"Hell! Buksan mo ang pinto!" Nabulabog ang pagtulog ko sa isang malakas na sigaw na nagmumula kay Paradise. Bahagya akong napakusot sa aking dalawang mata. "Hell!" muling sigaw ni Paradise dahilan para mapakunot ang noo ko. Hindi ko alam kung ano ang problema nila at kung bakit ang aga-aga nila ako kung sigawan. "Hell, kailangan ka ni Fire." Nang sabihin ni Heaven ang katagang 'yon ay nakaramdam ako ng kaba at takot sa 'di malamang dahilan. Napalunok ako nang mariin at dali-dali akong naglakad nang mabilis patungo sa pinto. Nang marating ko na 'yon ay agad kong binuksan ito. Tumambad sa akin sina Paradise at Heaven na ngayon ay hindi na maipaliwanag ang itsura. Para bang may gulat takot sa kanilang mga mukha. "Si Fire..." panimulang sabi ni Heaven kasabay ng pagkuha niya sa kam

