"Busog na ako, grabe ang dami kong nakain," sabi ni Fire habang hinimas-himas ang tiyan niya. hanggang ngayon ay hindi pa rin ako gumagalaw dahil hindi ako makapaniwala na si Fire talaga mismo ang nag-bake ng cake na ibinigay niya para sa akin. Talaga bang ginawa niya 'yon para sa akin? Nakokonsensya ako nang sobra-sobra. Hindi ko inakalang magagawa niya ang bagay na 'yon sa akin. Sino ba naman ako? Palagi ko siyang itinataboy pero nagagawa niya pang gawin sa akin ang mga gano'ng bagay. "Bakit hindi ka na nakagalaw?" nagtatakang tanong ni Fire dahilan para mapakagat ako nang mariin sa aking labi. "Teka, may problema ba?" muli niyang tanong na hindi ko alam kung magagawa ko bang sagutin. Iginiya niya ang kaniyang ulo sa direksyon kung saan ako nakatingin kaya nakita ko ang napakaamo

