Ilang oras din ang itinagal ng pag-i-star gazing namin ni Fire. Wala kaming ibang ginawa kundi ang damhin ang musika ng katahimikan at titigan ang napakagandang si Luna --- ang buwan. Hindi ko alam kung bakit napakakomportable ng pakiramdam ko sa kaniya. Pakiramdam ko'y palagi akong ligtas at wala ni sino man ang makapananakit sa akin. Hindi na rin ako nakatulog nang maayos dahil anong oras na rin kami bumalik sa resort. Ginising din kami nina Light dahil tinawagan daw sila ng manager nila at may importante silang kailangang asikasuhin kaya hindi na namin pinaabot pa ng ikatlong araw ang pag-i-stay namin dito. Nagliligpit na kami ng mga gamit at panay na rin ang pag-aayos namin. Nakaligo na kaming lahat at handa na rin kami para sa biyahe pero bago umalis, kumain muna kami ng almusal a

