Huminga ako nang malalim bago ako magsalita at sagutin ang isang bagay na hinihiling niya sa akin, ang kausapin ang mama ko. Hindi ko alam kung nagpapatawa ba siya o seryoso siya sa mga sinasabi niya. Hindi ko alam pero para bang may iba, pakiramdam ko'y may iba talaga. "Paano ko naman gagawin ang bagay na 'yon, Fire? Nagpapatawa ka bang talaga? Sa tingin mo'y kaya ko 'yang mga sinasabi mo sa akin ngayon?" sunod-sunod kong sabi sa kaniya na nagpapakita nang labis na pag-angal. Paminsan-minsan ay hindi ko talaga maintindihan ang tema niya. Minsa'y hindi ko na talaga siya maintindihan pa. "Ayaw mo? Edi huwag ka nang umasa na mag-uusap pa tayo," diretso niyang sabi sa akin na para bang wala lang sa kaniya kung hindi na kami mag-usap. Napakagat ako nang mariin sa aking labi dahil hindi ko

