Titig na titig lang ako kay Fire. Hindi ko magawang ituon ang atensyon ko sa iba. Dito na siya nagpalipas ng gabi dahil anong oras na at basang-basa na rin ang damit niya. Mabuti na lang at may mga damit si Papa na kasyang-kasya sa kaniya. Wala siyang dalang kotse kaya sa oras na magising siya'y ihahatid ko na lang siya sa bahay nila o sa kung saan mang lugar niya gusto magpahatid. Huminga ako nang malalim. Hindi pa ako nakatutulog hanggang ngayon dahil hindi ako komportable na nasa tabi ko si Fire at nasa iisang kama lang kami. Walang bakanteng kama para sa kaniya kaya naman dito siya sa kuwarto ko natulog. Hindi na rin ako nakaangal dahil wala naman ding pagpipilian. Alas-kuwatro na ng madaling araw at hanggang ngayon, mulat pa rin ang mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit ko 'to gin

