"Kumain ka na muna, nakahihiya naman sa 'yo," mataray kong sabi kay Fire na ngayon ay naupo sa silya na noon ay pinag-uupuan ni Papa. "Ang sungit mo naman kay Fire," ani Paradise sabay lingon kay Fire na ngayon ay parang nilagyan ng tape sa bibig sa sobrang tahimik. "Pasensya ka na sa kaibigan namin, hindi niya lang talaga alam kung paano mag-entertain ng isang tao kaya ganiyan siya," dugtong pa ni Paradise dahilan para titigan ko siya nang masama. Pagkatapos ng ginawa niya sa akin, nagagawa niya pa akong sabihin ng mga gano'n. Kakaiba talaga. Padabog kong inilapag ang mga pinggan sa harapan nilang tatlo pagkatapos ay muli akong lumakad para kuhanin ang mga niluto kong pagkain. "Tulungan na kita," ani Fire at akmang tatayo na sana siya nang isenyas ko ang nguso ko na sinasabing manati

