"Tama na, nahihilo na ako!" suway ni Fire sa akin dahil hindi pa rin ako tumitigil sa pagtulak sa duyan kung saan naroon siya. "Nahihilo na ako, Hell," muli niyang sabi dahilan para tumigil na ako. Dahan-dahang huminto ang duyan hanggang sa mailapag na nang tuluyan ni Fire ang mga paa niya. Tinitigan niya ako na para bang naduduling siya dahilan para matawa ako sa kinatatayuan ko. "Paano mo nagagawa 'yan?" namamanghang tanong ko sa kaniya dahil kahit paulit-ulit kong paikot-ikutin ang mga mata ko, hindi ko pa rin kayang magduling-dulingan. "Ang alin? Heto ba?" Muli niya na namang pinagsalubong ang itim ng mga mata niya nang walang kahirap-hirap. "Baka mahanginan ako, tama na," suway niya sarili sabay balik ng mga mata sa dati. Lumapit ako sa kaniya at muli akong umupo sa katabi

