Tutuban na si Jullie para tulungan ang ina sa puwesto ay mag-o-overseas call siya muli rito. She spent the whole night awake. At nang sumikat ang araw ay siya na mismo ang dumampot sa diyaryong basta na lang ibinalibag sa lawn. Binubuklat niya ito nang dumating naman ang mailman. Natanggap niya ang sulat na sinasabi ni Jullie. DEAR Miss Alodia Mari-Antoine de la Rosa. The university guidance office is responsible in informing and advising students as to what course they may choose as an alternative. The evaluation for freshmen students like you is done at the preliminary period of the second semester. The guidance office conducts this a little late to give the students a chance to get oriented with their enrolled course. The guidance office has reviewed all the examinations you had taken and saw that you got highly satisfactory grades in most of your subjects which, unfortunately, do not have a direct bearing on the sciences, which should be given the utmost importance as far as your course is concerned. The guidance office regrets to inform you that although you excel in Mathematics, you should give more attention to the sciences. In this connection, the guidance office is advising you to spend some time considering another course which is more suitable for your abilities and talent. Humugot si Alodia ng isang malalim na paghinga. Ang nasa isip niya ay malaki ang kinalaman ni Neil para sulatan siya ng guidance office. Tinanggap niya nang maluwag sa loob ang sulat. Hinintay niyang magising ang ama at nang magkasalo na sila sa almusal ay saka niya ipinakita rito ang sulat. “You may be right, Dad. Natangay lang siguro ako ni Jullie,” sabi niya nang matapos nitong basahin ang sulat. “I’ve already made up my mind. Hindi ko na tatapusin ang sem.” Ngayon ay hayag sa anyo ng amang napanatag ang loob nito na iyon lamang ang dinaramdam niya. “Magbabakasyon ka muna rito?” “Kung papayag ka, Dad—” Tinitimbang niya ang ama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD